"ALAM kong nagulat ka, I'm Rowella, Rusty's twin sister. Narito ako para ibigay sa'yo ang sulat na ginawa ni Rusty para sa'yo. Kilala na ako ni Zavier simula pagka-bata at alam niyang may kakambal si Rusty. Pakiusap, pumunta ako ng Pilipinas dahil nangako ako sa kapatid kong ibibigay sa'yo ang importanteng sulat na para raw sa'yo." "Ang totoo ginulat mo ako," sagot niya rito. "I'm so sorry for that." "Okay lang," aniya kay Rowella. "Paano, aalis na ako at habulin ko pa ang flight ko papuntang Hong Kong, kailangan ko na rin kasing bumalik sa trabaho ko." "Take care, have a safe trip." "Thank you." Nasundan na lamang niya ito ng tingin. At ang Marites niyang kaibigan na si Trixie ay nakiusyuso. "Grabe, kamukhang-kamukha talaga sila ni Rusty, no?" "Oo nga, kahit sa isang social medi

