HINARAP nga ni Zavier ang nagngangalang Christopher Valdemore. Hindi ito makatingin ng diretso sa kanyang mga mata. "Good day, Mr. Clinton," ani nito sa kanya sabay lahad ng kamay nito. Tinanggap niya naman iyon pero agad din niyang hinila, at isang malakas na suntok sa panga ang ibinigay niya rito dahilan para humandahusay ito sa marmol na sahig. Kasabay niyo'n ay ang malakas na tili ng ilang mga kasambahay at ni Thess. "Good morning, doc," sarkastikong sagot niya rito. Nanggigigil siya sa sobrang inis, at talagang may gana pa itong humarap sa kanya? Mas lalo siyang nainis nang lapitan ng kanyang asawa ang bwesit na si Valdemore at inalalayan itong makatayo. "I didn't come here with the intention of causing trouble, Mr. Clinton. My purpose in being here is to hand over the letter

