SHE engaged in playing his trick. Alam naman niyang laro lang ang nais ni Zavier kaya sasabayan niya ito. Pero aaminin niyang kayhirap nitong hindi-an. Nakakatakot kung siya man ay mahulog sa patibong na inihanda nito para sa kanya. Dalang-dala na siya sa init ng bawat haplos nito. Mas naging mas malalim ang halik na iginawad nito sa kanya. Ngunit nang pakawalan nito ang kanyang mga labi at bumaba ang halik nito sa kanyang leeg, doon na siya nagkaroon ng pagkakataon na itulak ito sa matipuno nitong dibdib. "M—Matulog na tayo," aniya. "At sa tingin mo papayag ako sa nais mo, Ms. Padaong?" pilyong tugon sa kanya ni Zavier. Pero nagulat siya nang siilin na naman siya ng mapusok na halik nito. Pinilit niyang umalis mula sa matipuno nitong mga braso pero hindi niya magawa dahil mas mala

