Wade Dahil nga nakita ko si Kiro sa mall ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi mag-alala para sa kanya. Pinipilit ko ang sarili na hindi siya pansinin. Sabi kasi ni Jack at jimmy sa akin ay pabayaan ko na daw si Kiro dahil problema naman niya iyon. Pero dahil mahal ko si Kiro,. Hindi ako nakinig sa mga kaibigan ko. Pag-uwi ko noong gabing iyon ay nag-text agad ako sa kanya. Pero di naman niya ako sinagot. Baka hindi pa rin talaga niya gustong makipag-usap sa akin. Isa pa, napahiya rin siya sa mdaming tao kahapon eh. Malamang, nahiya rin siya sa akin. Noong kinabukasan naman, hindi ako nagkalakas ng loob na puntahan siya sa kanila. Baka mamaya kasi ay hindi naman niya ako tanggapin. Baka ipagtabuyan niya lang naman ako. Gusto ko lang naman din siyang bigyan ng time para sa sarili niya. N

