Chapter 1
Gwen
I'm Gwen. 25 years old, maliit ako kaya minsan napagkakamalan akong 12 years old. Nakaka-inis nga eh, kailangan ko pa kasing magdala ng ID or anything na magpapatunay na hindi na ako minor. Bakit kasi nasa lahi namin ang maliliit?
I do have a boyfriend. Sa liit kong ito ay nakakuha pa rin ako ng boyfriend ano? Ang cute ko daw kasi, para akong bata kapag kasama ko siya dahil matangkad siya kaysa sa akin kaso kapag nasa labas kami ay madalas na napagkakamalan na nakakabatang kapatid niya ako. I hate it.
Ayos naman kami, dalawang taon na ang relasyon namin. Actually, nag-propose na nga siya sa akin at naghahanda na kami para sa kasal namin next year. Alam kong mabilis pero nasa tamang edad naman na kami kaya okay na din. I remember that scenario, noong nag-propose siya sa akin. Kasama ko ang pamilya ko noon pati ang pamilya niya.
"Bakit mo ba ako dinala dito? Kasama pa sina mommy at daddy. Alam mo naman na mga busy iyan. Nakakahiya na isinama pa natin sila sa date natin," sabi ko kay Quin.
"Ayos lang naman sa kanila eh, nagpaalam naman ako nang maayos. Pumayag naman sila saka wala naman silang naka-schedule for today. Hinatyin mo, darating pa parents at mga kapatid ko," sabi ni Quin sa akin.
Doon na ako kinabahan, bakit naman niya iimbitahin ang mga family members namin? Wala naman akong maalala na dapat naming i-celebrate ngayon ah. Wala ba o nakalimutan ko lang? Haynaku naman, iba na talaga kapag natanda eh.
"Hala, may nakalimutan ba akong selebrasyon? Bakit lahat sila eh pinapunta mo dito? Birthday mo ba? Anniversary ba natin or you are breaking up with me at gusto mo na maging legal ang paghihiwalay natin?" sabi ko kay Quin, kabado pa rin ako sa kinikilos niya.
"Will you stop being so negative? Grabe ka naman, dalawang taon na tayo eh. Hihiwalayan pa ba kita? Umayos ka nga, iyan ka na naman sa negative thoughts mo. No, hindi kita hihiwalayan. Okay? Stop that nonsense," sabi naman ni Quin sa akin.
"Sorry naman, naguguluhan lang kasi ako sa lahat ng nangyayari. Parang may kaka-iba kasi, hindi ko alam kung ano iyon pero alam kong may kaka-iba," sabi ko naman kay Quin.
"Anak. hayaan mo na lang na si Quin ang magpaliwanag. Okay? Don't be so negative with him. Alam niya ang ginagawa niya anak, magtiwala ka na lang sakanya. Isa pa, kung ano ang gagawin niya ngayon ay tiyak na makakatulong sa relasyon niyong dalawa," sabi naman ni mommy sa akin, lalo tuloy akong kinabahan. Ano ba kasi 'yon?
Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay dumating na ang dalawang kapatid na babae ni Quin. Yung panganay, si Ate Megan at yung bunso naman ay si Eliza. Tatlo silang magkakapatid samantalang ako ay isa lang. May kapatid sana ako pero namatay ito noong baby pa lang siya. Nagtaka naman ako kung bakit may cake at balloons silang dala. Hindi naman namin birthday ni Quin ah?
Pagkatapos naming kumain, nagulat ako nang biglang tumayo si Quin at humarap sa mga pamilya namin. Ngumiti siya sa akin at tumingin sa aking mga mata nang matagal. Lalo akong kinabahan sa ginawa niyang iyon.
"Maria Gwen Zotomayor, mahigit dalawang taon na tayo. Wala akong nakikitang dahilan para hindi ko gawin ito. Alam mo naman na mahal na mahal kita at alam kong ito rin naman ang nilo-look forward mo sa relasyon natin. Maria Gwen, will you be my wife? Handa ka na bang makasama ako araw-araw?" sabi sa akin ni Quin pagkatapos ay lumuhod na siya sa aking harapan. Halata ko na kinakabahan siya kanina noong sinasabi niya 'yon sakin.
Doon na nag-sink in sa akin lahat, kaya pala niya pinapunta ang mga relatives namin ay dahil sa magpo-propose na siya sa akin. Hindi na tuloy naiwasan na mapaluha ako dahil sa tanong niya, matagal ko na rin yung hinihintay. Tama si Quin, ito naman talaga ang nilo-look forward ko sa relasyon namin, ang mapakasalan namin ang isa't isa.
"Hala, bakit hindi ka na sumagot? Bakit tulala ka na lang dyan? Hindi ka ba masaya? Hindi ka pa ba sigurado sa akin? Baby naman, ang tagal-tagal kong-" hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi ni Quin dahil hinalikan ko na lang siya kahit pa nasa harapan kami ng mga kapamilya namin.
"What's with the kiss? Are you saying yes to me, my love?" tanong niya sa akin, kinakabahan pa rin.
"Why would I say no in the first place, my love? Bakit ako hi-hindi eh ito na ang tanong na pinakahihintay ko?" sagot ko naman sa kanya.
Noong narinig niya iyon ay hindi na mapigilan ang ngiti sa mukha ni Quin, naiiyak na din siya kaya naman pinunasan ko agad ang kanyang mga luha. We kissed again at tuwang-tuwa naman ang mga family relatives namin dahil sa big at good news. We are getting married!
Nagising na lang ako sa realidad dahil narinig ko ang kaibigan kong si Miel na nagsisi-sigaw dahil sa nakita raw niya si Kiro na online sa f******k, ang best friend ni Quin na sobrang crush niya. Nakakainis itong kaibigan ko, nagmo-moment pa ako dito tapos bigla akong iniistorbo.
"Ano ba naman kasi iyon? Alam mo na may ginagawa dito eh. I'm daydreaming! Istorbo ka eh, si Kiro na naman?! Ang tanong, pinapansin ka ba naman niyan? Parang hindi naman ah," pagtataray ko sakanya.
"Huy friend, alam mo naman na crush na crush ko siya hindi ba? Baka naman pwede mong sabihin sa mapapangasawa mo na ako na lang ang mapangasawa ng best friend niya. Ayaw mo noon? Best friend sa best friend. Malay mo, parehas pa tayong ikasal hindi ba?" sabi ni Miel sa akin, nangungulit pa siya.
"Miel naman, paano kung hindi ka naman talaga gusto noong tao? Pipilitin mo siya dahil sa gusto mo siya? Ang selfish naman yata noon. Baka magalit pa sa akin si Quin niyan. Hintayin mo na lang na si Kiro ang mag-approach sayo. Ano ka ba?" sabi ko kay Miel.
"Haynaku, kung hindi ako kikilos ngayon ay baka tumanda na akong dalaga kakahintay kung magmomove ba siya o hindi. Saka, kahindi-hindi ba ako? Malaki naman ang boobs ko, mapapa-dede naman siya nito ah?" sabi sa akin ni Miel.
Dahil sa sinabi niyang iyon ay napahilamos na lang ako sa mukha ko. Gaga talaga itong kaibigan ko kahit kailan, sige na nga. I'll try my best na ireto siya kay Kiro para matapos na itong pagpapantasya niya sa bestfriend ng fiancée ko.