Wade Kahit alam ko sa sarili ko na malabong pumayag si Kiro sa gusto ko ay sumubok pa rin ako. Tinawagan ko siya para itanong kung pwede ba siya na samahan ako. Oh, Wade. Bakit ka napatawag?” tanong niya agad pagsagot niya. Sa tono ng boses niya, parang na-surpresa siya na tumawag ako. “A-Ah, may ginagawa ka ba ngayon? Busy ka ba, Kiro?” tanong ko din naman pagkasagot niya ng tawag. “Ah, wala naman akong ginagawa. I’m just reading my favorite book right now,” sagot niya naman. “Can we meet? Wala lang, I just want to be with you,” sagot ko. Nalungkot ako nang hindi siya sumagot sa akin. Mukhang hindi nga maganda na niyaya ko pa siya, lalo na at hindi pa nga pala sila okay ni Quin hanggang ngayon. “Hey, are you still there? Kung ayaw mo naman sa idea ko, I can cancel that. Sayang lang

