Gwen After ko malaman na bakla si Kiro at Quin ay nag-effort ako lalo. Malay natin, ma-inlove si Quin sa akin at piliin niya ako over doon kay Kiro. Umaasa pa rin kasi ako na magbabago 'yon kaya hindi ko pa siya naku-kompronta. Papunta si Quin sa bahay ngayon pero bago iyon ay tinwagan ko muna si Sharlene para sabihin sa kanya ang plano ko. "Sure ka ba dyan? Mukhang mahirap 'yang gagawin mo. I mean, you can simply talk to him about it. Hindi ba?" sabi sa akin ni Sharlene. "Oo, pero naasa pa kasi ako na mababago pa ang tingin niya sa akin. May mga bakla naman na nagiging daddy di ba?" sabi ko pa, hoping na panigan ako ni Sharlene sa sinasabi ko. "Haynaku, ikaw na ang bahala. Support lang kami ni Marissa sa gusto mo. Ang ayaw lang naman namin eh 'yong sinasaktan ka niya at niloloko. Tan

