Kiro Ilang araw na din ang nagdaan simula noong nagkita kami ni Quin noong nag-away kami dahil kay Wade. Dahil doon ay hindi muna ako nakipag-communicate kay Wade. Hindi pa nga kami ayos ni Quin ay nadagdagan na naman ang kasalanan ko sa kanya. Wade texted me today. Sabi niya sa akin ay mag-uusap kami ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero pumunta na rin ako ngayon kasi ayaw ko namang maging rude sa kanya. Nakita ko na lang na tumatawag sa akin si Wade kaya sinagot ko agad. Kanina pa rin kasi ako naghihintay dito eh. "Hey, pwede bang maya-maya pa tayo magkita? May aasikasuhin lang ako na importante. Saglit lang naman 'to. Promise!" sabi niya sa kabilang linya. Nakakainis. Sana man lang eh sinabi niyang hindi agad siya makakarating. Kanina pa ako dito sa loob ng restaurant, mukha na a

