Chapter 4

1354 Words
Bago ako makauwi ay bumili ako ng tinapay na pande coco sa bakery, sa sipac. Alam ko naman na mahilig si mama dati dahil lagi ko siyang nakikita tuwing umaga na kumakain ng pande coco sa umaga at sinasawsaw niya ito sa kape. Nang makauwi ako ay sinalubong ako ng aso kong si pokpok, at si hiro. Si pokpok ay babae, malaki siyang aso, bilugan din ang mga mata niya. Kulang white at may halong light brown na batik sa kaniyang katawan. Habang si hiro naman ay may lahing hotdog. Yes, hotdog siya. Maliit siya kumpara kay Pokpok. Kulay black naman siya, at may kaunting kulay brown sa katawan. Kaya pag tinatry niya jugjugin si Pokpok ay 'di niya man lang magawa, dahil maliit na nga siya, maliit pa putotoy niya. Niyakap ko sila, umupo ako ng kaunti, hindi naman natatama ng sahig ang pwet ko. Sinalubong ako nila Pokpok at lumapit sila, 'yong pande coco na nasa plastic ay hawak hawak ko sa kabila kong kamay Napansin kong inaamoy amoy ni Pokpok ang plastic na iyon at bigla niya itong kinagat, ang laman nito! Ang pande coco na ibibigay ko sana kay mama. Kinuha ni Pokpok 'yong tinapay, at halos pati yung plastic ay kainin niya na rin! Grabe talaga tong aso na 'to, matakaw na nga, magnanakaw pa. "Jusko pok, bilisan mo nalang, pag kayo naabutan ni mama mapapalo pa kayo." Sabi ko, ipinakain ko nalang sa kanila yung tinapay hanggang sa maubos ito. Pumasok ako sa bahay pagkatapos kong hintayin sila kumain, Hindi naman masyadong kalakihan ang loob ng bahay namin. Kasi maraming gamit, katulad nalang ng oven na pinaglalagyan ng isda nila mama at papa. Hindi kasi nila alam gamitin kaya ginagawa nila itong pataguan ng mga pagkain. Kesyo para daw hindi mapanis. Natawa nalang ako sa mga naiisip ko at binuksan ko ang ref, katapat lang nito 'yong pinto namin papalabas. Madali lang nakawan dito, jusko. Kaya laging pinapabantay ni mama si Jaja para tignan ang ref. Sa pamilya namin, kami lang dalawa ang magkasundo. Si jaja at ako, Pareho kasi kaming babae. Nung nagjowa ako palihim sa pamilya ko ay siya ang tumutulong sa akin para makatakas ako at pumunta sa bahay ng ex boyfriend ko. Ni kailanman ay hindi niya ako hinusgahan. "Oh ate, andito kana pala." sabi niya sa akin at ngumiti. Nginitian ko siya, kumuha ako ng tubig sa ref at pagkatapos kong isara ang pintuan ng ref ay umupo ako malapit sa kaniya. "Kauwi ko lang, hindi naman siguro nag alala si inang sa akin 'no? Hindi kasi ako nakauwi kagabi, sabi kasi ng amo ko doon muna ako matulog sa kanila, pero pinayagan niya ako bumisita ngayon, ewan ko ba, gusto ata ako non bilang katulong talaga. alam mo 'yon? 'yong napapanood natin sa tv, yung maid na nakatira sa bahay ng amo? Ganun." Sabi ko. Umiling-iling siya sa akin habang natatawa. Napabuntong hininga siya at nagsalita. "Hay nako ate, syempre, si mama kagabi muntikan ng tumawag ng baranggay dahil sa pag aalala sayo, akala ko nga pupunta talaga siya sa baranggay pero nakipag kantahan lang pala siya sa mama nila ate Rina." Sabi niya. Kantahan? Ay oo nga pala, birthday ng lola ni Rina kahapon, ni hindi ko man lang nabati. "Jaja!" Rinig kong tawag sa labas namin, nakabukas naman ang pinto kaya nakita ko ang isang lalaki. Tangina sino 'to? "Sino 'yan be?" sabi ko sa kapatid kong bunso ngunit pinapasok niya agad ito. Tangina, kailan pa natuto mag dala ng lalaki 'tong kapatid ko? hay nako, jusko. Dali-daling pumasok ang binata at tinangkang pang mag mano sa akin. Ngunit nung kukunin nya ang aking kamay ay agad ko itong inilayo. "Wait nga, naguguluhan ako. Mukha ba akong matanda para mag mano ka?" Ani ko. Wala siyang nasabi pero alam kong kinakabahan siya sa akin. "Ate naman, kaibigan ko lang po 'yan, tignan mo nga oh. Close sila nila Pokpok!" Sabi ni Jaja, malaki ang ngiti sa kaniyang mukha. "Eh, bakit ang bilis naman ata nilang maging close ha? hoy jusko, babae! 'wag mong sabihin sa akin na dinadala mo 'yang lalaki na iyan dito pag walang tao sa bahay ha." Sabi ko sa kaniya na may halong banta. Ngunit ngumiti lang ang kapatid ko sakin at sinabing, "Ate, kaibigan ko po siya, kilala siya nila mama. So 'wag kang mag alala." Napagbuntong hininga nalang ako sa kanila, halata naman na friends lang sila. Maya-maya pa ay napansin ko si Hiro na tinatry abutin ang binata nung umupo ito sa upuan namin na gawa sa kahoy. Akala ko inaabot lang, kinekentut pala ni Hiro yung binti niya! __________________________ EZEKIEL VENGORD. I looked at my window, tinitignan ko ang gate sa kalayuan. I looked at what time it was right now, it's already 5 pm. And i wonder where my maid is. Where is she? I looked at my wardrobe. Alam kong itinago ko doon ang mga impormasyon tungkol sa kaniya. Nalaman ko ang phone number niya at agad agad itong tinawagan. ring... ring... ring... "Shoppee ba 'to? Wala pong in-order mama ko ngayon. hawak ko shoppee niya. Kung scammer ka ay tigil tigilan mo mama ko." Rinig ko sa kabilang linya. Napangiti ako sa aking narinig. Kakaiba talaga siya mag salita. "Hoy? naririnig ko tawa mo, manahimik kangang gagong scammer ka." Rinig kong sabi niya. I looked outside my window as I spoke to her through the phone. "This is Ezekiel, you dummy." I said, waiting for her to speak on the other line. I heard her gasp. ____________________________ JAHELI BATUMBAKAL "Ah kayo po pala ser, bakit po sir? dito po ako sa bahay namin." Sabi ko, habang nakaupo sa sala namin. Kakatapos ko lang rin pala kumain. May dala rin kasi yung Kaibigan 'DAW' ng Kapatid ko na si Jaja ng pagkain. Ang delicioso nga e. Ipina take out niya daw iyon sa chinese restaurant. "When are you coming back home?" Sabi niya, matigas ang pagkabanggit niya dito. Bakit kaya pinapauwi niya ako agad? E halos gate hanggang dulo ng mansyon niya ay nalinis ko na. "A-ah. Pauwi na po, actually nasa jeep po ako now hehe." Pagsisinungaling ko. Nagulat ako ng mag rap na naman si inang. Dali-dali kong i-m-mute button sa tulfone phone ko pero hindi ito ma click! "Jaja naman! sabi ko sayo mag luto kana ng hotdog para makakain na 'yung aso! Kanina ko pa binabanggit iyan sayo. At ikaw Jaheli? sinong kausap mo diyan ha?! Nasan na ang sahod mo? narinig ko kagabi 'yung amo mo nagsalita sa selpon mo!" Sabi nito. Tinatry ko pa rin i-mute ang mic ko pero ibinaba ni Sir Ezekiel ang tawag. Hindi ko nalang ito pinansin. Ibinigay ko nalang kay inang ang sahod ko, at nagtira ako ng limang libo para sa akin. Alam ko naman kasi na maraming pangangailangan si inang sa bahay. At para na rin sa pag bebenta niya ng mga frozen meat. Mahal na rin kasi ang nga manok at baboy ngayon. Nakita kong umamo ang mukha ni inang nung ibinigay ko sa kanya ang white envelope na ibinigay sa akin ng amo ko na si Ezekiel. "Aba'y ang dami naman nito! Akala ko ay hindi totoo ang sinabi ng amo mo. Mayaman ba 'yon nak? gusto mo tulungan kita mapangasawa siya?" Sabi niya. habang nakangisi. Bigla naman akong nahiya sa sinabi niya. Bet ko naman si Ezekiel, pero ang delusional ko naman diba para isipin na bet niya ako. Duh! Kaya sunod-sunod nalang akong umiling. "Inang, amo ko lang po 'yon, wala po akong time para sa mga ganyan." Sabi ko dahil nakakatakot na kung katulad lang rin siya ng ibang lalaki diyan na puke lang gusto. Tinitigan lang ako ni inang na parang sinasabi niya na 'che, arte mo' at umalis sa sala, pumunta siya sa kwarto nila ni amang sa tingin ko ay iipunin niya iyon. Ting! Napatingin ako sa selpon ko ng tumunog ito. Galing kay Sir Ezekiel! Galit kaya siya sa'kin kasi nagsinungaling ako na on the way na ako pero nasa bahay pa rin nakaupo? Binuksan ko ang cellphone ko para tignan ang mensahe niya. "Ipapasundo kita." - Ezekiel
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD