bc

The Last Drop Of Night

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
family
HE
fated
opposites attract
pregnant
curse
mafia
heir/heiress
drama
tragedy
sweet
serious
high-tech world
cheating
rejected
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Si Jaheli Batumbakal ay laging nagkakaroon ng panaginip na mismo siya ay hindi maitindihan.Sinubukan niyang magpahula, ngunit hindi niya alam kung maniniwala ba siya rito o hindi.Totoo kaya na ang lalaking dumadalaw sa kaniya sa kan'yang panaginip ay ang lalaking itinakda sa kaniya?V SERIES #1Disclaimer: This story is written in Taglish.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Ano bes? Okay kalang ba?" Tanong ni Rina habang tumitingin sa'kin, andito kami ngayon sa labas ng bahay namin. Tumango lang ako sa kaniya. Ngunit umiling-iling ito na parang hindi naniniwala. "Napanaginipan mo na naman 'yong lalaki iyon? Na lagi mong ikinukuwento sa akin 'no?" Sabi niya at sinagi ako sa braso at ngumisi. Napabuntong hininga nalang ako dahil hanggang ngayon ay nagawa niya pang magbiro, kahit na alam niyang nalulungkot ako lagi pag natapos na ang panaginip na 'yon. Dahil, nakakaramdam ako na matagal ko na siyang kilala. Simula bata ako ay siya ang laging nasa panaginip ko, at isang matandang babae.. na laging sinasabi sa akin na "Anak, naaalala mo ba ako?" Hindi ko napansin na nasabi ko pala ang sinabi ng matandang babae sa'kin sa panaginip ko. Tumingin lang si Rina sa akin na para bang nalilito. "Alam mo bes, pumunta nalang tayo sa Quiapo! Mag food trip tayo do'n!" Sabi niya at ngumiti sa'kin. Maya-maya ay pinilit niya ako maligo at mag ayos. Simple lang ang sinuot kong damit, v-neck na dark brown lang, at palda na hanggang tuhod na kulay grey naman. Nag ipit lang rin ako ng pa pony tail. At pagkatapos ko mag ayos ay lumabas ako ng silid ko at tumungo sa labas ng bahay kung saan ako hinihintay ni Rina. Nang tignan niya ako ay parang jinajudge niya ang kasuotan ko, nako jusko. Ito talagang best friend ko. Kung kaya ko lang makabili ng mamahaling kasuotan edi sana binili ko na para maganda ngayon yung suot ko. Pero hindi naman kami mayaman e, at alam ko 'yon. "Teacher ang atake mo dyan bes." Sabi niya at hinila nalang ang aking pulso para sundan siya. ____________________________ Habang nasa byahe kami ay napansin ko ang boss ko na nag chat sa akin. "Hija, pag pasensyahan mo na ang sasabihin ko ngayon ngunit may nakuha kaming bagong trabador dito para sa aming tahanan. At alam kong sinabi mo sa akin na may sakit ka kaya naman... nais kong magpahinga ka muna ngayong araw, at papalitan ka nalang nang bago naming utusan" Sabi ng boss ko na si Roberto. May pagka matanda na ang amo kong si Sir Roberto, sa tingin ko ang edad niya ay limang put lima pataas. Napabuntong hininga nalang ako nang tumingin sa'kin si Rina, alam kong binasa niya rin ang mensahe na pinadala sa akin ng aking Amo. Sigurado akong magiging kalahati na naman ang sahod ko dahil may bago na naman itong ginawang katulong. "Alam mo bes, umalis ka nalang kaya diyan. Mas may alam ako na ibang amo at mayaman, pwedeng pwede ka roon." Sabi ni Rina. Napatingin ako sa kaniya. "eh.. matagal na rin kasi akong nag ttrabaho kay mang robert-" Natigil ang aking pag sasalita ng sumingit siya. "Ano naman? hindi ka naman makakaipon ng sapat kung sa kaniya ka mag ta-trabaho." Sabi niya, medjo totoo rin 'yon. Maya-maya ay bumaba na kami ng jeep, andito na kami sa Quiapo, maraming tao munit marami ring bilihin, maraming pagkain na itinitinda. Tiyak akong mapapagastos na naman si Rina ng malaki sa'kin. ----------------------------------------- "Nabusog ako dun!" Sabi ni Rina habang hinihimas ang kaniyang tiyan na parang buntis. Ngumiti lang ako sa kaniya. "Ilang months na 'yan?" Sabi ko sa kaniya at ngumisi ako. "6months na bes!" Sabi niya habang pinipigilan tumawa. "Kaya pala medjo malaki na sis kasi 6 months na." Sabi ko pa habang hinahampas hampas siya sa braso ng pabiro. Natatawa ako sa kaniya, ewan ko kung bakit, siguro dahil may medjo pagka siraulo din 'tong kaibigan ko. "Oo bes, 6 months na talaga 6 months na akong hindi makatae-" "Ang bastos niyo naman, nakita niyong may kumakain diba?" Sabi nang matandang lalaki. Tumingin lang kami kay kuya at nagpigil akong ngumiti nang mag sorry sa kaniya si Rina. Hinila ako ni Rina palabas ng paresan. Naglibot-libot kami, hindi ko pala namalayan na 5pm na at mag gagabi na. Huminto kami sa isang bilihan ng pampa regla at inasar si Rina na kailangan niya iyon para mailabas ang tae niyang dinadala. Ngunit napansin ko ang katabi nang bilihan na iyon. "Manghuhula?" Pagkabasa ko, dahil may bilog na something iyon sa lamesa, at nakabalot din ang mukha ng matandang babae. Hinila ko si Rina papunta doon. "Bes, try kaya natin 'to?" Sabi ko sa kaniya. At tumingin lang siya sakin ngunit maya-maya ay nagsalita na rin siya. "Sure kaba? baka kasi masayang lang ang pera mo-" "Libre ho ito." Sabi ng matanda. Kaya naman napangiti ako at umupo sa bangkuan katabi ang lamesa. "Gusto ko pong magpahula..." Sabi ko. Tumingin lang ang matanda sa akin at tumango. "Gusto ko pong malaman, kung bakit ko po napapanaginipan ang isang lalaki.. na kasama ako. At isang matandang babae na laging mukhang masaya pag magkasama kami ng lalaking iyon. Gusto ko po malaman kung bakit po ganun, kung bakit lagi ko siyang napapanaginipan, at kung bakit parang kilalang kilala ko siya." Ani ko. Wala siyang sinabi, ipinikit niya lang ang kaniyang mga mata at hinawakan ang kamay ko. Na para bang binabasa niya iyon. Maya-maya ang binuksan niya ang mga mata niya na tila ba'y gulat na gulat. Habol-habol niya ang kaniyang paghinga at nagsalita. "I-iyong lalaki na nasa panaginip mo.. itinakda siya...para sa'yo. At malalaman mo kung sino siya. Malapit na mangyari iyon. At ang tungkol sa babaeng matanda.. ikaw mismo ang makakaalam kung sino iyon." Sabi niya. seryoso ang kaniyang pagbigkas ng mga salita na binitawan niya, hindi ko alam kung maniniwala ba ako, pero malakas ang kutob ko na totoo iyon. Totoo ang sinasabi nang matandang ito. ____________________________ Andito kami ni Rina sa jeep, na badtrip ako dahil bago kami makasakay ay nag chat pa ang boss ko. Sinabi niya na tatanggalin niya nalang daw ako sa trabaho ko dahil nag dagdag na naman ito. Hay nako, kung alam niya lang na nagtitipid ako sa 500 kada isang linggo e. Sigurado ako na hindi magtatagal ang ibang trabahador doon sa bahay nila dahil konti lang ang sahod at parami pa sila nang parami kaya paunti nang paunti. Siraulo rin kasi mag-isip ang boss ko jusko. Maya-maya ay naramdaman ko ang kamay ni Rina na tinatapik ang balikat ko. Tumingin ako sa kaniya, kahit na medjo nahihilo ako ngayon sa byahe, hindi rin kasi ako sanay sa byahe at siksikan pa rito sa jeep dahil mahirap sumakay. "Ano sa tingin mo sa trabaho na in-o-offer ko sa'yo kaninang hapon?" Sabi ni Rina nang nakangisi. "Tatanggapin ko 'yon."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
730.9K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.6M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
965.8K
bc

A Warrior's Second Chance

read
350.6K
bc

Not just, the Beta

read
344.6K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook