Habang naghihintay ako sa loob ng bahay namin ay biglang umulan kaya si mama ay nataranta na naman kaya kinuha ko agad ang mga sinampay sa labas at pinasok ito sa loob.
Pero, nung ikinuha ko ang tuwalya sa labas ng pinto namin ay tumawag si Rina, nasa labas siya ng bakod namin. Dito kasi sa tinitirhan namin, kahit halos magka dikit-dikit na 'yong mga bahay ay kami lang may bakod.
Mahirap lang kami, noon ay may kaya naman nung maayos-ayos pa si papi.
Pero simula nung bumalik yung sakit niyang tb, ay nalugi lahat, sa paggagarahe niya at sa pagtinda ni mama. Marami kasing gaya-gaya dito, e.
Nasa labas si Rina ng bakod at ginamit ko ang Tuwalya para hindi mabasa ang katawan ko.
Nakangisi siya sa akin. Ewan ko ba dito. Pangisi ngisi, siguro ay may i-c-chismis na naman.
Agad-agad siyang dumikit sa akin.
"Hoy be!" Sabi niya.
"Bakit? may chismis ka na naman ba?" Tanong ko, kasi mukhang hindi siya mapakali, para bang atat na atat siya.
"Kanina belat! May nagtanong sakin na pogi...!" Sabi niya sabay Tili. Halos mangisay na siya sa kilig.
"Oh tapos? magiging kayo? pagkatapos maging kayo? magkakaanak kayo? pakakasalan ka niya? magiging beautiful bride ka?" Sabi ko. Kasi alam ko naman na nag iimagine na naman 'yan siya ng magiging future nila ng mga poging nakikita niya.
Bigla niya akong hinampas sa braso ng pabiro.
"Gaga! Hindi naman tungkol sa akin yung tanong niya. Tungkol kaya sayo be." Sabi niya. Na para bang kinikilig.
"May jowa ka 'no? ba't hindi ako updated?" Ani niya pa.
Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya.
"Tanga, wala. Duh, ayoko kaya mag boyfriend uli. Lalo na, ngayon na nag f-focus ako sa sarili ko at sa pamilya ko." Sabi ko.
Habang umuulan, napansin ko na may isang matangkad na lalaki. Na papalapit sa amin.
Parang pareho lang ito sa napanaginipan ko..
Napatulala kami pareho ni Rina ng huminto samin 'yong lalaki.
Itinapat niya sa akin ang kaniyang kulay itim na payong.
At nung itinapat niya sa akin ito, nakita ko ang mukha niya. Nakangisi ang mapupula niyang labi, Nakikita ko ang ngipin niyang pantay pantay at halos masilaw ako sa puti nito.
Siya... YUNG AMO KO!
"Sir Ezekiel..." Saad ko.
Hindi ko napansin si Rina na pumunta pala sa likuran ko para itulak ako kay Sir.
Nasubsob ako sa matigas niyang dibdib.
"Ay sorry be! Muntikan na ako madulas e, sige bye na!" Sabi niya sabay takbo, sinundan ko lang si Rina ng tingin, nakita ko na nakatapak rin siya ng tae bago tuluyang makauwi sa kanila. Kay Pokpok siguro galing ang tae na 'yon.
"Are you okay?" Rinig kong sabi niya.
Okay pa ba ako? Nahihiya ako, kanina pa, hindi ko lang maipamukha sa kaniya na nahihiya ako! Jusko. Yung mukha ko kasi, ang lapit sa dibdib niya, kahit na kanina pa ako lumayo.
"Uuwi na kita." Sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya.
"H-huh..? uuwi mo ako? sir..ito po bahay namin.. hehe. Tapat lang diba?"
Sabi ko at mahinang tumawa ng pabiro. Pero hindi ko talaga alam kung ano ang ibig sabihin niya.
"Iuuwi kita, hindi sa inyo, ngunit sa akin." Sabi niya at ngumisi.
Aba'y gago. Normal pa ba 'to sa mag amo at ang kaniyang Taga-linis?
Hindi ko alam kung bakit biglang sumunod sa kaniya ako ng tuluyan. Hindi ko rin alam kung bakit ako sumunod.
____________________________
"Nagugutom kaba, Sir?" Tanong ko sa kaniya. Andito kami sa mansyon niya. Nakaupo siya sa sofa habang ang paa niya naman ay nakapatong sa maliit na lamesa. Gawa ito sa glass.
Naka tshirt na white siya at pantalon na kulay grey. Nagpalit siya kanina dahil tinakot ko siya na ipakakagat ko siya kay Pokpok at Hiro kapag hindi siya nagpalit. Basa kasi siya doon medjo.
Medjo magulo rin ang kaniyang buhok, ngunit kahit ganon ay bagay pa rin sa kaniya, napapaisip tuloy ako kung ano itsura niya pag kalbo siya? siguro pogi pa rin.
Baka rin kasi magkasakit siya kung hindi siya magpapalit.
Bakit ba ako nag aalala? Alam ko naman na pera lang dapat muna ang inaatupag ko ngayon hindi 'yang feelings na 'yan.
Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko napansin na masyado pala akong matagal na nakatingin sa kaniya.
Ngunit nung bumalik ako sa dating ako ay nakatingin din pala siya sa akin. Mukhang medo nabadtrip siya. Tinawag niya ba ako ng ilang beses?
"Jaheli."
"Ay! sorry po. Ano po ba 'yon? sorry po na b-blanko lang!" Sabi ko at dali-dali pumunta sa kaniya malapit sa sofa.
Mukhang seryoso ang mukha niya. Kinakabahan ako sa susunod niyang sasabihin.
Ipinaupo niya ako sa tabi niya at Tumingin ng mariin sa akin.
"Jaheli. I need you here with me, hanggang Isang buwan. I want you to live here with me." Sabi niya, nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
"T-teka nga lang! bakit? para san? eh, diba, need ko rin umuwi samin?" Ani ko kasing litong lito na ako.
"From now on, you'll be my personal maid. Gusto ko, andito kalang sa bahay, kasama ako." He said. Mukhang seryoso siya kaya hindi na ako umimik pa. Malaki rin naman 'yong sahod ko. Kaya okay lang.
____________________________
Isang linggo ang lumipas...
Andito ako sa Kusina, Nagluluto ng Chicken curry. Nung niluto ko kasi ito para kay Sir Ezekiel ay araw-araw niya nang binabanggit iyon.
Nakaramdam ako ng mainit na hiningi sa leeg ko.
Masyado siyang madikit sakin for the past few days. I dont know why. Hindi ko rin alam, Medjo naging mabait na rin siya.
"You're cooking that green thing again? Hmm, it smells so good..." Ani niya. Natawa nalang ako sa pag banggit niya nun.
"Chicken curry po ang tawag diyan. Favourite ko rin 'to e. Bango 'no? Made with love kasi 'yan." Sabi ko. Hindi ko namalayan yung sinabi ko sa kaniya, kasi ni mismo ako hindi maintindihan kung bakit ko 'yon sinabi.
"Made with love, huh?" Sabi niya habang tinatry tignan ang mukha ko na alam na alam kong pulang pula na!
Nakita ko siyang nakangisi na naman. Hayst. Kung hindi kalang talaga malakas sakin ay siguro kanina ko pa 'to tinadyakan.
Ganto kami halos every day. Hindi ko rin alam kung ano ang Label namin.
Inaalagaan ko siya at siya naman ang nagbibigay ng gusto ko.
Halos lahat ng in-add to cart ko sa shoppee ay bigla nalang dumadating sa bahay namin, sa bahay nila mama! Jusko. Pero kapag ito naman ay dumating, lahat ng ito bayad na.
Ano ba talagang nangyayari? litong-lito na ako.
Oo nga pala, nakakapagtaka. Kasi hindi man lang ako tinadtad ng missed calls ni mama simula noong inuwi ako ni Ezekiel dito pabalik sa mansyon niya.