Bumisita ako sa bahay namin kasama si Ezekiel.
Nakita kong halos mag kaguluhan si Hiro at Pokpok.
Grabe talaga ka oa-yan ng mga aso ko.
Napansin kong mukhang wala ring tao sa loob dahil pag natataranta ang mga aso ko ay biglang tumitingin si mama sa labas ng bahay para tignan kung sino ang nasa labas ng bahay namin.
Nakipag kantahan na naman kaya si mama kila Rina?
E si Jaja? asan kaya ang aking kapatid? Oo nga pala, tuesday ngayon, sigurado akong nasa iskuwelahan siya.
Tumingin ako kay Ezekiel, simple lang ang kaniyang suot ngayon, ako kasi ang pumili non, Isang maroon na polo at black na pants, ayon lang kasi ang nakita kong simple sa damitan niya.
Lumapit ako sa kaniya at pinunasan ang kaniyang noo. Pinagpapawisan siya dahil sa init.
"Pagpasensyahan mo na bahay namin ha," sabi ko at pumasok kami sa loob.
Hindi niya ako kinibo, alam kong hindi siya sanay makapunta sa mga lugar na ganto.
"Wait lang bebe ha," Sabi ko sa kaniya.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya sakin at para s'yang malulungkot pag umalis ako, napangiti naman ako sa reaksyon niya.
"Hahanapin ko lang si mama, gusto kong makilala ka niya." Ani ko sa kaniya. At alam kong may gusto pa syang sabihin pero hindi niya nalang ito sinabi at tumango nalang sa'kin.
Maya-maya ng makalabas ako ay pumunta ako sa bahay ng mama ni Rina.
May nagiinuman na naman kasi doon, at sigurado akong andon si inang.
At ng makapunta ako sa loob, maraming mga matatanda na halos kasing edad lang din ni mama.
May mga nag sasayawan pa sa budots, grabe talaga 'tong nanay ni Rina, grabe makahilig sa party!
Party gusto, bayad ng utang ayaw?
Napailing nalang ako sa aking naisip.
Nang makita ko ang mama ni Rina ay nagtungo ako sa kaniya.
"Oh, hija! andito ka pala." Sabi ni mama T
Nahihiyang ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Opo, narito po ako para hanapin si inang, andito po ba siya?"
Kumunot ang noo niya at umiling. "Nako ineng, wala dito e, baka naningil ng utang."
Tumango-tango nalang ako, aalis na sana ako ngunit nagsalita si mama T.
"Sandali lang, hija.. nakita mo ba si Rina?" Tanong niya.
Dahan-dahan akong bumaling sa kaniya, lumapit ako sa kaniya uli.
"Hindi po e, sa totoo nga po ay hindi siya masyadong nagtagal sa Party na dinaluhan namin kahapon." Sabi ko na kadahilanan kung bakit kumunot na naman ang noo niya.
"Party? akala ko ba ay birthday ng lola mo, sa malabon kaya—"
"Ahhh, opo birthday po, birthday party." Sabi ko sabay ngiti. Pekeng ngiti.
Si Rina, sa tingin o ay nagsinungaling pa ang babaitang iyon para payagan.
Pero nasan na ba kasi 'yon?
NAGPAALAM na ako kay Mama T, at bumalik ako sa bahay, nagbabakasakaling andun na si inang, para naman ipakilala ko na sa kaniya ang amo ko, na ngayon ay kasintahan ko na.
Pumasok ako sa bahay namin at tinignan ko si Ezekiel, na nakaupo malapit sa lamesa. Balak niya bang kumain? nagugutom naba siya kaya siya andyan?
Tumingin siya sa akin at ngumiti. Lumapit siya at niyakap ako.
"I missed you." He said.
"Grabe ka naman, zeke, ilang minuto lang ako nawala, miss agad?" sabi ko ng pabiro.
Tumawa lang siya at tumango-tango na parang bata.
"Of course, masaya ako kapag nasa tabi kita." Sabi niya sa akin, at hinila niya ang aking pulso at pinaupo ako sa gawa na kahoy na upuan namin.
Umupo rin siya.
Para kaming mag d-date ngayon pero sa bahay namin, pero mukhang karinderya itong lamesa namin e, pano ba naman, kulay green ang sapin at may design pang flowers, at halatang mamantika pa.
Nakakahiya talaga sa lovelybels ko!
Pero mukha namang wala siyang pake roon.
Maya-maya ay dumating si inang na may dala dalang pagkain.
Chicken curry iyon at adobo, mukhang binili niya sa labas, sa karinderya nila ate Jovi na kumare ni mama.
Hindi naman mukhang nagulat si inang kay Ezekiel, ngumiti si inang sa kaniya at tumayo si ezekiel at umalis sa kaniyang inauupuan para magmano kay mama.
Pag katapos niya mag mano ay bumalik siya sa upuan.
Nakita kong ngising ngisi si mama ng tignan niya ako, parang ang close naman nila.
"Hay nako! ang swerte mo talaga anak sa mapapangasawa mo." Sabi ni inang na ikinagulat ko naman. Huh? Mapapangasawa agad?
Jusko naman si inang! Ipapahiya pa ako.
Nararamdaman ko na nagsisimula ng mamula ang aking pisngi dahil sa kahihiyan.
Ngunit nang tignan ko si Ezekiel ay nakangisi ito at nakatingin sa'kin.
Bakit ba parang nag-usap itong dalawang 'to?
____________________________
Nakauwi na kami ngayon, busy sobra si mama kanina kakausap kay Ezekiel, halos lahat ng kahihiyan na nagawa ko sa buhay ko ay ikinuwento niya.
Habang si Ezekiel naman kanina ay panay tawa, na tila ba'y na e-enjoy niya na close na sila ni inang.
Napansin ko na malapit na pala mag nobiyembre.
Naalala ko ang sinabi ni Ezekiel, na doon muna ako sa kanila ng isang buwan.
Halos limang araw nalang ay babalik uli ako sa dati, trabaho uli sa bahay nila, tas uuwi na naman.
Pinagmasdan ko s'ya, tahimik lang siya habang nag d-drive, pero bakas sa mukha niya ang saya.
Malapit na ring mag gabi ng makauwi kami ni ezekiel.
Maya-maya pa ay nakauwi na rin kami, Dumiretso ako sa kwarto namin, este kwarto niya.