Nagising ako sa isang unfamiliar na lugar. the streets lights are off, mukhang sira na. Bakit hindi pa ipinapayos 'yan? yan kasi, b-bobo bumoto.
Napansin ko lang na walang masyadong dumadaan na jeep, kotse at kung ano pa mang sasakyan dito. Ni taong dumadaan ay wala rin.
Except. this guy, who's sitting alone in the bench, he's wearing a black suit.
He stands up, and slowly walked towards me.
Kinabahan ako ng magkalapit na kami.
Ano bang balak sakin nito? Okay lang ba siya?
Infairness ha, ang puti niya, at ang kinis pa ng balat. taray! anong sabon kaya gamit nito?
charot!
A tall handsome man is standing right in front of me.
He has a dark hair. he's wearing a suit.
I couldnt see his face even when I'm looking at him directly.
Basta, kahit na hindi ko siya makita, alam kong may kagwapuhan ang lalaking ito. hehe!
Nagulat ako ng gumalaw ang kaniyang mapupulang labi.
"I'll always be with you..Dear Jaheli.." He said, with a slight smirk. His voice is deep. Nakakakilabot, ngunit ang sarap nitong pakinggan.
Aba'y si gago nag e-english english pa! hay nako! Buti na lang ay naiintindihan ko ang kanyang accent.
Oo nga pala...bakit alam niya ang pangalan ko? stalker ba 'to or what? weird.
I cleared my throat before I spoke to him. "h-huh..? ah..ah sige...ah okay. lagi naman...." I stuttered. What the hell am I saying?
Bakit ba ako nagkakaganto?
Atsaka anong 'lagi naman'? may toyo ba ako?
hindi ko rin alam. sabi ko sa utak ko.
I heard him chuckles darkly. a smirk appeared on his face.
damn this guy!
"Sino kaba..? bakit kaba nandito...i mean— bakit mo ako nilapitan..? " I asked.
It took him a minute to speak.
"You'll know who I am soon....soon, darling." He said, he's still grinning at me. Baliw ba 'tong lalaking to?
Sasagot na sana ako ang kaso nga lang yung tarantado naglaho sa harapan ko na parang bula.
Nagulat ako, medjo lang.
Guni-guni ko lang ba 'yon? In just 2 seconds! nawala siya, kanina. nag teleport ba si gago na parang sa movies o guni guni ko lang siya?
Weird naman non...
"hoy! Jah! Jaheli!"
Rinig ko. Tumingin-tingin ako sa daan, ngunit wala namang tao. Ngunit nagpatuloy pa rin akong tawagin ng boses matandang babae.
then, i felt a pain on my face, tangina! may sumampal ba sakin?
Inimulat ko ang aking mata.
Shet, oo nga. panaginip lang 'yon. Sabi ko sa sarili.
I snapped back to reality ng makita ko si inang, na mukhang badtrip na naman. hays. lagi namang badtrip 'yan.
Hashtag for today: Sanay na Sanay na masigawan.
"Ano hindi kaba papasok? di ba't may trabaho kapa? at sweldo mo na ngayon. anong oras na. kanina pa kita ginigising riyan. Ngumingiti kapa habang tulog ka." Sabi ng aking ina-inahan, Inamers. charot!
"Sorry ma, nagpuyat kasi ako sa ginagawa kong painting...sorry..hehe." Sabi ko kay mama. Oh diba, kaysa bumangon agad at mag toothbrush nagpabebe muna.
Tumingin lang ng masama sakin si mama. hay nako.
Dali dali akong bumangon para mag toothbrush, maligo. I didnt have that much time to eat.
By the way, it's 9am. nag apply kasi ako bilang housekeeper. At gusto ko 'yong pang gabi ako. Ang kaso kasi ni hindi man lang ako makakuha ng ganong trabaho, na pang gabi lang.
By the way, in-offer lang ng kaibigan ko sa'kin, ang trabahong 'yon.
Ang pangalan niya nga pala ay Rina, BFF for life ko 'yan. Ang ganda niya nga, e. Kase may lahi siyang chinese at german. E ako, Kayumanggi ang aking kulay, at ang aking buhok naman ay dark brown. Ang biyaya na binigay ni lord sakin, siguro ay ang aking matambok na pwetan.
Pagkatapos ko magbihis, ako ay naglakad na papalabas, at nagdala na nga rin ako ng bag para sa mga dadalhin kong requirements.
Simple lang 'yong suot ko. Jeans, at long sleeve na v-neck top.
Napatingin ako sa aking cell phone na Tulfome. Nag text sa akin si Rina. Ibinigay niya sa akin ang address ng pagtatrabahuan
"Ito po bayad." Sabi ko sa Taxi Driver. Nag taxi ako kasi masyadong malayo yung pupuntahan. Mukhang lalakarin ko 'to pauwi ha.
Ibinigay ko kay manong 'yung bayad ko at saka nag madaling lumabas sa Taxi.
Ang creepy naman ng bahay na 'to... pero bahay pa ba tawag dito?
Mansion ata 'to e.
Para siyang haunted house, wala akong makitang bukas na bintana at liwanag sa sa loob at labas ng mansion.
Hinintay ko na may magbukas ng malaking gate dito na gawa sa gold.
Magkano kaya 'to pag isinanla?
Mafia ba 'yong amo ko? jusko! baka mamaya ipapatay ako niyan.
"May tao po ba?" Sabi ko, habang tumitingin tingin sa loob. Wala pa rin kasing nagbubukas.
Maya-maya, may narinig akong nagsalita.
"Come on, open the gate by yourself." Malalim ang boses ng lalaki. at ang lamig nito..
Kinikilabutan ako, sino ba kasi 'yon? Pano nangyari 'yon? Multo ba 'yung nagsalita?
Hindi ko na namalayan na lumapit ako sa malaking gate na gawa sa ginto, at hinawakan ko ito at itinulak.
Dali-dali naman itong nagbukas. Ba't kaya nila pinagkatitiwalaan na buksan lang 'to ng tao. Kase diba what if magnanakaw ako, tas may magsasabi na 'open the gate by yourself'.
Ang bobo naman ng gumawa non.
Malamig na hangin ang sumalubong sa akin ng naglakad ako papalapit sa parang haunted house na bahay na'to.
Matandang tigang siguro may ari nito.
Kalbo na pandak na matanda? baka naman mafia. Jusko! kung ano-ano na naman iniisip ko.
Kumatok ako sa kulay itim na pinto.
"May tao po ba?" Saad ko.
knock
knock
knock
"May tao po ba?!" Sigaw ko.
Panay ako katok, hindi ko na mabilang kung naka ilang katok ako, e.
Nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang itim na pinto, at saktong sakto, kakatok sana ako uli pero yung kamao ko.... natama sa matigas na dibdib ng lalaking nasa harap ko ngayon.
Tumingala ako at tumingin sa kaniya. Ba't mukha siyang galit?
"U-uhm. Sir...hehe...ako po pala si Jaheli Batumbakal... magttrabaho-" Hindi ako pinatuloy magsalita dahil si gago sumingit.
"Come in." He said. habang hawak-hawak niya ang pinto at hinihintay akong pumasok sa loob.
Syempre pumasok ako.