SERONA POINT OF VIEW
Nagising ako sa pakiramdam ng matinding kaba, parang may nakatitig sa akin. Nang imulat ko ang aking mata, bumungad sa akin ang hayok na titig ni Tito. Ang mga mata niya, puno ng pagnanasa, dumadako sa bawat pulgada ng aking balat. Noon ko lang napansin—hubad na pala ang suot kong pajama.
Mabilis akong bumangon, nanginginig habang binalot ang sarili ng kumot. Ngunit bago pa ako makalayo, hinawakan niya ako sa braso, mahigpit, halos bumaon ang kanyang mga daliri sa aking balat.
"Sa’n ka pupunta?" aniya, may halong pang-aasar ang tinig.
Nagpumiglas ako. "Tito, tama na po… Ayoko na… Maawa po kayo!" nanginginig kong pagsusumamo. Ngunit sa halip na maawa, isang malademonyong ngisi ang gumuhit sa kanyang labi.
"Wala ka nang magagawa, Serona," aniya habang dinidiin ako pabalik sa kama. "Matagal na nating ginagawa ’to, pero pakipot ka pa rin."
Pinilit kong iwasan ang kanyang mga halik, ang kanyang malagkit na haplos, ngunit wala akong laban. Walang ibang tao sa bahay. Ang tita ko, nasa trabaho sa bar, habang si Tito ay nananatili rito—walang trabaho, palaging lasing, at lulong sa bisyo.
Takot na takot ako. Hindi ko na kayang maulit ito. Hindi na ako magiging mahina.
Habang abala siya sa pagsubsob ng mukha sa aking leeg, gumapang ang kamay ko sa ilalim ng unan. Nakapa ko ang matalim na kutsilyong itinago ko roon—matagal ko nang inihanda ang sandatang ito, hinihintay lang ang tamang pagkakataon.
At ngayon ang tamang oras.
Sa isang iglap, hinugot ko ang kutsilyo at buong lakas na isinaksak sa likod ng ulo niya. Napahinto siya, namilog ang mga mata sa gulat. Ramdam ko ang mainit at malapot na dugong pumuslit sa aking kamay, pero hindi ako tumigil. Muli ko siyang sinaksak. Isa. Dalawa. Paulit-ulit. Hanggang sa bumagsak siya sa sahig, nangingisay.
Hingal na hingal ako, pero walang takot sa aking dibdib—tanging matinding galit.
Lumapit ako sa kanyang katawan at pinagmasdan ang kanyang walang buhay na anyo. Hindi ako kuntento. Kinuha ko ang kutsilyo at walang pag-aalinlangang pinutol ang kanyang p*********i. Tumawa ako—isang tunog na hindi ko inaasahang lalabas mula sa aking bibig.
"Napapala ng rapist," malamig kong sabi.
Sinaksak ko siya muli sa iba’t ibang bahagi ng katawan, tila ba binabawi ang lahat ng sakit na idinulot niya sa akin. Nang wala nang natira sa aking galit, bumuntong-hininga ako.
Kailangang mawala ang bangkay.
Kumuha ako ng isang sako, pilit na isiniksik ang kanyang katawan doon. Mabigat siya, pero hindi ako tumigil. Inilabas ko ang kariton at siniguradong walang nakakakita bago ipinasok ang sako roon. Tahimik kong itinulak ang kariton papunta sa ilog, ang aking mukha walang bahid ng emosyon.
Pagdating sa ilog, luminga ako, siniguradong walang tao. Inilabas ko ang bangkay, iniupo sa tabi ng puno, at saka nilinis gamit ang tubig at basahan—para matanggal ang anumang bakas na maaaring magturo sa akin.
Tiningnan ko siya sa huling pagkakataon. Wala na siyang buhay. Wala na akong dapat katakutan.
Bago umalis, binuhusan ko ng tubig ang dinaanan ng kariton, itinakip ang aking jacket sa duguang damit, at umuwi nang walang pag-aalinlangan.
Pagdating sa bahay, agad kong nilinis ang bawat sulok—ang sahig, ang kama, ang mga kubre. Sinunog ko ang lahat ng may bakas ng dugo. Habang pinagmamasdan ang mga damit na nilalamon ng apoy, isang ngiti ang gumuhit sa aking labi.
Tapos na ang bangungot ko.
Sa unang pagkakataon, pakiramdam ko ay malaya na ako.
Malakas na katok ang gumising sa akin mula sa mahimbing kong pagkakatulog. Napabalikwas ako, dama pa rin ang pagod sa ginawa ko kagabi. Tumibok nang mabilis ang puso ko, ngunit pinanatili kong kalmado ang aking sarili.
Mabilis akong bumangon at lumapit sa pinto. Pagbukas ko, bumungad sa akin si Tita—pula ang mga mata, nanginginig, at humihikbi. Halos matumba siya sa bigat ng kanyang pagdadalamhati.
"Ano pong nangyari, Tita?" inosente kong tanong, tila walang ideya sa kung ano ang naganap.
Napahawak siya sa kanyang dibdib, tila nahihirapang huminga. "Ang tito mo…" Nanginginig ang kanyang tinig. "Wala na siya. Natagpuan siya sa may ilog… p-puno ng saksak ang katawan…" Napatigil siya, saglit na napapikit, bago muling humagulgol. "Pinutol pa ang p*********i niya!"
Nang marinig ko iyon, pilit kong pinigilan ang kilabot ng kasiyahan na gumapang sa aking katawan. Mahigpit kong niyakap si Tita, pinaparamdam na ako’y nagdadalamhati rin. Pero sa likod ng yakap na iyon, isang madilim na ngisi ang gumuhit sa aking labi.
Wala na siya. Wala nang halimaw na magpapahirap sa akin.
Pinunasan ko ang luha ni Tita at marahang hinaplos ang kanyang likod. "Sino po ang gagawa nito kay Tito?" tanong ko, na para bang hindi ko alam ang sagot.
"Hindi ko alam, Serona… Diyos ko, napakasakit!" patuloy niyang pag-iyak habang yakap-yakap ako.
Maraming tao ang nakikiramay sa burol ni Tito. May ilan na nalulungkot, sinasabing sayang siya dahil mabait naman daw ito. Pero ang iba, may bahagyang ngiti sa labi—tila ba hindi nagluluksa, kundi natutuwa sa sinapit niya.
Tahimik akong nakaupo sa isang sulok, pinagmamasdan si Tita. Nakaupo siya sa tabi ng kabaong ni Tito, tulala, at halatang namaga na ang kanyang mga mata sa walang tigil na pag-iyak. Para bang hindi niya matanggap na wala na ito.
Sa gilid ng silid, may grupo ng matatandang babae na nagmama-jong habang nag-uusap. Hindi ko man gustong makinig, rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Grabe ‘yung gumawa niyan kay Tas, sino bang walang kaluluwang may kayang gawin ‘yon?" bulalas ng isa habang nagbabalasa ng baraha.
"Eh baka naman binalikan siya ng mga taong ginawan niya ng masama noon," sagot ng isa pang kalaro niya, saka bumunot ng isang pirasong mahjong tile.
Napakunot ang noo ng isang matanda. "May narinig ako dati… hindi raw ‘yan malinis. Ang daming nabiktima, lalo na mga bata."
Napangiti ako nang lihim. Tama kayo diyan. Pero hindi niyo na malalaman kung sino ang nagbalik ng hustisya.
Muli akong napatingin kay Tita. Wala siyang reaksyon, pero alam kong naririnig niya ang usapan ng mga matatanda. Kitang-kita ko ang unti-unting pamumuo ng galit sa kanyang mukha.
"Deserve naman ni Tas ‘yan, eh. Manyakis ‘yan, matagal nang may tinatago ‘yang kalokohan!" biglang sabi ng isa pang babae sa mas malakas na boses.
At doon na parang pinutol ang tanikala ni Tita. Bigla siyang tumayo, nanlilisik ang mga mata, at mabilis na lumapit sa nagsalita. Napakapit ako sa upuan. Mukhang may mamamatay na naman ngayong gabi kung hindi ko siya aawat.
"Tita, tama na po," mabilis kong hawak sa kanyang braso bago pa niya masaktan ang babae.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo!" sigaw ni Tita sa babae. Halos gusto niyang lapain ito sa tindi ng galit niya.
Napatingin sa amin ang ibang nakikiramay, nagbubulungan, at ang mga matatanda namang nag-uusap kanina ay biglang natahimik.
Huminga ako nang malalim at lumapit sa kanila. "Patawarin niyo na lang po si Tita. Pasensya na, pero baka po puwedeng ibang bagay na lang ang pag-usapan ninyo? Baka po kasi marinig niya ulit at magwala na naman."
Tinignan nila ako, saka nagkibit-balikat. Isa sa kanila ang umiling bago bumalik sa paglalaro ng mahjong, kunwaring walang nangyari.
Tumalikod na ako at nagpatuloy sa pag-aasikaso ng ibang bisita, pero hindi ko maiwasang muling sulyapan si Tita. Hindi ko alam kung galit siya dahil sa mga sinabi ng mga tao, o galit siya dahil may nakakaalam ng madilim na lihim ni Tito.
Sa huli, hindi na iyon mahalaga sa akin.
Ang mahalaga, wala na siya. At ako, malaya na.