SERONA POINT OF VIEW "Manager, mukhang pagod na pagod ka ha. Nakatulog ka ba nang maayos?" tanong ni Ena, sabay lapit sa counter. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako. Napabuntong-hininga ako bago sumagot. "Wala 'to, Ena. May iniisip lang ako. Bumalik ka na sa pwesto mo," sabi ko, pero hindi siya umalis. "Ngapala, manager... hindi na ulit bumalik yung pogi—yung VIP na laging naghahanap sa'yo," sabi niya, parang may panunukso pa sa tono. "Mabuti naman kung gano'n," sagot ko, sabay iwas ng tingin. Hindi ko talaga feel ‘yung lalaking ‘yon. Hindi ko rin alam kung bakit ba lagi na lang niya akong hinahanap. Nakakainis. "Pero lagi naman siya nandito. O, ayun oh," sabay turo ni Ena sa sulok ng bar. Sinundan ko ng tingin at nakita ko nga siya—nakaupo mag-isa, may hawak na baso, til

