SERONA POINT OF VIEW “Oyy Serona, alas dos na pero hindi ka pa rin umuuwi,” sabi ni Burikat, na kakalapit lang sa counter. Halatang lasing na siya, medyo pasuray-suray habang naglalakad at pilit na pinipigilan ang pagkaka-out of balance. “Pauwi na rin kami, Burikat. Nag-aayos na lang sila sa likod. Ako naman, kinukwenta ko pa ‘yung kita ngayong gabi,” sagot ko habang hindi inaalis ang tingin sa mga resibo sa harapan ko. “Sige na, mauuna na ako sa’yo. May pasok pa ako mamaya sa trabaho,” sabi niya sabay ngiti—na kahit lasing, pilit pa ring maayos. Lumabas na siya ng bar, medyo pahapay-hapay. Napa-iling na lang ako habang sinusundan siya ng tingin. May pasok pa raw. Eh halos di na makalakad sa kalasingan. Ewan ko kung makakapasok pa talaga ‘yon. “Manager, tapos na lahat. Malinis na. Un

