
Pitong taon na ang nakalipas nang makilala ng anim na College friends sa isang beach resort ang babaeng nagbaon sa kanila sa kasalanan.
Ang babaeng nagdala sa kanila sa isang pangyayaring hindi na mawawala sa kanilang mga pagkatao.
Isang kaganapang siyang pinag-ugatan ng isang malaking kasinungalingan ngunit siya ring nagpalalim ng kanilang samahan.
Ngayong nabuo na nila ang kanilang mga pangarap, nagbabadya nga bang mawala ang lahat ng kanilang pinaghirapan dahil sa pagdating ng matalik na kaibigan ng girlfriend ng isa sa kanila?
Si NATALIE. Ang babaeng guguluhin ang kanilang mga isip sa paraang hindi nila inaakala.
Si BENJ, handa na nga ba siyang pumasok sa isang relasyon kasama ang bagong kakilala?
Si CALEB, pagtataksilan nga ba ang kasintahan makasama lamang ang best friend nito?
Si DYLAN, magagawa nga bang kalimutan ang fiancée sa piling ng mapang-akit na Eba?
Si BARRY, handa nga bang talikuran ang asawa't anak para lamang sa mga nakaw na sandali kasama ang mapaglarong babae?
Si ZACH, mapapabayaan nga ba ang sariling anak dahil sa panandaliang tawag ng laman?
Si SCOTT, tuluyan na nga bang ipagsasawalang-bahala ang mga responsibilidad sa live-in partner kapalit ng pagkakasala kasama ang taong nagpapasabik ng kanyang katawan?
Ang dating matibay na pagkakaibigan, masisira nga ba nang dahil lamang sa iisang babae?
Sino nga ba si Natalie at ano ang kinalaman nito sa kanilang madilim na nakaraan?
----------
This work contains themes of cheating and violent death that may be considered profane, vulgar, or offensive to some readers and/or inappropriate for children. Reader discretion is advised.
The thoughts, actions, and/or beliefs of characters in this story do not portray the thoughts, actions, and/or beliefs of the author.
This story is all fiction and in accordance with the wide imagination of the author. The names of the characters, places, and each scene, if there is any resemblance to the real events, are unintentional.

