BIANCA MARIE ALVAREZ Maaga ako sa school ngayon, hindi na ako nagpasundo pa kay Carlo Ray, inaraw araw ba naman niya ang paghatid sundo sa akin. Medyo naiilang na ako sa kanya, oo alam ko naman na nanliligaw siya sakin pero ewan ko ba, dati rati naman ay kinikilig ako kapag sususnduin niya ako sa bahay o di kaya, tuwing lalapit siya sakin. Naaapektuhan ba ako nung nakita ko kahapon? Na may humahawak kay Rizz? H-hindi pwede t'o Bianca. Alisin mo siya sa utak mo, okay? Hayy. Nakapangalumbaba nalang ako habang naghihintay ng klase. Hindi ko maiwasan mapaisip. Nang bigla nalang akong gulatin ni Jobelle. "Hoy! Ang agad ah! Hindi ka ba hinatid ni Carlo Ray ngayon ha?" Nagtatakang tanong niya. "H-hindi. Ayoko muna magpasundo sa kanya Jobelle." Si jobelle at ako pa lang kasi ang nasa room. Na

