RIZZA SANDOVAL Lumipas ang mga araw at buwan hindi ko na muling nakausap pa si Bianca, panay lang ang iwas niya sa akin. Nasasaktan ako sa tuwing iniiwasan niya ako, sa pangalawang pagkakataon, nasasaktan ako sa taong hindi ko alam kung magagawa akong mahalin. Ang hirap mag-assume. Minsan napapanaginipan ko siya pero saglitan lamang ang mga iyon at bigla bigla nalang akong magigising. Ang hirap dahil sa bawat araw nalang na nakikita ko siya, kasama niya si Carlo Ray, at nakaakbay pa sa kanya ang GAGONG yun. Bullshit! Hindi na ako pwedeng umeksena pa sa kanila dahil masyado akong naging careless. Pero syempre, di ako papayag na humingi ng tawad sa kanya. Heto ako sa klase ngayon, nagmumukmok habang hawak ang ballpen at notebook. "Okay class, we will having our prom this coming Saturday.

