CHAPTER 4: He's Too Cold

1083 Words
Nang matapos ang kanilang klase ay muling tiningnan ni Rain ang kaniyang cellphone. Wala nang kasunod pang text ang dumating kay Damien. Hindi niya rin alam kung nasaan ba maghihintay ang binata sa kaniya. Wala naman kasi itong ibang sinabi sa kanya kundi ang susunduin siya nito mamaya at wala ring sinabing oras kung kelan. "Hays," napabuntong hininga naman si Rain at iminudmod ang mukha sa kaniyang desk. Uwian na pero wala ata siyang balak umuwi. "Rain hanggang kailan ka hihilata dyan sa upuan mo?" Tanong ni Dana sa kaniya nang maka-upo ito sa harapan ng kanyang mesa. "Dana, di ko ma gets." Walang ganang ani nito sa kaibigan. "Ang alin?" Nagtatakang tanong ng kaniyang kaibigan. "Ito oh," ani ni Rain at ipinakita ang text ni Damien kaninang umaga pa. "Weh? Galing ba talaga yan kay Damien?" Nagtatakang wika niya sa kaibigan. "Hindi ka parin ba naniniwala no?" Ani niya sa kaibigan. "Paano ba naman kasi, hindi ka naman nagkwe-kwento sa akin. Dati dati ay hindi ka naman ganyan." Nagtatampong wika nito sa kaniya. "Ganito kasi yan, i-sho short cut ko na lang para sayo." Ani ni Rain sa kaibigan at pabulong na ikwe-nento ang simula nang engagement party nito at hanggang sa nakita silang dalawang nasa iisang kwarto na. "What? Akala mo panaginip lang kaya nilubos lubos mo? Hindi ka ba aware na totoo ang mga nangyayari. And take note hindi ka lasing nun ah." Gulat na wika sa kaniya ni Dana at napalakas na ang kaniyang boses at talaga namang hindi makapaniwala. Kaya naman ay hinila ni Rain ang kaunting hibla ng buhok nang kaibigan upang matigil ito sa pagsigaw. Mahirap nang may ibang makarinig. "Kaya yun ang rason bakit kayo magpapakasal." Mahinang bulong nito sa kaniya na kinikilig na rin. "Talagang tadhana na ang nagdala sa kaniya papunta sayo." Wika nito sa kaniya. Nagkwe-kwentohan pa sila nang biglang mag ring ang kaniyang cellphone. Nang makita niya ay number muli ni Damien ang nag text. Where are you? I'm already here. -Damien "Hah? Nandito na daw siya." Gulat na bulalas niya nang mabasa ito. Nagmadali naman siyang tumingin sa kanilang bintana upang silipin kung nasa ibaba ito ng kanilang department. Mula sa 3rd floor ng kanilang building ay natanaw niya ang itim na sports car ni Damien na pinagtitinginan ng ibang mga studyanteng dumaraan. At dahil naka bukas ang bintana nito ay hindi maiwasan na hindi papahinto ang mga dumaraan o makakakita sa binata dahil sa angkin nitong ka-gwapuhan. Ang iba pa ay malihim na tumatambay doon masilayan lang ang ka-gwapuhan ni Damien. "Oh shit." Pabulong na wika ni Rain. "Rain di ka nga nagbibiro. He's here." Ani ni Dana nang makita si Damien. "What are you waiting for. Bumaba na tayo dahil nag-aantay na ang asawa mo." Nangmamadaling wika ni Dana sa kaniya at hinila na si Rain. Nang makarating sila sa lobby ng kanilang building ay agad naman silang nakita ni Damien kaya lunabas na ito ng kaniyang sasakyan ay sumandig rito. Halos hindi maipinta ang paghanga ng mga babaeng nakapaligid sa kanila. Tinititigan siya nga mga ito mula ulo hanggang paa. "It's been 30 minutes." Ani nito sa kaniya at saglit na tumingin sa kaniyang relo. "Sorry, may tinapos lang saglit." Nahihiya niyang wika sa binata. "Tsk, get in." Malamig na ani nito sa kaniya. "Sige na Rain, ako na bahalang umuwi." Supported na ani ni Dana sa kaniya. Nang nakapasok si Rain sa sasakyan nito ay agad nang pina-andar ni Damien ang sasakyan at pinaharurot ito. Walang umiimik sa kanilang dalawa. Hanggang sa naglakas loob si Rain na putulin ang katahimikan. Nag-ipon muna siya ng lakas ng loob bago nagsalita. "Ahm, how did you get my number?" Kinakabahang ani ni Rain sa kaniya. Dahil hindi niya alam kung bati na ba si Damien at ang kaniyang kuya Rex. "My parents. You're parents gave it to them before they've left." Sagot nito sa kaniya. "Saan tayo pupunta?" Ani ni Rain kahit ba kabisado niya naman ang daan patungo sa kanilang subdivision. Hindi na sumagot pa ang lalaki nang lumiko ito at pumasok na sa gate ng subdivision. Inigatid niya lang naman si Rain sa kanilang bahay. Mga ilang sandali pang katahimikan nang huminto ito sa tapat ng kanilang bahay. Hindi alam ni Rain kung anong sasabihin dito. Nagtataka siya kung yun lang ba ang pinunta nito sa kaniya? Anh ihatid lang siya sa tapat ng kaniyang bahay. At hindi man lang ito lumabas upang pagbuksan siya nang pinto ng sasakyan. "Were here." Malamig na ani nito sa kaniya. "Ah... H-ha? Ay oo pala hehe... M-maraming salamat pala sa paghatid." Nabubulol na wika ni Rain na binuksan ang pintuan ng sasakyan nito mula sa passenger seat. Nang makababa siya ay muli na nitong pina-andar ang sasakyan at walang lingon lingon sa kaniya. Kaya naman ay sapilitang isinara na ni Rain ang pintuan ng sasakyan. Nang maisara niya ito ay humarurot na papaalis ang sasakyan nito na wala manlang paalam sa kaniya. Napangiti nalang nang malungkot si Rain. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili. Dapat nga diba maging masaya siya dahil kahit papaano ay nag effort naman si Damien na sunduin siya. Napabuntong hininga na lamang si Rain bago nagpasyang pumasok sa kanilang mansion. Pagod siyang humilata sa kaniyang kama. At hindi na rin niya mapigilang tumulo ang kaniyang luha. Ganito pala kasakit kapag pinagpilitan niyang kunin ang hindi naman sa kaniya. Masakit pa lang tratuhin siya ng lalaking iniibig niya ng ganoon kalamig at napipilitan. Pakiramdam ni Rain ay nagmukha lang siyang tangga sa sasakyan kanina dahil hindi man lang siya iniimikan ng lalaki. At isa beses lamang itong sumagot sa kaniyang tanong. At bukod doon, kulang na nga lang kanina na itulak siya nito palabas sa sasakyan. Kinikilig siya sa isipang ikakasal siya sa lalaking mahal na mahal siya pero nasasaktan siya habang naiisip niya na napipilitan lang itong pakitunguhan siya. Tiningnan niya ang sarili sa salamin kung may mali ba sa itsura niya. Napangiti nalang siya nang malungkot nang makita ang kaniyang repleksyon. Ngayon niya lang napagtanto na mashado siyang simple para makibagay sa katulad ni Damien. At kahit na saang anggulo tingnan ay walang wala siya sa ganda at tindig ng katawan ni Rika, ang ex-fiance ni Damien. Umaangat lang ang pangalan niya dahil sa reputation ng pangalan ng kaniyang mga magulang pati na rin ng kaniyang kuya Rexur. Habang si Rain ay nagpapaka-trying hard na kunin iyon at minsan ay idinadaan niya nalang sa kaniyang pagiging maldita upang hindi siya subukang lapitan ng kung sino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD