The Wedding Day
Today is their wedding day, It must be very special to those couples who waited such a long time to this day would come. But for Rain, this mirrage is not that special. She must be excited because she's going to marry the person she loves for a long time. But instead of being happy hindi maiwasan ni Rain na malungkot at makonsensiya.
"Maam, huwag po kayong umiyak. Masisira po ang make-up niyo." Sita sa kaniya ng kaniyang make-up artist. Tila nagising naman si Rain sa realidad at ngumiti ng mapait dito.
"I'm sorry," mahinang wika niya, kumuha naman ang kanyang make-up artist ng tissue paper at dahan dahang pinunasan ang ibabang bahagi ng kaniyang mata at ang nadaan ng luha sa kaniyang pisngi.
Hang inaayusan siya ay hindi na naman niya mapigilang mag layag ang kaniyang isipan.
Matapos siyang sunduin ni Damien sa kanilang department noong nakaraang linggo ay hindi na ito muli pang nagpakita sa kaniya. Wala rin siyang natanggap ritong text o kahit na anong mga reply nito sa kaniyang nga mensahe.
At ngayong araw ang kanilang kasal. Hindi man lang ito nangamusta sa kaniya bilang kaniyang magiging asawa.
Napabuntong hinga na lamang si Rain at sakto rin na natapos ang pag-aayos sa kaniya. "Maam, ok lang po ba kayo? Mukhang di kayo masaya sa araw ng kasal niyo ah." Usisa sa kaniya ng baklang make-up artist.
"Natural lang naman kung fixed marriage." Pagsisinungaling nito at mapait na ngumiti rito.
"Uso pa rin pala sa mayayaman ang ganyang tradition." Ani nito sa kaniya at inaayos ang kaniyang buhok. Hindi na muli pang umimik si Rain hanggang sa dumating ang kaniyang best friend na si Dana.
Mabuti na lang at madaldal ito kaya naman ito na lang ang nag intertain sa kaniyang make-up artist.
Nang matapos na ang kanilang preparation ay dumeretso na sila sa simbahan sakay ng kanilang bridal car. Si Dana at ang kaniyang kuya Rex ang kasama niya sa sasakyan.
Nang makarating sila ng simbahan ay gayon na lang ang kanilang pagtataka dahil hindi pa pumapasok ang kanilang mga bisita sa loob at mukhang nag-aantay parin.
"Huh? Saktong oras lang tayo dumating para deretso pasok na ang bride. Ano pang ginagawa nila sa loob?" Nagtatakang wika ni Dana habang patingin tingin sa bintana ng sasakyan.
Mabilis namang bumama ang kaniyang kuya Rex nang walang pasabi at pinuntahan ang kanilang mga magulang na nasa tapat rin ng pinto ng simbahan at mukhang problemado.
"Wala pa ba si Damien?" Nag-aalala niyang tanong sa kaibigan. Hindi kasi siya makalingon at makalikot sa loob ng sasakyan dahil sa laki ng suot niyang gown.
"Mukhang wala pa e." Ani nito sa kaniya habang patuloy paring nagmamasid. "Papunta na dito ang kuya mo." Ani nito sa kaniya.
"Kuya Rex, what happened?" Nagtatakang wika niya rito.
"Wala pa si Damien at ang parents niya. But it will be fine, antayin na lang natin sila dito sa sasakyan para hindi ka mainitan sa labas." Ani nito sa kaniya.
"Ok," tipid niyang wika rito.
Napansin niya namang paulit ulit nitong tinatawagan ang cellphone ni Damien ngunit hindi nito sinasagot ang tawag at patuloy lang itong nagre-ring.
"Hindi kaya, inurong na nila ang kasal?" Wala sa sariling bukang bibig ni Rain.
"Hindi pwede, dapat niyang panindigan ang ginawa niya sayo at ang kahihiyan nito sa pamilya natin. He can't just run away like that." Frustrated na wika ng kaniyang kuya na mukha na ring naiinip na.
"Maghintay lang tayo ng ilang minuto. Baka naman na traffic lang yun." Wika naman ni Dana upang hindi sila masyadong nerbyosen.
"f**k that son of bitch." Mahinang wika nito at umayos na ng upo sa driver's seat.
Makalipas ang 30 minutes na pag-aantay. Ang iba ay pumasok na sa simbahan upang doon magpalamig. Habang ang iba ay nagkwe-kwentuhan na dahil sa pagka late ng kaniyang groom.
Habang nasa loob naman ng simbahan ay nagkakagulo na. Naroon na ang samot saring mga usisa tungkol sa kasal. At ang mga paulit-ulit na tanong sa mga magulang ni Rain.
"Mrs. Suzzane matutuloy pa ba ang kasal ng anak niyo? Halos kalahating oras na tayong nag-aantay rito." Reklamo ng isa sa mga kinuhang ninang ng pamilya nina Damien. Halatang naiinip na ito at nagpapaypay dahil sa init ng panahon at init na rin ng suot niyang damit.
"Relax Mrs. Cordova, baka na late lang ng kaunti ang pamilya Clifton." Ani ng kaniyang ina na pinipilit rin ang sariling magpigil ng inis.
"Kung hindi lang ginawa ng anak nila sa anak natin iyon ay hindi ako magta-tyagang mag-antay dito Veronica. Mukha tayong nagpapakababa sa kanila." Inis na wika ng asawa nito.
"Hector mag-antay lang tayo ng ilan pang sandali baka na traffic lang sila sa daan." Pagpapakalma nito sa kaniyang asawa.
Sa kabilang banda, naiinis na si Rexur sa pag-aantay sa kaniyang kaibigan at sa pamilya nito.
"Ano matutuloy pa ba ang kasal?" Inis at inip na tanong ng kaniyang kuya.
"Kuya I think let's go home. Mukhang ayaw na ata nilang matuloy ang kasal." Mahinang ani ni Rain. "Pinapahiya lang natin ang pamilya natin dahil sa pagiging makasarili ko." Malungkot at mahinang wika ni Rain sa kaniyang kuya. Hanggang sa isa isa nang tumulo ang kaniyang luha.
"Shh... Rain... Tahan na, masisira ang make-up mo e. Konting antay pa baka darating na si Damien." Pang-aalo sa kaniya ni Dana habang dahan dahang dinadampian ng panyo ang kaniyang mukha upang hindi masira ang pagkaka-ayos nito.
"Teka may paparating na sasakyan." Turo ni Dana sa dalawang magkasunod na itim na sasakyan na pumasok sa gate ng simbahan.
"Thank God it's Damien. Buti naman at dumating na sila." Hakahingang wika ni Rexur na para bang nabuntan ng isang malaking tinik.
Hindi alam ni Rain ang kaniyang mararamdaman nang makita ang binatang bumaba ng kaniyang sasakyan. Kasabay naman nito ang kaniyang parents na nagmamadaling pumasok sa simbahan.
"Rain, prepare you're self dahil matutuloy ang kasal." Ani ng kaniyang kuya Rex at bumaba na ng sasakyan.