"Mauuna na ako maglakad sa loob ah. Ikaw na ang bahala sa kapatid ko, Dana." paalala ni Rex kay Dana nang maalalayan niyang niyang makalabas ng sasakyan ang kapatid.
"Yes naman, kuya Rex." Ani nito sa binata. "Ako na bahalang mag-ayos ng mahaba niyang gown bago maglakad." Dagdag pa ng dalaga.
"Dad, lalakad na ako." Ani ni Rex dahil siya ang best man ni Damien.
Matapos ayusin ni Dana ang laylayan ng kaniyang suot at ang mahabang belong nagtatakip sa kaniyang ulo at mukha ay nagsimula na rin itong maglakad patungo sa altar ng simbahan.
"My dear princess, here it is. Ito na ang huling sandali na dadalhin mo ang apilyedo naming magulang mo." Emosyonal na wika ng kaniyang ama. Habang dahan dahan silang naglalakad sa center aile ng simbahan.
"Dad, wala parin namang magbabago e. I'm still your princess. Ang sakit sa ulo na prinsesa." Pabirong wika ni Rain rito. Natawa naman rito sa kaniyang ama.
Iginala ni Rain ang kaniyang paningin sa loob ng simbahan. Sa kanilang nilalakaran ay may tila nakabakod na mga preskong mga puting bulaklak ba nahahaluan ng maliliit na mga bulaklak na may kulay dilaw at berde na siyang nagsisilbing enhancement sa flower decorations na naroon.
Nasa unahang parte naman naka-upo ang kaniyang mga ninong at ninang. Magkaiba ang upuan ng mga lalaki at babae. Nasa kali ang mga lalaki at nasa kanan namang parte ang mga babae. Habang ang mga mang-aawit naman ay nasa taas na bahagi ng koro. At nasa dulo naman nag-aantay ang best man na kaniyang kuya at si Damien na kaniyang groom.
Habang papalapit siya ng papalapit ay hindi mapigilan ni Rain ang kaniyang puso na mas lalong mahulog kay Damien. Naka suot kasi ito ng puting coat at itim na necktie. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok nito at natural ang mapupula at kissable na labi nito.
Mas lalo tuloy bumilis ang t***k ng kaniyang puso.
"Take my daughter, love her the way you love yourself. And if you no needs her and you did not even love her. Take her back to us." Huling paalala ng kaniyang ama kay Damien bago nito iniabot ang kaniyang kamay sa binata. Hindi na nakapag-react pa si Rain nang naglakad na ito patungo sa kaniyang upuan.
"I will," ani nito ngunit parang hindi na rin ito narinig pa ng ginong.
"Shall we?" Malambing niyang wika kay Rain habang naka-ngiti at inilahad ang kaniyang kaliwang braso.
Dahan dahan silang naglakad patungo sa altar ng simbahan at naupo. Maayos ang naging seremonya sa kasal.
"Damien Clifton, tinatanggap mo ba si Rain Suzzane bilang iyong kabiyak? Na makakasama sa hirap at ginhawa?" Tanong ng Ministrong nangasiwa sa kanilang kasal.
Mga ilang sandali pa ay hindi sumasagot si Damien kaya naman ay muling inulit ang tanong nito sa kaniya. Muli pa itong lumingon aa likuran bago napipilitang sumagot.
"Opo," tipid na sagot nito.
"Rain Suzzane, tinatanggap mo ba si Damien Clifton bilang iyong kabiyak? Na makakasama sa hirap at ginhawa?" Tanong nito sa kaniya.
"Opo, tinatanggap ko po." Sagot ni Rain rito.
"You may now kiss the bride." Pahayad nito.
Ipinikit ni Rain ang kaniyang mga mata habang naghihintay ang pagdampi ng halik ni Damien sa kaniyang mga labi. Ngunit napamulat siya nang humalik ito sa gilid ng kaniyang labi. Isang mabilis na pagdampi lang na tila diring diri sa kaniya ang kaniyang asawa.
"And now, I pronounce you as husband and wife." Masayang wika ng Ministro.
Hindi iyon na pansin ng madla at nagpalakpakan pa silang lahat nang matapos iyon. Itinago na lamang ni Rain sa kaniyang mga ngiti ang sakit na umukit sa kaniyang puso.
Ito ang especial na araw na igagawad sa kaniya ng lalaking mapapangasawa niya ang isang halik na magsisilbing selyo ng kanilang pagsasama ngunit hindi manlang ito ibinigay sa kaniya.
Matapos iyon ay may mga picture picture pang naganap bago punta sa venue na pagdarausan ng kanilang salo salo.
Ang venue ay isa sa pagmamay-aring resort and hotel ni Damien. Siya ang nagmamanage nito. Ito ang lugar na gustong trabahuhan noon ni Rain kapag nakapagtapos siya sa kursong kinuha niya. Dahil ito ang pinaka sikat sa mga torista dahil sa ambience nitong parang nasa Bali ay ito rin ang pinaka paboritong resort ni Damien.
Nagkakasiyahan ang lahat, dahil naroon ang lahat ng mga kaibigan at relatives nila nila sa resort. Mabuti naman at nakitungo rin ng maayos si Damien at kinakausap siya nito. Hindi rin ito umalis sa kaniyang tabi habang ini-entertain nila ang kanilang nga bisita.
Nang matapos ang buong araw na pagdiriwang ng kanilang kasal ay nagtungo na sila sa kanilang room. Namangha si Rain nang makita ang mga decorations na naroon. Kung kaninang nasa simbahan ay puro puting mga bulaklak doon naman ay puro pula.
May mga decoration na rosas at fake candle lights sa buong paligid. May mga petals ng pulang oras na naka kalat sa sahig at ganon din sa puting tela ng king size bed na naroon.
"Wow ang ganda," manghang papuri ni Rain sa buong paligid.
Hindi na muli pang umimik si Damien at dumeretso sa kanilang higaan upang alisin ang kaniyang suot na sapatos at coat. Isang matinding katahimikan ang bumalot sa kanila.
"Ahmm..." Hindi alam ni Rain kung paano muling kakausapin muli si Damien.
"You can stay here and go to sleep. Babalik pa ako sa ibaba upang i-entertain ang mga kaibigan ko." Ani nito habang naka-suot na ng sumer short at simple white shirt.
Gusto sanang itanong ni Rain kung may ganap pa bang honeymoon sa pagitan nilang dalawa kasi ito naman ang traditional na ginagawa kapag tapos na ang kasal.
"If you were expecting something. Sorry I can't. First of all alam mo kung bakit." Ani nito at nagmamadaling naglakad latungo sa pinto.
Nag ipon muna ng lakas ng loob si Rain bago nagsalita.
"Pero... Pero diba, m-mag asawa na tayo? W-Why not start our mirrage to get to know each other more." Kinakahabang wika nito sa binata.
Nagulat siya nang marinig niya itong tumawa ng malakas na para bang isang malaking joke ang narinig nito mula sa kaniya.
"Listen Rain, what happened between us in the room that night is a mistake that is why were both here. And in the first place, I don't loved you and we don't love each other. Be grateful cuz I have no plans to take advantage on you, like you did." Ani nito sa kaniya na ikinagulat niya. Napangiti naman si Damien sa naging reaksiyon ni Rain.
"Am I right Rain?" Malamig na ani nito sa kaniya na nakakabigay kilabot sa kaniyang pakiramdam.
Nanahimik lang si Rain habang kagat ang kaniyang ibabang labi at hindi magawang tumingin sa mata ng binata. Kung gayon ay alam nitong hindi siya lasing o ano pa man nung gabing may nangyari sa kanila.
"Tsk," sagitsit nito at pabalang nang isinara ang pinto.