CHAPTER 7: A Life After Mirrage

1062 Words
Napasalumbaba na lamang si Rain sa kaniyang desk nang matapos ang klase nila ng tanghali. "Oh, mukha ka namang problemado dyan." Ani sa kaniya ni Dana na may bitbit nang bag at naupo sa harapang bangko. "Hay Dana, huwag mo nang itanong." Ani naman ni Rain sa kaniya. "Halos araw araw ka nang ganyan ah. Di kaya buntis ka na?" Takang wika ni Dana sa kaniya. "Anong buntis, eh kaka-start pa nga lang ng regla ko ngayon." Sagot naman ni Rain rito. "Hays ganyan talaga, moody kapag nireregla. Pero ang mood mo always nalang malungkot. Alam mo bang nakakapangig ang nai-stress? Kung ako sayo mag re-touch ka na rin. Kasi dapat mas lalo kang gumanda kasi may as---" di matigil na bunganga ni Dana, ngunit nang banggitin nito ang salitang asawa ay tinakpan ni Rain ang bunganga nito. "Shhh... Diba, sinabi ko na sayong secret lang yun." Mahinang bulong sa kaniya ni Rain. Tumango naman si Dana at nag peace sigh sa kaibigan. Dahil nag-aaral pa nga lang si Rain ay hindi niya pa pwedeng isa-publiko ang kanilang kasal. At ayaw din namang malaman ng mga tao na ang asawa ng sikat na billionaire na si Damien ay isang 19 yrs old student. "Hay nako. Tara na nga lang, nagugutom na ako." Yaya ni Dana sa kaibigan at hinila na ito papalabas nang kanilang silid aralan. Papaano ba naman kasi ay parang latang gulay ang kaibigan dahil sa kinikilos nito. Nang makarating sila sa kanilang favorite spot sa gilid ng kanilang department na may malaking lilim ng punong akasya at doon na sila naupo at upang kumain. Naglapag naman si Dana ng bitbit niyang blanket upang hindi sila marumihan. "Alam mo bestie, minsan naiisip ko kung araw araw ka bang pinapagod ni Damien sa kama." Halos mabilaukan naman si Rain sa pinagsasabi ng kaibigan. "Gaga, ano bang pinagsasabi mo." Ani nito kasabay ng pagbatok niya sa kaibigan. "Aba, kung ako may asawang ganyan ka chick. Talaga namang umaga, tanghali, gabi ano. At saka mukha ka kasing always pagod simula nang makasal kayo. Kaya naman di na ako magtataka." Mahabang litanya ni Dana sa kanya. "Matapos ang araw ng kasal Dana, dumeretso na siya sa business meeting niya sa new york. Pinahatid niya lang ako sa magiging bahay namin. At simula nun wala man lang siyang paramdam. At isa pa, wala ring naganap na honeymoon sa pagitan naming dalawa nang gabing iyon." malungkot na kwento ni Rain sa kaibigan. Halos napanganga naman si Dana sa kaniyang narinig. Ngayon lang kasi muling nagkwento ito sa nangyayari sa kaniyang buhay. Hindi rin naman kasi niya kinukulit ang kaibigan kapag nakikita niya itong mukhang pagod at inaantok pa sa klase sa pag-aakalang pinupuyat ito nang asawa. At dahil hindi niya na kayang tiisin ito ay siya na mismo ang umusisa. "Ano?!" Malakas na sigaw ni Dana na hindi makapaniwala. "Sa ganda mong nun nung kasal. Di ka manlang niya kinamang?" Hindi makapaniwalang wika nito sa kaibigan. "Yung bunganga mo talaga ano. Hindi mapigilan." Ani ni Rain habang ngumunguya na ng kaniyang pagkain. "Pasensiya na dyosa lang." Pabirong wika nito. "Rain, pahinge ng ulam..." Malambing na wika ni Dana rito. Dahil mahilig magluto ang mama ni Rain ay iba't ibang masasarap na putahe ang inihahanda nito para sa baon ng kaniyang anak. Kaya naman ay gusto gusto ni Dana na kumain sa labas, dahil pakiramdam niya ay nagpi-picnic silang dalawa ni Rain dahil sa bento box na baunan nito. Nang dadamput na sana ito sa baunan ni Rain at napatigil siya nang makita ang naka tupperware na baunan nitong hawak hawak ni Rain. "Ako ang hihingi ng ulam ngayon sayo no haha..." Natatawang ni Rain rito. "Alalahanin mong di na ako nakatira sa bahay." Dagdag pa nito. "Ano yan?" Gulat nanamang wika ni Dana. Napapairap malang si Rain sa ka-oahan ng kaibigan. "Baon," tipid na wika ni Rain na tila inaasar pa ang kaibigan. "Baon pa ba yan?" Gulat na tanong nito nang makita ang nasa baunan ng kaibigan. Puro sunog, pritong itlog, pritong isda, at pritong bacon na parang di na ata mukhang bacon dahil mas kamukha na nito ang uling. "Wala ka bang yaya doon sa mansion mo?" Ani nito sa kaibigan. "Wala ako lang mag-isa doon. At kaya ako pagod dahil ako lang naman mag-isang naglilinis doon. Gigising ng maaga para mag luto, kakain ng ano nang oras dahil minsan ay gabi na tayo nakakauwi." Malungkot na paliwanag niya sa kaniyang kaibigan. Hindi naman mapigilan ni Dana ang kaniyang emosyon kaya naman ay napaiyak na ito sa harapan ng kaibigan. "Hoy, para kang tangga dyan. Ikaw ata ang buntis e. Pa-iba iba ang mood mo. Huwag ka na ngang umiyak dyan. Baka may makakita sayo." Ani ni Rain rito. "Bwesit naman kasi yang asawa mo. Sobra pa sa Red Flag. Kawawa naman ang kaibigan ko. Bumili ka nalang kaya ng ibang pagkain sa canteen. Itapon mo na yan. Para di na yan pwedeng kainin e." Emosyonal na wika ni Dana. "Wala rin akong pera Dana. After naming makasal sinabihan niya ang pamilya ko na hindi na ako bibigyan ng allowance. Dahil siya na ang magpro-provide nun. Pero ang ibinigay niyang card ay available lang sa mga groceries, at binabantayan niya rin ang bawat pinamili ko. Kaya di ako basta basta makakawaldas ng pera." Paliwanag pa ni Rain rito. "Hah? Anong klaseng asawa ba yan. Alalahanin naman sana niyang studyante ka pa. At saka paano kung may mga bayarin? Katulad ng print at xerox o kahit ano pang amot amutan. Saan ka kukuha ng pera. Don't tell me kahit na ang 5 pesos na babayaran natin sa Entrepreneurship na copy sasabihin mo pa sa kanya." Nahihiya namang tumango si Rain bilang tugon. "Anong klaseng bilyonaryo! Ang asawa niya kumakain ng pagkain ng pang pulubi! Kahit mahirap lang kami puro masasarap naman ulam namin no. Hay nako Rain, kung ako sayo ay sasabihin ko na yan sa kuya mo. Para naman kahit papano ay matulungan ka niya." Nagyayaw-yaw nang wika ni Dana. At tila mas na high blood pa ata ito sa nangyayari sa buhay niya. Wala rin namang choice si Rain kundi tanggapin nalang kung ano mang ibibigay sa kaniya ni Damien. Ayaw niya na ring umangal pa rito. "Siguro, dahil hindi niya naman ako mahal Dana. Siguro ito ang kapalit ng pagsira ko sa plano nilang kasal ni Rika." Malungkot na pahayag ni Rain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD