Nagising ako sa loob ng hospital. Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. I can't feel anything. My face is covered with bandage or something. Like a brace. I feel so clueless. Wala akong maalala kung bakit ako andito. Hindi ko alam kung ba't ganito ang lagay ko. Wala akong maalala kahit isang detalye ng nangyari. "Sa wakas ay gising ka na!." tila excited na wika ng matanda. Bakas sa mukha nito ang labis na tuwa. Sandali siyang umalis at sumilip sa labas ng pinto. Hindi ako nakasagot. I don't know her. Hindi ko alam kung bakit ako andito. Everything is so unfamiliar. Ang daming tumatakbo sa isip ko pero wala akong mahagilap na sagot. Kumurap-kurap ako. I looked for a word na maaaring sabihin but everytime na marating nito ang d

