Inis na inis ako. Hindi ako agad pumasok sa opisina. Nanatili ako sandali sa labas at nagpahangin na muna. Why am I so angry anyway? Aware naman ako na babaero yung lalaking yun. Aware ako na hindi lang ako ang kinakama niya pero bakit... Bakit ganito ang nararamdaman ko? Para akong tanga. I looked like a jealous girlfriend. Girlfriend. I don't even own that label to him. Ilang beses siyang nag-missed call pero hindi ko sinagot. Siguro kaya ako nagalit kasi alam niya kung gaano ako kagalit kanina pero nung makita ko siya... Para lang siyang wala. Does he even value my feelings? Lahat ba talaga, as in lahat ng meron kami laro lang? Wala bang seryoso dun? Kahit yung mga serious talks lang namin? Yung panahon na para kaming tunay na magkaibigan? Kahit yun lang..

