Pag-uwi ko ng boarding house, nagtaka ako sa paraan ng tingin nila sa akin. Feeling ko may nangyari pero hindi ko alam kung ano. Gusto kong magtanong pero baka madeadma lang ako. Bahala sila. Wala akong pakialam sa issue nila. May sarili akong issue. Iniwasan ko na lamang ang mga tingin nila at dumiretso sa kwarto ko. Nakita ko ang ibang babaeng boardmates ko na parang may sinasabi sa akin pero hindi ko maintindihan. "Ang swerte mo!" anang isa bigla. "What do you mean?" curious kong tanong. Ngumiti lang siya saka tumakbo paalis. Nailing na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Pagbukas ko ng kwarto, hindi ako agad nakagalaw. Bumungad sa akin ang iba't ibang klase ng bulaklak n

