We tried everything na pwedeng laruin. Masyado akong nage-enjoy, hindi ko na napansin ang oras. Tanghali na. Tatlong oras na rin pala kami rito sa mall. Siguradong hinahanap na ako ni daddy matapos akong hindi umuwi. "Gutom ka na ba?" tanong ni Thunder habang pinupunasan niya ang mukha ko ng panyo niya. Nakatitig lang ako sa kanya. May naramdaman akong kakaibang bagay sa tiyan ko. Parang bang may gumalaw roon. "You're really extraordinary. My extinct was right when I first saw you." aniya pa. Hindi ko matanggal ang mga mata ko sa kanya. Para bang mas lalo siyang gumwapo sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa lighting dito sa loob ng arcade? O baka nabaliw na ako ng tuluyan. "Ma

