"Ally?" Tila napako ako sa kinatatayuan ng marinig ang pamilyar na boses na iyun. Napahawak ako sa dibdib ko. Kung kanina'y nagkakarerahan ito sa pagtibok, now it seems like it stopped beating. "It's you!" Nasa harap ko na si Vanessa ngayon. Bakas sa mukha nito ang pagtataka hindi dahil nandito ako kundi dahil sa kung sino ang kasama ko. Tiningnan niya ang mga kamay naming nakahawak sa isa't isa. Agad akong bumitiw. He looked at Thunder. Ramdam ko yung pagkamuhi niya. Mapakla siyang ngumiti. "You're here... I called you but you didn't answer." aniya. "What's happening, Ally? Anong ibig sabihin nito?" Hindi ko siya matingnan sa mga mata niya. I feel very guilty righ

