"Why are you so hard to get, Ally?" mahina niyang sambit pero rinig na rinig ko naman. Finocus ko amg mga mata sa labas ng bintana. Wala ako sa mood para sagutin ang mga tanong niya. "I'm sure you'll be lonely ngayong wala na si Troy." Naalala ko si Troy. Damn. Nakalimutan ko talaga ang tungkol sa kanya. I was thinking about it the whole night yesterday. Ugh! Ewan. Siguro naman mapapatawad niya ako noh? "I can be your company while he's not around." Napairap ako. Siya na yata ang pinakamakulit na taong nakilala ko. Ang nakakatawa, ni hindi siya nanliligaw. He's plainly harrasing me and here I am inside his car. Siya ba ang may problema o ako? Tuwing hinihila niya ako kung saan-saan, hindi ko man

