Hanggang sa makarating kami sa boarding house ko, wala siyang sinabi. Inalalayan lamang niya ako papunta sa kwarto ko. Ramdam ko ang mga titig ng mga boardmates ko sa aming dalawa. "Anong nangyari? Ba't ganyan ang mukha mo?" biglang bungad ng land lady ng boarding house. Si Ate Joyce. She's 45 years old. Wala siyang pamilya. Mag-isa siya sa buhay kaya siya na mismo ang nag-aalaga nitong boarding house na pagmamay-ari ng kapatid niya. Sabi niya'y masaya raw siya dito. Tinuturing niya kaming pamilya. Mabait si Ate Joyce kaya hindi ako nahirapan na mag-adjust rito. "I... May maliit na aksidente lang habang pauwi ako." sagot ko. "Okey ka lang ba?" I nodded. "Salamat po sa pag-aalala." Tumikhim si Thu

