Six

2114 Words
                Nagising ako sa tabi ng isang lalaking kagabi ko lang nakilala. Napahawak ako sa noo ko. Inalala ko ang nangyari kagabi. Hindi ko maintindihan pero hindi ako nagsisisi. I thought I'd at least feel guilty but nothing. In fact, I feel excited and... I can't explain it.                 Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niyang nakapatong sa katawan ko. Pinagmasdan ko ang mukha niya at siniguradong hindi siya magigising. Tumayo ako. Isa-isa kong pinulot ang mga damit ko saka sinuot iyun.                 I bite my lips. Ang gwapo niya pa rin kahit tulog. Gosh. May ganito pala kaperpektong lalaki noh? Swerte ko naman. Siya pa talaga ang nakauna sa akin.                 I took my bag. Aalis na sana ako ng maalala na wala na pala akong pera.                 Huminga akong malalim. Damn it. Wala na akong choice. Alangan namang maglakad ako pauwi. Gago, ang layo ng bahay namin mula rito.                 Hinanap ko ang suot nitong short kagabi. Hindi naman ako nahirapan. Kinuha ko ang pitaka niya mula sa likod na bulsa. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung gaano karaming cash ang dala niya. Is he f*****g kidding me? Ganito karami? Hindi ba niya naiisip na baka manakawan siya? Oh well, mayaman naman siya. I'm sure barya lang toh para sa kanya.                 I took five thousand pesos mula sa wallet niya. Haler? He took my virginity, hindi naman siguro siya magagalit kung kukuha ako ng limang libo diba? Parang... Bayad na rin sa isang gabing pagpapaligaya ko sa kanya. Mas mahal ako kesa sa limang libo pero bibigyan ko na lang siya ng discount for now.                 I took my lipstick. Ginamit ko yun para magbili ng note sa kanya. Mabuti na yung alam niyang kumuha ako ng pera sa pitaka niya. Baka sabihin, magnanakaw ako.                 Matapos iyun ay dali dali na akong lumabas ng kwarto. Hindi pa rin siya nagigising o gumalaw man lang sa maliliit na ingay na nagagawa ko.                 "Sa wakas andito na rin ang walang utang na loob mong anak. Akala ko hindi na uuwi matapos akong bastus-bastusin kahapon. Kausapin mo yan! Aba, masyado nang namimihasa. Palibhasa kasi, hinahayaan mo lang kaya ayan! Lumalaking batugan. Lakwatsa lang ang tanging alam."                 I rolled my eyes. Kung mamalasin ka nga naman at ang babaeng ito ang bubungad sa araw mo. Well, I don't have to worry about that. Magkakatrabaho na ako simula ngayon. Makakaalis na rin ako dito.                 "Saan ka galing?" tanong ni daddy.                 "Kina Vanessa." walang gana kong sagot.                 "I called your friend's house. Sinabi ng mga magulang niya na hindi ka kasama ni Vanessa na umuwi kagabi! Where have you been??"                 "Can we just talk later? Kakauwi ko lang. Gusto ko muna matulog. Kulang ako sa tulog."                 "No!!! Bumaba ka rito at mag-uusap tayo!!"                 Hindi ko ininda ang galit nito. After years? Manhid na ako. Wala na akong pakialam sa kanila. Dumiretso ako sa kwarto ko. Sinara ko yun nang hindi sila makapasok. Nilagyan ko ng kadena. May spare key kasi sila.                 Habang nakahiga sa kama, naalala ko lahat ng nangyari kagabi. Eto yung problema ko pag nalalasing ako. Wala akong nakakalimutan. Lahat naaalala ko. Kahit yung maliit na detalye. Though I'm not sure kung lasing ba ako kagabi o talagang ginusto ko lang yung nangyari. Ugh! Ewan. I lost my virginity to a guy I don't know at siguradong hindi ko na rin makikita ulit.                 Dapat umiiyak na ako ngayon o nagwawala like any other girls but why am I so chill?                 Napaigting ako ng magring ang phone ko na nasa bag. Tiningnan ko kung sino iyun. Si Vanessa. Napangiti ako.                 "Hey." bati ko rito.                 "My mom told me na tumawag ang daddy mo dito sa bahay to ask about you. Hindi ka umuwi kagabi?"                 "Hmm no. Nalasing ako kaya hindi na ako umuwi."                 "And sino ang kasama mo kagabi?" she asked suspiciously.                 "Si Thunder. I was with him all night. Nagawa ko ang bet mo kaya dapat tuparin mo ang sinabi mo."                 Sandaling tumahimik si Vanessa. Nagtataka kong tiningnan kung naputol ba ang linya pero wala naman. "Hello? Andyan ka pa? Ano na? Nagulat ka na nagawa ko?"                 "What did you guys do all night?" tanong niya sa akin tila hindi narinig ang sinabi ko.                 I sighed. "It's not important. What's important is nagawa ko ang challenge mo so dapat tuparin mo ang sinabi mo. You know I need a job."                 "May nangyari ba sa inyong dalawa kagabi?"                 Hays, ang kulit. Tsk. "Oo na... Pero di naman yun importante. Gawin mo na lang yung pangako mo."                 At binaba ko ang tawag nito. Wala ako sa mood para mag-explain. Ayaw ko muna mag-explain. Babatuhin niya ako ng maraming tanong sigurado and hindi ko alam kung anong sasabihin.                 I turned off my phone to stop Vanessa from calling me. I'll talk to her pag nakapagpahinga na ako.                 Nagising ako sa sunod sunod na katok sa pinto. Ugh! Ano na naman bang kailangan nila? Hindi ba ako pwedeng magpahinga kahit ngayon lang?                 "Ally! It's Zaila."                 Napamulat ako. "What do you want??"                 "Nothing. I just want to talk?"                 "Maybe later."                 "Ally..."                 I sighed. Bakit ba ang kulit niya??                 Tumayo ako mula sa pagkakahiga. I opened the door at pinapasok siya.                 "I called you yesterday pero hindi ka sumasagot. Are you mad at me?"                 I rolled my eyes. "No. Gusto ko lang muna magpalamig ng ulo kahapon."                 Tumahimik siya sandali. Kinuha ko ang phone ko mula sa gilid ng kama ko at binuksan iyun. Ilang messages ang pumasok mula kay Vanessa. Ang dami niyang tanong about what really happened. Tss.                 "So, natanggap ka ba?" tanong ni Zaila.                 Umiling ako. "Pero may iba akong kompanyang mapapasukan. I mean, I'm not sure yet but... I am hoping."                 "Saan ka nagstay kagabi?"                 "Sa kaibigan ko. Wag ka na magtanong."                 Nag-ring ang phone ko. Agad ko iyung sinagot ng makita ang pangalan ni Vanessa. I excused myself from Zaila. Lumabas ako ng maliit na veranda sa kwarto ko para makausap ito.                 "Mabuti naman at sinagot mo na ang tawag ko!" bulyaw niya. "So ano? Kamusta? Anong pakiramdam? Is he good?"                 "Can you just shut the f**k up? It was... I don't know. I was drunk."                 Bumalik na naman sa alaala ko ang nangyari kagabi. I must admit, he was good. He was my first kaya hindi ko alam kung ganun ba dapat ang mararamdaman ko.... Pero hindi na yun mangyayari ulit. Sa susunod kailangan ko na talagang maging maingat pag lasing ako.                 "I know you Ally. Hindi mo nakakalimutan lahat ng nangyari kapag lasing ka so come on! Spill it."                 "Okey fine. He's good."                 Malakas siyang sumigaw mula sa kabilang linya. Nilayo ko ang phone mula sa tenga ko. Makabasag eardrums din tong babaeng toh eh.                 "I'm so proud of you!!! Congrats, sa wakas hindi ka na virgin."                 Napangiwi ako. "Hindi ko alam kung sine-celebrate ba ang ganung bagay. Normally kasi dapat sinisigawan mo na ako sa katangahang ginawa ko."                 She laughed. "Thunder is a catch."                 "It was a one night stand. Malamang nakalimutan na niya ang pagmumukha ko pagkagising niya. That's the rule, right?"                 "I don't know. He doesn't really f**k with everyone. He doesn't know you at all but he f****d you. I think that's a good thing."                 Natawa ako. "He f***s around."                 "No. I mean yes pero hindi sa mga babaeng hindi niya kilala. He only dates those girls na kalevel niya. Models, celebrities, businesswomen, mga anak ng mayayamang negosyante. Kaya nga hindi niya ako pinatulan diba?"                 "I thought di ka niya pinatulan kasi di ka niya type?"                 "Yun na nga. Hindi niya ako type kasi mga ganung babae ang type niya."                 "So--"                 "Ate."                 Napatingin ako sa likod ko. "What? I'm talking to Vanessa. Bumalik ka na lang mamaya."                 "Is that Zaila?" tanong no Vanessa mula sa kabilang linya.                 "Yes."                 "Sinabi mo sa kapatid mo ang nangyari?"                 I rolled my eyes. "Of course not. Ano ako? Baliw? Anyway, yung pangako mo. About your Aunt's."                 "Yeah, hindi ko nakalimutan. I already talked to her kanina. Sakto kasi na dumaan siya rito sa bahay with my cousin.... And yun ang rason kaya kita tinatawagan pero di mo naman sinasagot."                 Napaayos ako ng tayo. "So?"                 "She said yes. Samahan na lang daw kita bukas sa kompanya. She will interview you first of course pero sure na namang makakapasok ka."                 "R-really? Hindi ka naman nagbibiro ngayon, right? Don't get my hopes up, Vanessa."                 "Oo nga. Hindi ako nagbibiro. Alam mo namang lahat ng favor ko tinutupad niya. Hindi ko nga alam kung bakit sa lahat ng pamangkin niya sa akin pa siya tuwang tuwa."                 Mahina akong natawa. "Oh god, thank you Vanessa!!! I love you!!"                 "Ew. Don't say those three words. Alam mo namang allergic ako dun. Anyway, bukas susunduin kita diyan sa inyo. Wear your best dress."                 "Okey. Thank you ulit."                 Nagpaalam na ako kay Vanessa. s**t. Magkakatrabaho na ako.                 "Ate."                 Napakunot ang noo ko. Hindi ko namalayang nandito pa pala sa harap ko si Zaila.                 "I'm sorry, Zai but kailangan ko pang maghanda for a job interview. Mamaya na lang tayo mag-usap okey?"                 Pumasok ako sa loob ng kwarto. Binuksan ko ang closet ko at naghanap ng mga maaari kong suotin para bukas. Heto na, magkakatrabaho na rin ako. Hindi ko na kailangan dumepende na lang palagi kay daddy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD