"I'm already outside." basa ko sa text ni Vanessa.
Kinuha ko ang bag ko. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto. Pinakiramdaman ko muna kung may tao ba sa sala. Nakahinga akong malalim ng makitang wala. My dad's already at work. Yung madrasta ko naman, nakita kong umalis kaninang umaga. Ako lang ata at si Zaila ang naiwan dito sa bahay.
Paglabas ko ng gate ay agad kong nasilayan ang kotse ni Vanessa. Binuksan niya ang front seat. Agad akong pumasok sa loob.
"Good morning." bati ko.
She just rolled her eyes saka pinatakbo na ang kotse niya.
Pagdating namin sa kompanya ng Auntie niya, agad niya akong ginuide papasok sa loob. Kilala na siya ng halos lahat ng empleyado ng kompanya. Minsan kasi ay nagpupunta siya rito. Wala siyang choice dahil ang mommy niya mismo ang nag-uutos sa kanya.
Her Aunt is her mom's sister. Twin sister exactly kaya she finds it creepy pag lumalapit sa kanya ang Auntie niya. Minsan daw kasi nalilito siya lol. I think the reason kung bakit fond na fond sa kanya ang babae ay dahil kamukhang kamukha ni Vanessa ang mommy niya noong dalaga pa lang ito which means magkamukhang magkamukha din silang magtiyahin. May mga anak naman ito kaya lang madalas ay nasa ibang bansa ang mga ito. Doon na nakatira at bumuo ng pamilya.
"My cousin's home. Nagbabakasyon. Magsu-summer na rin kasi sa ibang bansa." ani Vanessa. "You know Troy right?"
I nodded. "Yung batang patpatin?"
"Yeah... Only, hindi na siya patpatin ngayon."
Pumasok kami sa elevator. May mga nakasabay kami. They greeted Vanessa. Hindi man lang pinansin ng gaga ang mga ito. Taas noo lang siya at diretso ang tingin sa harap. She's a diva. That's why everyone likes her. She has a cool personality.
Nilibot ko ang tingin sa buong opisina. Everyone's busy sa trabaho nila. Nakasunod lang ako kay Vanessa hanggang sa pumasok kami sa isang opisina. Bumungad sa akin ang Auntie nito na nakaipo sa swivel chair. Agad itong tumayo ng makita kami.
"Good morning, Vanessa. Good morning, Ally. Nice to see you here." she said with a very creepy smile.
Mrs. Castillo is actually very pretty pero yung sobrang energy niya minsan nakakatakot na. Alam niyo yung ang seryoso ng mood pero nakangiti pa rin siya? Minsan, sinama ako ni Vanessa sa family outing nila, walang minuto o kahit sigundo na nakasimangot siya. It was very creepy. She told me she likes me though kaya gusto ko na rin siya.
"So? About your promise na papapasukin mo si Ally dito sa kompanya?"
Umupo si Vanessa sa upuan kaharap nito. Umupo na rin ako sa tabi niya.
"Oh yes. That... I have no problem with hiring Ally. I know she's a smart girl. But why do you want this job? Your dad has a good work and hindi naman kayo naghihirap."
"Well, you know my step mom? I don't like her. Gusto ko ng umalis mula sa bahay namin and for that to happen, kailangan ko ng pera."
Yes, I'm comfortable talking to her. Ewan, basta nangyari na lang. Pag kaibigan daw ni Vanessa, pamilya na rin daw ang turing niya.
"I don't blame you. She's a bitch." aniya sabay tawa.
I chuckled. "Super."
"Tamang tama ang timing mo actually dahil noong isang araw lang, nagresign yung secretary ko. She married a foreigner and gusto ata ng asawa niyang sa ibang bansa na sila manirahan." wika niya. "Wala pa akong nahahanap na sekretarya. Kaya tamang tama ang timing mo."
Napataas kilay ako. "So I will be your secretary?"
She nodded. "Your salary is written on the contract." aniya sabay bigay sa akin ng papel na mula sa cabinet ng mesa niya. "20,000 bi-weekly. Can you handle the job?"
Napaayos ako ng upo. "O-of course."
"That's good. Pwede ka na magsimula ngayon."
I was taken aback. Wow, hindi talaga marunong magdalawang isip ang pamilya nila ano?
"Magsimula? That's it? Hindi mo ako iinterviewhin?"
Umiling siya. "Sapat na yung mga alam ko tungkol sayo. You're a smart kid. Nasubaybayan ko rin naman ang mga pagbabago mo at nakita ko kung anong abilidad meron ka. Since you become Vanessa's friend, tumaas na rin ang mga grado niya. Isn't that enough para tanggapin kita?"
Hindi ako sumagot. That means may trabaho na ako, right? Omg. I can't believe this. After a month, magkakapera na ako. I can get out of that house finally.
"So magsisimula na ako ngayon, ma'am."
I started my job nga. It was all good. This is my first week here. Hindi naman mahirap ang trabaho ko. Taga-receive lang ako ng calls for Mrs. Castillo tapos I will schedule all her appointments then minsan may mga paper works na madali lang namang trabahuin.
But since it's my first day, wala pa akong nakikilala. She introduced me to all her employees for them to know na ako na yung official na secretary niya. Nakakausap ko lang sila pag may kailangan sila kay Mrs. Castillo since ako ang unang nilalapitan nila. To be honest, I feel excited. This is my first job. Nakakapagod at nakakabored pero I think I can handle it.
Narinig kong tumunog ang intercom.
"Ally, can you hand me my schedule today please?" si Mrs. Castillo. I usually talk to her in this small microphone na nakakonekta sa opisina niya.
"Right away, ma'am."
Kinuha ko ang planner na nasa tabi ng mesa ko. Pumasok ako sa loob ng opisina nito. Ngumiti siya ng makita ako.
"Mamayang 10 a.m, you have a meeting with your business partner for your new project. After that, you agreed to have lunch with Mr. Comwell from Well.com. At 2 pm, board meeting..." basa ko sa nakasulat roon. "That's your schedule for today ma'am."
"Okey thank you. Please tell Richard na ihanda ang meeting room. Tell them to get ready."
I nodded. "Okey ma'am."
Lumabas ako ng opisina nito at hinanap si Mr. Richard. He's a manager sa isang department. I can say na isa siya sa pinagkakatiwalaan ng ginang dahil ito madalas ang kinakausap nito about sa meetings and sa mga bagay-bagay sa kompanya.
"Good morning, sir." bati ko kay Mr. Richard ng maabutan itong nagmamasid sa mga ginagawa ng mga empleyadong nasa department niya.
"Ms. Santos."
I smiled. "Uhmm, pinapasabi po ni Mrs. Castillo na ipahanda na raw po ang meeting room para po sa meeting niyo with your business partner."
He snapped his fingers. "Yes. I almost forgot. Thank you Ms. Santos."
"You're welcome, Sir."
Nagpaalam na ako rito para bumalik na sa pwesto ko. This is my usual job. Ang dali right? Ang nakakapagod lang ay yung bababa pa ako pag may kailangan akong ibigay sa isang department etc. Though natutuwa naman ako dahil I get to see different faces saka nakikita ko ang ginagawa nila. Minsan nakakasalubong ako ng celebrity sa hallway. They sometimes invite them for an interview o kung ano man.
"Is everything ready?" tanong ni Mrs. Castillo.
I nodded. "Everything is ready ma'am."
Mukhang importante ang meeting na toh sa kanila. I have no idea kung para saan since hindi naman sinabi ang buong detalye. Tumulong na rin ako sa pag-aayos ng meeting room para mabilis silang matapos. Thirty minutes til the meeting. Minsan ay maagang dumarating ang mga kasama sa meeting to avoid being late.
"The food? Are they ready?" tanong ko sa isang babaeng nakaassign sa snacks.
"Yes, Ms. Santos." sagot nito.
"Uhm, yeah right... Kailangan ko silang sunduin sa baba. Kayo na munang bahala rito."