After naming ikutin ang buong lugar at batiin ang nga bisita, isa na lang ang natitira. Ang table nina Mrs. Castillo. Kumabog na naman ang dibdib ko. Nasa table nila si Troy since he's Mrs. Castillo's son. Halos hindi kami nagkasama ngayon. Naiintindihan naman siguro niya kung bakit. "Good evening Tita... Good evening everyone." magiliw na bati ni Vanessa sa mga ito. "Heto na pala ang may kaarawan. You're very pretty tonight. I mean, you're always pretty but you're even prettier." ani Mrs. Castillo. I smiled. "Thank you po. Saka salamat po sa pagpunta niyo." Tumayo si Troy mula sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Hindi ko alam pero grabeh talaga yung t***k ng puso ko. Pinagpapawisan na ako. Wala naman ak

