"What happened to you? Okey ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Vanessa. She found me. Buti na lang at tumigil na ako sa pag-iyak nang pumasok siya. Humiga ako sa kama niya at nagtago sa ilalim ng kumot. I'm sure I look like a mess right now. Ayaw kong makita niya yun. "Ally, are you okey? Kanina ka pa nila hinahanap sa baba. Nag-aalala sayo." Binaba ko ng konti ang kumot. "I'm not feeling well. Sabihin mo na lang kina daddy na magpapahinga na ako. I'm really sorry." "What happened. Tell me." Umiling ako. "Sumama lang bigla ang tiyan ko pero okey na naman. Tinamad na akong bumaba. Pasensya na at pinag-alala ko pa kayo." "Papupuntahin ko si Troy dito." "NO!!

