Two

1581 Words
                "Hindi magugustuhan ni daddy oras na malaman niyang naghahanap ka ng trabaho." bulong ni Zaila.                 Hindi ko siya pinakinggan. Pinagmasdan kong mabuti ang sarili mula sa salamin na nasa harapan. Nakahanda na ako para sa interview mamaya. Pinipigilan ako ni Zaila. Wag na daw ako tumuloy. Hello? Ano? Sasayangin ko ang pagkakataon dahil lang may magagalit? I'm not that stupid. Saan ba tingin nila mapupunta ang buhay ko kung dedepende na lang ako lagi sa kanya? What if something happened to him? Ano? Maga-ala Cinderella ako sa bahay na toh? Hinding hindi ko hahayaang mangyari yan. I'm not as weak as Cinderella. Baka mukha lang ng malanding babaeng yun ang ilampaso ko sa sahig. Saka isa pa, sooner or later kakailanganin ko na rin naman'g bumukod.                 "This is really stupid, Ally."                 Umiling ako. "This is a smart move, Zaila. Let me handle my life. Ano bang alam mo? Magka-college ka pa lang. Wala ka naman talagang alam sa buhay."                 I picked up my shoulder bag mula sa kama. I looked at Zaila. Mukhang eto ang kinakabahan para sa akin. Ano bang pinag-aalala niya? Kung matatanggap ako rito, I will get out of this house, bukas mismo. Kung hindi, then ipagpapatuloy ko ang buhay ko rito na parang walang nangyari. I have plans. Nagtagal lang naman ako rito dahil may kailangan ako. Hindi ko pa alam kung anong gagawin ko dati but now... I'm in the right age. I can do whatever I want.                 "I gotta go. Male-late na ako sa interview." paalam ko kay Zaila.                 Magsasalita pa sana siya pero mabilis akong lumabas ng kwarto ko. I closed the door with her inside. Naabutan ko ang step mom ko na nagmamaganda sa sala. May kasama itong hindi ko kilala. I guess it's one of those face massage or foot massage niya weekly. Hindi ko lang alam kung alin sa dalawa. Nakakalito kasi. Walang difference ang face sa paa.                 "Saan ka na naman pupunta? Gagala ka na naman? Saan ka kumuha ng pera? Pag may nawalang pera sa--"                 "Wag kang mag-alala, hinding hindi ako hahawak ng bagay na nahawakan mo na." wika ko.                 Sinamaan niya ako ng tingin. "Eh di sana umalis ka na rito!! Walang galang! Manang mana ka talaga sa--"                 "You can't ask for something na hindi mo naman binibigay. Kung gusto mong respetuhin ka, matuto ka ring rumespeto. And yes, nagmana ako sa nanay ko. Buti na lang si Zaila di nagmana sayo noh?"                 I walked out in front of her. Kumawala ang isang malakas na sigaw mula rito. Mahina akong natawa. Sarap talagang galitin ng babaeng yun. Malamang lumabas na naman ang nga ugat nun sa buong katawan. I can hear her saying s**t. Hindi naman ako ang klase ng tao na sumasagot-sagot sa nakakatanda kaya lang minsan sumusobra na talaga.                 Paglabas ko, saktong may dumaan na tricycle. Pinara ko ito at agad na sumakay. Mula sa bintana ng kwarto ko ay kita ko si Zaila na nakatingin sa akin. Hindi ko talaga alam kung bakit ayaw niya akong magtrabaho. Nakikita't naririnig naman niya ang mga sinasabi ng nanay niya. Bakit di niya maintindihan na naririndi na ako't gusto ko na lumayo rito?                 Mula sa labas ng subdivision ay sumakay ako ng jeep diretso sa Electrum. Nang nasa harap na ng kompanya, doon na ako kinain ng kaba. The building is soooo big. Hindi ko mabilang mula rito sa harap kung ilang palapag meron ito.                 Labas masok ang mga empleyado ng kompanya. They're doing their own s**t. I feel... I feel nauseous. This is my first time but I will not let this anxiety win. I need this job. I will get this job.                 "Excuse me, ma'am. How can I help you?" tanong ng security guard ata nitong kompanya.                 Taray, yung security guard nila amerikano. Di ko kinaya. s**t. Ang gwapo ni kuya.                 "I'm here for a job interview." sagot ko rito.                 "Ah I see. Can I see your pass?"                 Napatanga ako. Pass? Anong-- "A-ah oo nga pala."                 Nilabas ko ang phone ko mula sa bag na dala. Kagabi ay may sinend silang parang QR code or is it a seal, I'm not really sure. Basta ang nakalagay dun, parang pass daw para makapasok ako rito sa building.                 Nilabas ng security guard ang isang parang tablet mula sa gilid niya. He turned it on. "Open the picture and swipe your phone screen here." anito.                 Ginawa ko ang sinabi niya. After five seconds ata ay tumunog yung tablet na hawak nito. Bumukas yung entrance sa gilid.                 "Go straight to the reception. They'll give you instructions. Thank you."                 I smiled. "Thanks."                 Pumasok na ako sa loob. Nilibot ko ang paningin ko. Literal akong napanganga sa nakita. The place... It's very modern. Mula sa mga hightech na mga palamuti ng building at sa mga gamit na hawak ng mga empleyado. This is amazing. Para akong nasa future. What the hell. Do you even consider working here a job? Para lang silang naglalaro.                 Nagtungo ako sa reception desk like the guard said.                 "Good morning, ma'am, How can I help you?" nakangiting tanong ng receptionist.                 "I'm Ally Santos. I'm here for a job interview." wika ko rito.                 "Oh. What department, ma'am?"                 Kinuha niya ang isang wireless na telepono mula sa gilid. She waited for me to talk.                 "They didn't really tell me about that part."                 Tumango siya. May tinepa siya roon. She asked me to wait for awhile at may kinausap siya sa telepono. Inaliw ko naman ang sarili sa pagmamasid sa kabuoan ng building. This is the coolest company I've ever seen.                 After a couple of minutes ay narinig kong tinawag ako ng receptionist.                 "I'll guide you to your interview." aniya.                 I nodded. "Okey. Thanks."                 Pumasok kami sa elevator. Hindi pa rin ako matigil sa kakaikot ng tingin ko. Transparent glass kasi yung glass ng elevator kaya kitang kita ko yung sa labas.                 Bumaba kami sa third floor. Tuluyan na akong namangha sa kabuoan ng building. This floor is different from the first. Ibang iba ang disenyo nito. Kung modern na modern yung sa baba dito naman para akong nasa isang greenhouse. Napakaraming mga bulaklak at maliliit na tanim. Karamihan sa mga furnitures ay yari sa kahoy. I can tell sa isang tingin lang na magandang uri ng kahoy ang ginamit nila. This is Electrum afterall.                 "Follow me." anang babae ng mapansin niyang natigilan na ako.                 I smiled. "Sorry."                 "It's fine. Lahat ng mga applicants na dinadala ko rito, napapatunganga talaga dahil sa sobrang ganda ng disenyo ng opisina. Kahit nga ako, noong unang tungtong ko rito, hindi ako makapaniwala sa nakikita."                 "Kung dito ka magtatrabaho hindi ka talaga mapapagod dahil sa ganda ng paligid. I'm sure maganda rin ang trato nila sa mga empleyado nila. I mean, ang mga boss?"                 She nodded. "That's rule number one. Pinapahalagahan ng mga empleyado nito ang kabutihan hindi lang pansarili kundi panlahat. I never really know what my dream job is, but the moment I stepped here, I know this is it."                 Huminto kami sa harap ng isang malaking pinto. The door's made of wood too. Para akong nasa harap ng pinto ng isang hari habang nakatingin ako rito. Ni hindi nakatulong ang ganda ng paligid para mawala yung kabang naramdaman ko.                 "The manager's inside. Pumasok ka lang." aniya. "A little advice. Just be yourself. Just answer the questions honestly. You don't need to exaggerate it. They focus more on your skills kesa sa mga sagot mong alam nilang ilang gabi mo ring pinag-aralan."                 Mahina akong tumawa. "Thank you."                 "Goodluck." she winked at me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD