Four

1696 Words
                "Are you kidding me?" natatawang tanong ko kay Vanessa sabay inom ng hawak na alak. "He's too young to be a CEO."                 "Hindi na talaga ako nagtataka kung ba't hindi ka natanggap. Pinakaimportanteng fact tungkol sa kompanya di mo alam? Really? Thunder's known as a young CEO. He's 26. He started Electrum when he was 16. It was just him and a friend. Gumawa sila nang video game na agad na sumikat. What's it called? Faran? Sikat pa yun hanggang ngayon eh. Simula nun, nagkaroon sila ng funds para gumawa ng bagong game na sumikat na naman ulit hanggang sa makapagtayo siya ng kompanya kasama ang mga kaibigan niyang gamers with the help of his father. Lumaki yun ng lumaki hanggang makilala siya sa buong Asya. Everyone knows that story. I thought you know that story."                 Sandali akong nahinto. "I know that story... Just not the whole story. Hindi ko alam na bata pa pala ang may-ari ng Electrum. I thought that happened like decades ago. I wasn't really sure when Faran was established."                 She giggled. "Yes he is young.... And he's also attractive, handsome and he loves... Women."                 Tumingin ako muli sa kinaroroonan nung Thunder. May katabi siyang babae ngayon at mukhang enjoy na enjoy siya habang nilalandi siya nito. Tss. Halos lahat naman ng mga tulad niyang mayayaman babaero. Hindi na ako nagtataka.                 "Ba't di mo subukan?"                 "What do you mean subukan? Anong susubukan ko? magpa-interview? Dito? Sa kanya? O magmakaawa na tanggapin na lang ako ng kompanya niya?" sarkastiko kong tanong.                 She laughed. "Hindi yun, gaga! Ba't di mo subukan... Na alam mo na... mapalapit sa kanya? Akitin siya hanggang sa makuha mo ang loob niya? Baka makapasok ka sa Electrum."                 Sarkastiko akong tumawa. "That's crazy."                 "Sinasabi ko lang naman. I told you, she loves women."                 Tinuro ko ang babaeng katabi nito. "Those type of women."                 Pinanliitan niya ako ng mata. "Bakit? Maganda ka naman ah? You're sexy and adventurous and... Funny."                 "But I'm not a slut. I don't f**k around, Vanessa, you know that."                 "Hindi ko naman sinabing ibigay mo katawan mo sa kanya. Just tease him?"                 "Ba't di na lang ikaw? Tapos pag naakit mo na siya, iintroduce mo ako sa kanya. Ipagmalaki mo ako. Malay mo kuhanin niya ako para sa kompanya niya."                 Ngumuso siya. "I tried."                 "You tried?" hindi ko makapaniwalang tanong. Aba'y gaga nga talaga tong babaeng toh.                 She nodded. "I didn't tell you kasi nakakahiya." yumuko siya. "Alam mo namang wala pang tumatanggi sa akin."                 "Di nga? You really..."                 "Oo nga. I tried to seduce him pero hindi naman niya ako napapansin. Maganda naman ako saka sexy pero he doesn't like me... At all."                 "Pfft."                 "Don't laugh at me."                 Hindi ko na napigilan ang sarili at natawa ako ng sobrang lakas. Nakakatawa kasi yung mukha niya habang sinasabi niya yun. Omg!!! Someone ignored Vanessa Moran? No f*****g way. That's crazy. Hindi ako makapaniwala.                 Pinalo niya ako sa braso. "Shut up."                 "I can't believe this. He said no to you?? That's f*****g cool!!"                 "What's so cool about that?? Tumigil ka na nga. Dapat talaga di ko na lang sinabi."                 Ilang minuto ko rin siyang tinukso. Galit na galit siya to the point na namumula na yung mukha niya. Hindi ko mapigilan ang sarili. Syempre, once in a lifetime lang ang mga ganitong bagay.                 "Why don't you seduce him then?" inis na wika ni Vanessa. "If you seduce him, I will help you find a job. You know about my aunt, right? I really don't like asking her favors but I will do it if you get him at least for a night."                 Bigla akong naseryoso sa sinabi niya. I know her aunt. May-ari ito ng isang malaking kompanya. It's uhm... A magazine company. I asked her once na tulungan akong makapasok doon since she's her aunt's "favorite niece" but she said no. Hinding hindi daw siya lalapit roon. Nakakasakal daw kasi ang pagiging maalagain nito.                 "I don't believe you. Hinding hindi mo gagawin yan."                 "Wanna bet?" determinado niyang sabi.                 Malakas kong binaba ang hawak na beer. I looked at his direction. Damn. Ganito na ba talaga ako kadesperada? Oh well, it's just for a night. Lalapitan ko lang siya, lalandiin and tapos na. Bukas na bukas magkakaroon na ako ng trabaho at makakaalis na ako sa bahay na yun. Wala namang masama kung susubukan.                 "That's a deal?"                 Tinaas niya ang isang kamay. "It's a deal."                 I smirked. Akala niya ba hindi ko kaya? Aba, baka hindi niya alam kung anong nagagawa ko pag desperada na ako? I'll do anything just to get what I want.                 Isang oras kong pinag-isipan kung paano ako makakalapit sa kanya. Hindi naman pwedeng basta basta na lang diba? Ayaw ko naman magmukhang feeling close rito. I asked Vanessa to play with me. Tuwang tuwa naman ang gaga na gagawin ko talaga ang gusto niya.                 "Ba't di ka na lang mag-writer? Galing mo gumawa ng storya eh." bulong ni Vanessa.                 Nginusuan ko siya. Pumuntanna kami sa dance floor, malapit sa kinaroroonan nina Thunder. We both danced habang may hawak kaming beer. Kunwari nagkakatuwaan kaming dalawa.                 Tinaas ko ang kaliwang kilay para iparating kay Vanessa na simula na ng plan A.                 "This is so funnnnn!!!" sigaw ni Vanessa.                 Tinaas niya ang kamay at kunwaring natabig niya ang kamay kong may hawak na beer dahilan kaya natapon iyun patalikod.                 "What the f**k???" galit kong sigaw rito.                 Nanlaki ang mga mata ni Vanessa. "Ohh sorry. Sorry I didn't mean to..."                 "Oh god, alam mong hindi ako pwedeng--" tumingin ako sa likod. Pasekreto akong napangiti ng makita kong nabuhos kay Thunder ang beer. "Oh god..."                 Lumuhod ako. Kinuha ko ang panyong nasa bulsa saka natatarantang pinahiran ang tshirt nitong basang basa ng beer. Kita sa mukha nito ang inis dahil sa nangyari but he stayed calm.                 "Are you okey bro?" tanong ng isa niyang kasama.                 "I'm fine. I can handle my--"                 "No. I'm really sorry. Hindi ko sinasadya. Pasensya na talaga." patuloy ko.                 "I know. I saw what happened. Just--"                 Napasinghap ito ng tumama ang kamay ko sa hita niya. I didn't stop wiping his wet shirt. Kunwari ay nag-aalala ako sa nagawa. Pansin kong natigil na yung ibang nagsasayaw sa dance floor na malapit sa amin. Mukhang lahat n andito aware kung sino siya.                 "I said stop--" hinawakan niya ang kamay ko at itutulak sana iyun. I looked up to him with my paawa face.                 Nakita kong natigilan ito. I bite my lips. "I... I have a shirt in my friend's car... I mean, it's my brother's but... You can use it."                 Well, it was a lie. Unang una wala naman ang kapatid ko rito kaya paano siyang nag-iwan ng tshirt at sa kotse pa talaga ni Vanessa. Hindi ko alam kung kanino yun basta sinabi lang ni Vanessa na sabihin ko yun. She assured me na merong panlalaking shirt sa kotse niya. Maybe pagmamay-ari ng isa sa mga lalaki niya? I don't know and it's none of my business.                 "Really?" aniya.                 I nodded. "If you just want to... I mean, I'm sure di ka komportableng suot yan buong gabi."                 He looked at me in the eye. Ngayong malapit siya sa akin, I can see his face clearly. Tama nga si Vanessa. Ang gwapo niya.                 "Sasamahan mo ba ako?"                 "Syempre. Hindi naman pwedeng ibigay ko na lang sayo ang susi. Baka itakbo mo pa."                 Mahina siyang tumawa. "Baka ikaw ang itakbo ko."                 Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa harap niya at inayos ang suot. Gosh, nakakatawa. Ngayon ko lang narealize na naka-formal attire pa nga pala ako. Hindi nga kasi ako umuwi para magbihis diba?                 "I don't mind."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD