14: Get Easy on Me Pagkatapos kong umihi at maghugas ay bumalik na rin ako sa waiting line. Ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang competition at malakas ang chance na isa sa magiging judge si Miss Georgia o kaya naman si Caleb since magiging assistant niya ang kung sino man ang manalo. “Attention! All participants, please proceed to the laboratory. Thank you!” Lahat kami ay tumayo na habang kinakabahan. Sinabihan na kami na ang magiging kontrata namin dito ay magiging effective sa loob ng apat na buwan. Ibig sabihin, from January until April sa susunod na taon pero ngayong December pa lang daw ay kailangan na rin naming pumasok sa trabaho kung sino man ang mananalo. Kaya mo ‘to, Savanah! Pumasok na rin kaming lahat sa loob. Siguro nasa sampu ang participant na nandito at iisa lan

