9: What a Brilliant Idea
Nakangiti kong pinagmasdan ang bawat daan na tinatahak namin ng taxi driver ngayon. Pagkatapos kanina ng lunch ay kaagad akong umalis para naman makabalik pa ako nang maaga sa shop. Kailangan ko lang namang ibigay ito sa finance department at nang maka-uwi na ako.
“Salamat po, Kuya,” usal ko sabay bigay ng dalawang-daang piso sa kaniya at bumaba na rin sa taxi.
Pangatlong beses ko nang punta ngayon dito sa kompanya pero hindi ko pa rin makalimutan ang bastos na lalaking iyon na nagpahiya sa akin. Nanggigigil pa rin talaga ako kapag naalala ko ang Bryan na iyon.
Naglakad na ako papasok sa loob dala-dala itong mga sales report. Kapapasok ko pa lang sa trabaho kaya hindi ko pa alam ang takbo ng shop namin. Huwag lang sana akong tanungin sa finance department mamaya. Nang makarating ako sa tapat ng pinto ay tiningnan ko muna kung maayos ang pagkakasunod-sunod nitong mga files para maka-iwas sa confusion.
“Okay na ‘to…” sambit ko at marahan nang pinihit ang door knob. Hinanap ko na ang surervisor na sinasabi ni Sir Tristan at lumapit doon. “Good afternoon, Ma’am. I am Savanah Armani, the assistant supervisor from Chateau La Vielle main branch.”
“Armani, hmm…” Bahagya niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa ng halos tatlong segundo at maya-maya ay kinuha na rin sa akin ang makakapal na files na hawak ko. “So, you’re the new staff?”
Napatango naman na ako sa kaniya at umupo na sa harapan nito. “Yes, ma’am. I got appointed last two days ago and Sir Tristan told me to—”
“It’s okay, no need for a long explanation,” pagpigil pa niya sa akin.
Mukhang hindi niya gusto ang employee na masyadong maraming sinasabi kaya tumahimik na lang ako hanggang sa mapirmahan na niya ang sales report namin.
“I will approve this report and sooner or later, it will ne transferred to the CEO for approval,” aniya sabay taas ng kilay sa akin. “I didn’t know that someone from the Armani clan would be here, working as one of our staff.”
Napabuntong-hininga na lang ako at ngumiti sa kaniya—ignoring what she have said about me being from Armani family. “Thank you, Ma’am. If there is no other concern, I’ll be taking my leave.”
“Go on. I still have a lot of work to do,” malamig nitong tugon.
Tumayo na ako at naglakad palabas ng finance department. Ito talaga ang hindi mo maiiwasan ang isang workplace. There would always be people who won’t like you in that workplace and it’s fine. Just mind your own business.
Pinagpagan ko na ang skirt ko nang makapasok ako sa elevator dahil siguro kanina sa alikabok galing sa taxi. Ngayon ko lang nakita nang mapayuko ako. Pipindutin ko na sana ang first floor nang bumukas ulit ang elevator at pumasok ang isang lalaki.
“Do I need to do that today? Dad, I need some rest after working all day long!”
Wait…bakit parang pamilyar ang boses na iyan?
Napasulyap na ako sa kasama ko at halos manilim ang paningin ko nang makitang si Caleb pala ang kasama ko rito sa elevator ngayon. He was on his phone at mukhang kausap niya ang kaniyang ama na kasalukuyang Chief Executive Officer ng kompanyang ito.
“Besides, I don’t have any assistant with me right now. Pina-uwi ko na sila. I’ll do it tomorrow—”
Mukhang galit na si Caleb kaya dapat bilisan na nitong elevator at nang makalabas na ako. Sobrang nanibago lang kasi talaga ako sa asal niya ngayong nagkita na kami. Pakiramdam ko ay bagong tao na naman ang nakilala ko ngayon at parang chinop-chop na niya ang dating Caleb na nakilala ko.
“Fine. Just make sure that you will attain that promise you gave me.” Ibinaba niya na rin ang tawag kaya napayuko na ulit ako.
“Hey, you!”
Hindi ko alam kung ako ang tinatawag niya kaya hindi ako sumagot kahit na dalawa lang kami rito sa elevator. Malay ko bang baka may kausap siya sa kaniyang cellphone.
Nagulat na lang ako nang kinalabit na niya ako sa bandang braso. “Didn’t you hear me?”
“Y-yes, Sir? Bakit po?” Nakayuko pa rin ako dahil mukhang hindi niya pa rin nakikilala ang katabi niya.
I heard him sigh. “Are you a staff of this company?”
“Y-yes po, Sir.”
“Then come with me, I’ll just pay you after this.”
Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya kaagad akong napaharap sa kaniya. Magsasalita pa sana ako nang bumukas na ang elevator at kaagad itong naglakad palabas. Hindi na ako nakareklamo dahil masyado siyang mabilis maglakad kaya sumunod na lang ako.
“Ay, Sir, kailangan ko kasing bumalik sa trabaho ko at—”
Bigla itong napatigil sa paglalakad. “Do you know who I am?” tanong nito habang nakatalikod pa rin sa akin.
“Yes po, Sir,” tugon ko. Parang kanina pa ako yes nang yes sa kaniya.
“Then let’s go!”
Wala na akong nagawa kung hindi ang pumasok sa sasakyan niya at kaagad na rin kaming umalis. Habang nasa byahe ay kinuha ko na ang cellphone ko para mag-text kay Sir Tristan. Nakakahiya naman kasi kung tatawagan ko si Sir sa harapan nito ni Caleb.
“Uh, Sir nasabi ko na po kay Sir Tristan na kasama ko kayo,” pahayag ko sa kaniya pagkatapos kong mag-text at ibinalik na ang cellphone ko.
Napatingin na rin sa akin si Caleb at napansin kong nanlaki ang mga mata nito. “Why the hell are you here?!” giit niyang tanong.
Ano ba ang nangyayari sa lalaking ‘to? Adik ba ito?
“Sir, kayo po ang nagsabing magpapasama kayo sa akin,” iritang pahayag ko pa sa kaniya—pero syempre patago lang dahil baka maging tigre siya sa akin.
“I didn’t know it was you, Savanah!” Napasinghal na lang ito at napa-iling sa akin. “Nevermind, it’s fine with me.”
So, kung nalaman niya pala kanina na ako ang kasama niya sa elevator hindi niya ako yayayain? Aba!
Bakit biglang naging allergic ‘tong lalaki na ito sa akin?
Sa pagkakatanda ko kasi ay patay na patay ‘to sa akin noong huli kaming magkita. Hmps!
Nang makarating kami sa destinasyon namin ay hindi ako naman akalain na pupunta kami sa isa sa mga wine cellars nila. Ito ang lugar na pinakapaborito ko maliban sa wine laboratory.
“Hold these.”
Napatingin ako sa iniabot na box sa akin ni Caleb at hinawakan na ito. Wala akong kaalam-alam na masyado pala itong mabigat kaya muntikan ko na itong maibagsak. Mabuti na lang at mahal ako ng guardian angel ko kaya hindi ko ito nabitawan.
“Good afternoon, Sir Caleb! Welcome back po!” bati sa kaniya ng isang staff nang makapasok na kami sa lugar.
Malapit lang din pala sa vineyard nila ang wine cellars at hindi ko iyon napansin noong una akong pumunta rito.
Napatango lang si Caleb sa isang staff at ipinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa makarating na kami sa tapat ng pinto ng wine cellar.
“How ungrateful…”
“What did you say?”
Grabe naman ‘tong pandinig ni Caleb!
Napangiti na lang ako sa kaniya. “W-wala po akong sinasabi.”
Inirapan niya na lang ako at napaharap na ulit sa tapat ng pinto. Hindi ko alam kung makakapasok ako rito pero kapag sinwerte, ito ang pangalawang beses ko na makakapasok sa isang wine cellar.
“Sir, I’m sorry, but that woman cannot enter the premises.”
Awtomatikong napangiwi ang bibig ko nang marinig ko iyon. “Pero Sir, may dala po kasi ako at kailangan itong dalhin sa loob,” pangangatwiran ko pa.
“Yes, do you want me to carry that inside?” tanong pa ni Caleb sa kaniya.
“N-no, Sir. Pero pwede naman po na ako na lang ang magdala niyan—”
“Let’s go, Savanah.”
Hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin niya dahil tuluyan nang pumasok si Caleb sa loob kaya napangiti na lang ako rito at sumunod nang maglakad kasama niya.
“Tanda mo pa rin pala na gustong-gusto kong pumunta sa mga wine cellars, ‘no?” nakangiti kong pahayag habang naglalakad kami sa aisle na punong-puno ng mga barrels—wine storage.
Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa tapat ng isang maliit na barrel. Kinuha na niya ang bitbit kong box at nagulat ako nang makita ang crushed grape juices doon. Mukhang ngayon pa lang ‘to ilalagay sa barrel for aging.
“You’re making your own label?” tanong ko.
Hindi niya pa rin ako pinapansin. Napatingin na lang ako sa cellphone ko dahil nag-vibrate na ito at mukhang nagreply na si Sir Tristan. Habang binabasa ko ang text niya ay may pumasok namang brilliant idea sa isip ko.
Mukhang mas mapapadali ang trabaho ko kapag palagi akong nakadikit kay Caleb. Siya na langang pakikiusapan ko tungkol sa kompanya ni papa. Oo, tama!
Ibinalik ko na ang cellphone ko sa bulsa ko sabay tapik sa kaniya. “Caleb!”
“Hmm?”
“Pahingi naman ako ng cellphone number mo,” saad ko sa kaniya. “Baka next time ay kailangan mo ulit ng assistant, pwedeng-pwede ako. Tutal hindi ka naman mahihirapan sa akin, e. Magkakilala na tayo, pagkatapos may double degree rin naman ako—”
“No! Never!”
Akala mo titigilan kita? No, never din!