8: Was That Her Girlfriend?
Nagmamasid lang ako rito sa gilid habang inililibot ni Sir Tristan si Caleb sa buong shop. Bawat bote ng wine ay tinitingnan niya at kaming apat ay nakatayo lang dito dahil baka isang hakbang namin ay paalisin na kami ni Caleb sa sakit ng mga tingin niya.
“Pearl, may nabalitaan ka ba riyan sa anak ng boss natin if nabagok or what ang kaniyang ulo?” tanong ko kay Pearl habang nakatitig pa rin kay Caleb.
“Hmm…wala naman, Sav. Ang alam ko lang ay galing siyang amerika na nag-aral ng winemaking, e.”
There’s this thought kasi na baka nakalimutan ako ni Caleb o kaya naman nagkaroon siya ng amnesia kaya hindi niya ako makilala ngayon. Napaka-cold niya na naman kasi talaga sa akin at ang kilala kong Caleb ay hinding-hindi iyon gagawin.
Tinapik naman na ako ni Pearl sa balikat. “Ayos lang iyan, Sav. Pare-pareho lang naman tayong walang pag-asa kay Sir Caleb, e.”
“Wala naman akong gusto sa kaniya, no!” usal ko pa.
“Weh?! Sa mga titig mo kanina sa kaniya, walang gusto ba iyon?”
Napabuntong-hininga na lang ako. Masyado akong confident na kapag nagkita kami ay wala na akong mararamdaman sa kaniya except na lang siguro sa pagka-miss bilang isang kaibigan. I know that I’m in love with Trev at hindi na kay Caleb, pero noong magkita kaming dalawa kanina, things were different, lumalakas ang kabog ng dibdib ko sa bawat titig niya.
“Thank you for visiting the shop despite your busy schedule, Caleb.”
Mukhang tapos na nga ang pag-tour ni Sir Tristan kay Caleb dito sa buong shop kaya naman ay alerto na kaming napatayo sa mga pwesto namin.
“It’s nothing. Dad’s orders,” tugon pa ni Caleb sabay sulyap sa akin—or sa amin. “I’m off to go, I still need to prepare a lot of things before going to the lab.”
“Sure, see you tonight,” tugon sa kaniya ni Sir Tristan.
Nang makalabas si Caleb sa shop ay gusto ko siyang puntahan. Gusto kong gamitin ang pagkakataon na ito ngayon para maka-usap siya dahil paniguradong hindi ko na siya mahahagilap sa mga susunod na araw dahil sa trabaho namin.
“S-sir Tristan, can I go out for a bit?” Nilakasan ko na ang loob ko dahil wala naman akong mapapala rito kapag hindi ko ginawa iyon.
“Sure, where are you going, Sav?”
Hesitant ako kung sasabihin ko na sa kaniya ang tungkol kay Caleb. “Uhm…I’d like to discuss something with Mr. Montague po.”
“I see…sure, go ahead!”
Dali-dali na akong lumabas ng shop at nadatnan kong papasok pa lang si Caleb sa sasakyan habang inaalalayan ng kaniyang chauffeur. “Caleb, wait!” usal ko.
This is better keysa naman hindi ko siya maka-usap at mapupuno lang ng mga tanong ang isip ko. He’s been a part of my childhood life at sobrang laki ng naitulong niya sa akin noong bata ako kaya hindi naman yata makatarungan na pagkalipas ng ilang taon ay back as strangers kaming dalawa.
“What is it?” malaming niyang pahayag habang nakatalikod pa rin sa akin.
Bahagya akong humakbang palapit na sa kaniya at nang masabi ko ang nararamdaman ko. “Hindi mo ba ako naaalala? This is Sav, Savanah, your childhood—friend. Nang makita kita kanina ay nag-flashback lahat sa akin ang mga nangyari sa atin and I couldn’t forget any of that. Hindi ko nga alam kung bakit parang hindi mo ako makilala, pero I think that’s because I matured, physically and mentally…”
“Is that all you wanna say?” anito.
“Teka lang…” Nangunot kaagad ang noo ko dahil sa asal niya. “Nabagok ba ang ulo mo when you were abroad? Nagkaroon ka ba ng amnesia kaya hindi mo ako maalala? O kaya naman hindi ka pinayagan ni Tita Louisiana na magtampisaw sa ulan—”
“Enough!” bulyaw nito sabay harap na sa akin habang galit na galit ang mga mata niya. Napasinghal siya at humakbang na rin hanggang sa magkalapit na kaming dalawa. “First of all, I didn’t hit my head and I don’t have an amnesia. Second, don’t bring up that woman’s name in front of me. And third, yes, I remember you Savanah. Satisfied with my answer now?”
“Yes…I’m fine with that,” mahinang tugon ko sa kaniya.
Bakit kaya ayaw niyang binabanggit ko ang pangalan ng kaniyang mommy? Did something happen out there?
Sumenyas na ito sa isa sa kaniyang staff at maya-maya pa ay inabutan na siya ng sunglasses. Isinuot niya na ito at muling humarap sa akin. “It’s nice to see you again, Savanah. But don’t think that we were still like the older days since everything is different right now so don’t talk to me that casual. I need to go, I don’t have a spare time to talk this long to you.”
Tinalikuran na niya ako at pumasok sa porsche and went away. Naiwan akong mag-isa rito habang pinagtatagpi-tagpi ang mga pangyayari ngayon.
“I mean, everyone’s capable of change naman, right? Pero bakit parang nasobrahan naman yata ng change ang lalaking ‘yon?” usal ko sa sarili ko habang naka-iling.
Bumalik na lang ako sa loob habang na-sstress kakaisip kay Caleb. Feeling ko talaga nabagok niya ang ulo niya dahil parang 180 degrees ang nagbago sa buong pagkatao at kaluluwa nito.
“Uy, Sav, ano na ang pinag-usapan n’yo ni Sir Caleb?” bungad na tanong sa akin ni Pearl nang makabalik kami sa loob.
Napakagat-labi na lang ako sa harapan ni Pearl sabay singhal. “Ayon, hindi naging maganda—”
“You know each other, Sav? Kayo ni Caleb?”
Napatingin naman na ako kay Sir Tristan nang magtanong na ito. Lowkey chismoso rin itong si Sir ah. “Ah, slight lang, Sir. Medyo magkakilala naman po kaming dalawa.”
“Kaya pala!” singhal nito sabay ngiti. “Ikaw siguro ang babaeng palagi niyang kini-kwento…I mean, nevermind.”
“Ano po, Sir?”
“Wala, Sav. It’s good that you know the chairman’s son,” aniya at bumalik na rin sa kaniyang pwesto sa bandang desk.
Pagkatapos ng trabaho namin ay hindi na muna ako sumama kay Pealr pauwi dahil niyaya ako ng bestfriend ko na mag-dinner sa restaurant niya dahil nanalo raw si Lesley sa isang art exhibit. Ayoko sanang maging thirdwheel sa kanilang dalawa pero kahit papaano ay masaya naman ako para kay Lesley. I know how much she loves art since we were in middle school.
“So, nagkita na kayong dalawa ng first love mo?”
Isusubo ko na sana ang steak pero napatigil naman ako sa naging tanong ni Trev. “Hindi ko siya first love, ‘no. Asa siya!”
“Sus! In denial ka pa, Sav. Eh, simula high school tayo ay siya lang naman ang bukang-bibig mo. Kapag nga may nanliligaw sa’yo, si Caleb ang ginagawa mong dahilan para hindi makalapit ang mga lalaki sa’yo,” saad pa ni Lesley.
“Ay, basta! Ayoko!”
Kaya siguro ako naiirita ngayon dahil hindi pa rin ako maka-get over sa ipinakitang asal sa akin kanina ni Caleb.
Umuwi na rin kaagad ako pagkatapos ng dinner naming tatlo. Habang naglalakad ako sa daan pauwi sa bahay ay para akong siraulo na nagtitimbang kung sino ba kay Caleb at Trevor ang gusto ko.
“Ang shunga mo, Savanah! Alam mong may girlfriend na si Trev tapos siya pa ang pipiliin mo,” asik ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa boarding house ko.
Marahan ko na lang na minasahe ang sentido ko dahil imbis na ang pagbalik ng kompanya namin ang atupagin ko, heto ako ngayon pinoproblema ang dalawang lalaki na wala namang pakealam sa akin at walang alam sa nararamdaman ko.
Ibinagsak ko kaagad ang katawan ko nang makarating ako sa kwarto ko. Parang araw-araw na lang akong pagod kahit wala naman akong ginagawa. Hindi ko akalain na magiging ganito kahirap ang buhay ko nang mawala na ang mga magulang ko.
Kinaumagahan, kasabay ko ulit si Pearl na pumasok ng trabaho pero napansin kong iba ang energy niya ngayon kaya doon na ako nagtaka. Ang mga taong kalog kasi ay madali mo lang mapapansin kapag malungkot sila, biglang mawawala ang mga ngiti at tawa sa kanilang mukha.
“Ayos ka lang ba, Pearl? Kanina pa kita napapansing tahimik,” tanong ko sa kaniya nang magkaroon ako ng pagkakataon na maka-usap siya nang maayos. Marami kasing customers kaninang umaga kaya medyo hectic ang schedule namin at wala nang oras para sa chismisan.
“Oo naman, Sav. Ayos lang ako.”
“I know that there is something wrong,” bulong ko sa kaniya. “Pero kapag handa ka nang i-share iyon sa akin, I’m always ready…”
Humarap na siya sa akin at binigyan ako ng isang pekeng ngiti. “Salamat sa pag-intindi.”
“Wala iyon, ikaw pa—”
“Sav?”
Naputol ang pagsasalita ko nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Sir Tristan kaya lumapit kaagad ako sa kaniya. “Yes, Sir! Ano po iyon?”
“Would you mind taking this to the company this afternoon?” tanong niya sabay abot sa akin ng isang makapal na portfolio. “I had to go home today for an emergency at mukhang ngayong araw lang available ang ibang staff since they’re preparing for a bigger project next week.”
“Ay, oo naman po, Sir. Ako po na po ang bahala sa mga iyan.” Tinanggap ko na iyon at masyado ngang mabigat.
Ito yata ang sales report for this quarter if hindi ako nagkakamali.
“Thank you so much! Dadating kasi si Miss Georgia and Caleb will be accommodating her for the rest of the week.”
Umigting naman ang tainga ko nang makarinig ako ng pangalan ng isang babae affiliated to Caleb. Is that woman his girlfriend or something?