7: The Cold Encounter

1720 Words
7: The Cold Encounter Panay ang pag-scroll ko sa mga social networking sites para tingnan kung mayroon bang account si Caleb. Halos mga poser account lang ang mga nakikita ko rito dahil blurred pa sa vision ko ang mga photos na ginamit. "Uy! Stalker!" Kaagad ko namang itinago ang cellphone ko nang biglang sumulpot si Pearl sa likuran ko. "Ikaw talaga, wala naman, e!" "Asus! Oh, chicharon muna tayo," aniya sabay abot sa akin ng chicharon. Naka-upo kami rito ngayon sa labas ng bahay habang nakatambay lang. Nakakawala kasi ng stress ang hangin tuwing gabi kaya napag-isipan namin ni Pearl na dito na lang muna. Ang susungit din kasi ng mga kasama niya sa loob at ang iingay kaya mas mabuti na rito sa labas, tahimik at presko ang hangin. “Hindi mo naman sinasabi sa akin, Sav. Pati pala ikaw ay may gusto rin sa anak ng boss natin.” Napatingin naman na ako kay Pearl at tuluyan nang itinago ang cellphone ko. “Hindi, ah…I just stalked him dahil may importante sana akong sasabihin sa kaniya. Bakit, crush mo ba siya?” Wala naman kasing duda kung lahat ng mga babae ay magkakagusto kay Caleb. He’s a real gentleman at nasaksikan ko iyon simula pa noong mga bata kami. Siya lang ang lalaking nirespeto ako na gusto kong maging isang winemaker paglaki. Sinuportahan niya ako without discriminating and lowering down as a girl. “Jusko, Sav, kahit sino naman magkakagusto kay Sir Caleb kahit na napaka-cold niyang lalaki,” pahayag pa ni Pearl habang kumakain ng chicharon bulaklak. Bahagya naman akong natawa. “He’s not cold. Mabait ‘yon atsaka palangiti. Mahilig din iyong makipag-usap sa mga matatanda dahil ang sabi niya ay walang sense kausap ang mga bata.” Naalala ko na naman ang mga panahong halos araw-araw siyang nagpapahatid sa driver nila papunta sa bahay namin para lang makita ako. Naglalaro kami buong maghapon at nagbabasa ng iba’t-ibang wine books. Pareho naming mahal ang paggawa ng mga wine. “Talaga? Mukhang kilalang-kilala mo na si Sir Caleb, Sav, ah! May pinagsamahan ba kayo?” Napatigil naman ako. Apat na taon kaming magkasama ni Caleb noong mga bata pa kami. Akala nga namin ay magpapakasal na kami noon dahil sa dami ng pinagsamahan namin. That’s just childish. Ang ideal na para sa aming ng relationship namin that time pero hindi manlang pumasok sa isip namin na ang babata pa naming dalawa. Lahat ng mga sinabi ng mga magulang namin tungkol sa pagsasama namin ay pawang biro lang pala. “H-hindi…nakilala ko lang si Caleb dahil magkapareho ng business ang family namin,” tugon ko kay Pearl habang nakayuko. “Ay, oo nga pala, Sav. Kung hindi mo mamasamain, bakit ka nga pala napunta sa kompanyang ‘to kung may sarili naman kayong wine company?” Pakiramdam ko naman ay ayos lang na sabihin ko kay Pearl ang dahilan. “A-ah…ibinenta kasi ng step-mother ko ang kompanya namin dito pagkatapos mamatay ng papa ko, and I want it back.” “Revelation! Wow!” anito sabay tapik sa balikat ko. “Sabi ko na, e. Hindi ka naman mag-aapply ng trabaho rito kung walang rason. Nakakaloka naman pala iyang step-mother mo, Sav!” “Sinabi mo pa…” Bumalik na rin kaming dalawa ni Pearl sa loob makalipas ang ilang minuto para makapagpahinga na rin. May trabaho pa kami bukas kaya kailangan na rin naming matulog. Habang nakahiga na ako, napapatanong ako sa kinalabasan ng buhay ko ngayon. Ang bilis ng mga pangyayari. Sino ba naman ang mag-aakala na titira ako sa ganitong klaseng lugar pagkatapos maiburol ang ama ko? Life’s is really unpredictable. “Good morning, Sir!” Natatawa na lang ako sa energetic vibe ni Pearl nang makarating kami sa kompanya. Maaga pa kaming nagising kanina para makapag-ayos and it was really life changing para sa akin dahil hindi naman ako morning person. Actually, nakikita ko nga ang sarili ko kay Pearl if I’m around mg friends, kagaya ni Trev. Masayahin ako at kalog na tao pero hindi ko lang iyon maipakita sa iba dahil natatakot ako na baka may sabihin na naman sila sa akin. “Good morning!” ani Sir Tristan sa amin. “Did you get a good sleep, Sav?” Napangiti naman ako kay Sir Tristan. “Yes, Sir. I did.” “Wow! Grabe naman si Sir, ako ang bumati pero si Sav ang tinanong kung kumusta ang tulog,” asik pa ni Pearl habang nakadilat ang mga mata kaya natawa na lang kami sa kaniya. Nilapitan siya tuloy ni Sir Trisran at tinapik na rin sa balikat. “How was your sleep then, Pearl?” “Mabuti naman ho, Sir. Hehe…” Nang magbukas na ang wine shop, nagkaroon lang ng kaunting briefing sa akin si Sir Tristan. Kinausap ko na rin si Pearl na huwag lang sabihin sa iba naming kasama ang tungkol sa pagkatao ko pati na rin sa degree ko para hindi na magkaroon ng problema. “Uy, customers are coming!” ani Shiela sa amin. Napasulyap na kaming lahat sa labas at mayroon ngang mga tao ang papasok kaya naman inihanda na namin ang mga sarili namin for their choices of wine. Masaya ako ngayon dahil I could finally use my knowledge in winemaking sa pagbebenta ng mga wine na ito although hindi ako sa mismong wine laboratory o sa vineyard nagtatrabaho. Isa-isa na naming nilapitan ang mga customers and even people with high position in the goverment is here. Maswerte na lang ako kapag hindi nila ako mamumukhaan dahil palagi kaming nagkakasama sa mga events. “Bonjour, Madam! How may I help you today?” “Hello, Miss. I’d like to choose the best wine for my son’s upcoming party. Can you help me with that?” “Sure, Madam!” “I am really sorry. I am not into wines so I don’t know how to choose for him, he really loves it!” nakangiting pahayag niya pa sa akin. Napangiti na lang ako sa kaniya at napatingin na sa mga wine racks. Hindi ko pa napag-aaralan lahat ng mga wines dito sa shop pero may mga label naman kaya alam ko kung ano ang ibibigay ko sa kaniya. “Well, men likes strength and has a lot of tannins, Madam. They usually like something bitter and zesty so I recommend the Sauvignon Cabernet since it has the properties a man would drink,” paliwanag ko sabay abot sa kaniya ng isang bottle. “Really? Do you think my son likes this wine, hija?” “Precisely, Madam. The wine has a bold, rich, and robust flavor which suits a man’s taste buds. It’s the perfect wine for them,” nakangiting tugon ko pa sa kaniya. “Alright, I’ll take three bottles of that,” ani Madam sabay hawak sa kamay ko. “Salamat, hija. I never thought that a saleslady in this wine shop would have such a brilliant knowledge about the wine…you are amazing!” Bahagya akong napatigil sa sinabi ni Madam. I wasn’t expecting that I could use my knowledge that easily sa trabaho kong it. My heart is truly happy. “That’s a plus points for you, Sav.” Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Sir Tristan. Kakaalis lang din kasi ni Madam na bumili ng wine kaya napangiti na lang ako sa kaniya. “Bakit naman po, Sir?” “What could I expect to the daughter of a vintage winemaker? You are a bomb and definitely you can change the winemaking industry.” “T-thank you po…” Hindi ko akalain na sasabihin iyon sa akin ni Sir Tristan. He speaks like Caleb. Speaking of which—naalala ko na naman si Caleb kaya humarap na ulit ako sa kaniya. “Si Sir Caleb po pala, saan po siya magtatrabaho ngayong naka-uwi na siya rito?” “He will stay on the lab but as of the moment, I think he will have a visit on each branch for documentation.” Napangiti naman ako. Kahit pala na hindi na ako pumunta sa kompanya ay mukhang may pagkakataon pa ring magkita kami rito dahil sa branch visit. It was around twelve in the afternoon nang makapag-lunch kami. Mayroong free meal ang kompanya at hindi ko akalaing first class meals pala ang kakainin namin araw-araw. “Ano’ng oras kaya dadating sila Sir Caleb?” tanong ni Carol habang nakatayo lang kami rito. “Hindi ko rin alam, e. Pero pakiramdam ko dito siya unang pupunta kasi nasa main branch tayo,” sagot sa kaniya ni Shiela. Tahimik lang ako rito pero excited na rin ako makita si Caleb. Miss ko na ang lalaking iyon at weird mang pakinggan, he’s the next person I’m really comfortable with after my father. “Nandito na si Sir!” Lahat kami ay napatingin kay Pearl nang makapasok ito sa shop. Mayroon ngang tumigil na porsche sa harap ng shop kaya napa-ayos na kaming lahat. Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto ng sasakyan at may lumabas na isang matangkad at matipunong lalaki. “Bakit parang pinagpapawisan ako, si Caleb lang naman ‘yan…” mahinang bulong ko. “Ang pogi ni Sir!” ani Carol. “Oo, beh. Grabe para siyang artista!” dagdag pa ni Shiela. Gusto ko rin sanang magsabi niyan pero baka magulat sa akin si Caleb kaya dapat behave lang ako rito. “Welcome back, Caleb!” pahayag ni Sir Tristan nang makapasok na siya sa loob. Ibang-iba na ang aura niya ngayon. Understable naman dahil lahat ng tao nagbabago, pero I really hope na siya pa rin ang lalaking nakilala ko ten years ago. “It’s good to see you again, Tristan,” malamig niyang tugon. “So, these are my team, Caleb. This is Pearl, Carol, and Shiela. They’re the local staffs,” pakilala ni Sir Tristan sa kanilang tatlo sabay harap sa akin. “And this is Savanah, she’s my assistant manager.” “H-hi, Cal—Sir Caleb…” I was expecting na ngingiti siya sa akin st sasabihing na-miss niya ako dahil ipinanganak talaga ako assuming. Pero to my surprise, tinitigan niya lang ako at makalipas ang ilang segundo ay naglakad na siya para pumunta sa mga wine racks. “Nakakaloka ha…” Mukhang hindi na nga siya ang Caleb na nakilala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD