6: The Branch Manager

1533 Words
6: The Branch Manager "Si Caleb nga..." Ang nostalgic lang ng nararamdaman ko ngayon. It's been more than ten years na hindi kami nagka-usap at hindi ko akalain na sa ganitong sitwasyon pa kami magkikita. "Sir Oreo, let's go na po, nandiyan na ang Kuya ninyo!" Kaagad namang may kumuha kay Oreo na mga security guards at ang dami nang media and paparazzi ang pumasok dito sa loob para palibutan si Caleb. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na makapagpaalam manlang sa bata kaya napa-atras na lang din ako sa dami ng tao. "Wait! I need to talk to him!" bulong ko sa sarili ko habang naghahanap ng daan para makasingit sa ma media rito. Mabuti na lang talaga dahil hindi na naging mainit sa media ang nangyari sa pamilya ko pagkatapos pumanaw ni papa. Walang masyadong stress na iisipin sa mga nagaganap. "Excuse me po! Excuse me!" Nakipagsiksikan na ako sa dami ng tao rito ngayon sa first floor. Pakiramdam ko ay may dumating na artista sa dami ng mga camera at naka-abang. Kahit pa na ilang taon na kaming hindi nagkikita ni Caleb ay kabisado ko pa rin ang buong tindig nito. He became so tall na dati naman ay mukhang magkasing height lang naman kaming dalawa. Iyon lang siguro ang nagbago sa kaniya simula noong magkahiwalay kaming dalawa. Kahit nga nararamdaman ko walang pinagbago. Iyong feelings ko kay Trev ay na-echapwera dahil sa pagkikita naming dalawa ngayon. "Caleb! Caleb!" Kumaway na ako sa kaniya para naman kahit na ang dami ng tao rito ay mapansin niya ako. Tuwang-tuwa ako nang mapatingin siya sa direksyon ko kaya mas lalo ko pang tinaasan ang pagkaway ko. Para akong tanga rito habang kumakaway sa kaniya pero ito lang talaga ang tanging paraan para matulungan ako sa problema ko at syempre...na-miss ko rin naman ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko. Teka...bakit parang hindi niya naman ako pinapansin? Nagtataka ako kasi sa akin naman siya nakatingin pero blanko lang ang ekspresyon nito sa akin. Iniisip ko na lang na baka nanibago lang siya sa mukha ko. Huling pagkikita kasi namin ay kulot pa ang buhok ko at medyo maitim pa ako. "Caleb! Caleb! Si Savanah 'to!" sigaw ko pa. Masyadong maingay ang paligid kaya duda tuloy ako kung narinig niya. Patuloy pa rin siyang nakatitig sa akin ngunit wala pa rin itong reaksyon. Huwag niya namang sabihin na hindi niya ako naaalala. "Miss?" Marahan kong kinalabit ang katabi kong babae na mukhang staff din dito sa kompanya. "Pwede ba akong magtanong?" "Ano po iyon?" Marahan ko nang itinuro ang kinaroroonan ni Caleb sa gitna. "Uh, kilala n'yo po ba siya?" tanong ko, just to make sure na tama nga ang taong kinikilala ko ngayon. "Si Sir Caleb Montague po, anak ng may-ari nitong kompanya na kaka-uwi lang galing America," tugon pa niya. Tama nga! Si Caleb nga iyan. "A-ah...gano'n po ba. Salamat!" Napakamot na lang ako nang wala sa oras ng ulo ko dahil nakapagtataka ang kilos ni Caleb. Parang sa mga tingin niya kanina ay hindi niya ako kilala. Nag-promise naman iyon sa akin noong mga bata pa kami na magpapakasal kaming dalawa kapag nagkita na ulit kami. Tapos ngayon, deadma na lang ako? "Aba! Hindi naman makatarungan—" Naputol na ang pagrereklamo ko rito dahil tumunog ang cellphone ko. I wonder kung sino ang tumatawag sa akin maliban kay Trevor at minsan ang girlfriend niyang si Lesley. Napalitan naman ng mga ngiti ang mukha ko nang makita ko na tumatawag sa akin si Pearl. "Hello, Pearl?" "Congrats, Sav! Grabe! Sabi ko sa'yo, e, mabilis ka lang makakapasok sa trabaho." "Thank you, Pearl! Hindi ako matatanggap dito kung hindi dahil sa'yo. I'm so thankful!" "Wala iyon, Sav. Siya nga pala, tinawagan ako ng department head sa HR, pwede ka na raw pumunta rito sa branch at kumuha ng uniform dahil pwede ka na magsimula ngayong araw." Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Pearl. "Talaga? Ngayon na? Sige, pupunta agad ako diyan. Thank you!" Ibinaba ko na ang tawag at muling napalingon kay Caleb na pinalilibutan pa rin ng mga reporters sa ngayon. "Babalikan na lang kita bukas..." sambit ko sa sarili ko at tuluyan nang lumabas sa kompanya. Pagkatapos maibigay sa akin ni Pearl ang address ng main branch ng wine shop ay sumakay na rin kaagad ako ng jeep para makapunta roon. Hindi naman malayo ang building mula rito kaya tricycle lang ang sinakyan ko. "Salamat po, Manong!" Nagbayad na ako ng sampung pisong pamasahe at lumabas na rin sa tricycle. Maluha-luha akong tinitingnan ang magarbong wine shop na nasa harapan ko ngayon. Dati kasi ay bumibisita lang ako sa isa sa mga wine shop namin kagaya rin nito habang kasama ko si papa. Although hindi ako ganoon kahilig sa shop dahil gusto kong nasa vineyard ako palagi, malaki pa rin ang impact nito sa akin. "Sav!" Napasulyap ako sa boses na tumatawag sa akin at nakita ko namang kumakaway sa akin si Pearl habang nakatayo sa labas ng shop. "Pearl!" Naglakad na ako palapit sa kaniya habang nakangiti. "Finally, may work na rin ako!" "Oh my! I'm so happy for you, Sav!" "Thank you..." Thanking her wouldn't be actually enough. Tinulungan ako ni Pearl at buong buhay ko iyong pasasalamat sa kaniya. Marahan na niya akong tinapik na balikat. "Tara na sa loob. Excited na akong ipakilala ka sa mga kasamahan ko pati na rin sa manager natin." Pumasok na kaming dalawa ni Pearl sa loob ng wine shop. Nang makarating kami sa loob ay mayroong dalawa pang staff na may katulad sa uniform ni Pearl ang nakatayo sa bandang aisle ng shop. Inikot ko na ang paningin ko sa buong paligid. The whole place is sophisticated. Modern ang style ng shop habang nakahilera ang mga wine sa isang glass wine rack. “Sav, this is Shiela and Robert. Kasama ko silang saleslady rito,” pakilala ni Pearl sa dalawang kasama nila. Kumaway na ako sa dalawa sabay ngiti. “Hello po! I’m Savanah and it’s nice to meet you.” “Ay oo nga pala, Sav. Kukunin ko lang ang uniform mo sa loob at ipapaalam ko na rin sa manager natin na nandito ka na,” ani Pearl at kaagad na rin naglakad. Nakipag-usap muna ako kayla Sheila at Robert ng ilang minuto habang ipinapakita nila sa akin ang buong lugar. Mangiyak-ngiyak ako dahil kapag nakakakita ako ng red wine ay kaagad kong naalala si papa. Mga panahong sumasama ako sa wine cellars habang tinuturuan niya ako sa paggawa nito. “Ito na nga pala ang uniform mo, Sav!” Napalingon na ako nang lumabas na si Pearl galing sa isang room. May dala-dala siyang uniform pero nagtaka naman ako kung bakit iba ito keysa sa kanilang tatlo. “Iyan ba talaga ang uniform ko, Pearl?” “Ayon nga, Sav…sinabihan kasi ako ng manager natin na—” “It’s because you are the assistant manager of this branch, Miss Armani.” Napatingin ako sa lalaking lumabas galing sa room at nagulat ako nang makita si Tristan. Siya ang lalaking unang naka-usap ko noong pumunta ako sa bagong bukas na vineyard ng kompanya sa Quezon. Hindi ko naman akalain na makikita ko pala siya ngayon dito. “Tristan…” “S-siya nga pala ang manager ng main branch, Sav. Si Sir Tristan. Kilala mo pala siya?” ani Pearl. Bahagya na lang akong napatango kay Pearl habang nakatingin pa rin kay Tristan. “Uh…o-oo, e. Nagkakilala na kaming dalawa.” “Look, Sav, I’m really sorry about Bryan,” anito sabay lapit na sa akin. “He told me everything and I was really pissed.” “Hayaan mo na ‘yon, Tris. Wala naman na iyon sa akin, e.” Siya pala ang magiging manager ko. Mukhang magkabaligtad nga ang ugali ni Tristan at ni Bryan. Alam ko naman kasing walang kinalaman si Tristan sa ginawa sa akin ni Bryan. Maswerte na lang ako na hindi na si Bryan ang naging manager ko. “Hindi ako makapaniwala na magkakilala na pala kayong dalawa ni Sir Tristan, Sav.” Napatingin ako kay Pearl habang naglalakad kaming dalawa pauwi ngayon. “Nagkataon lang talaga na nagkita kaming dalawa, e. Kahit ako nagulat din.” “Is that Savanah?” Huminto kaming dalawa ni Pearl sa paglalakad nang may dalawang babaeng tumigil sa harapan namin. It was Erika and Carol. They were my middle school classmates na wala nang ginawa kung hindi ang manglait ng ibang tao. “Sino sila, Sav?” pagtatakang tanong ni Pearl. Napa-iling na lang ako ay nagpatuloy na sa paglalakad. “Uh, wala. Tara na, huwag na lang natin silang pansinin.” “Ano ang ginagawa ng isang Savanah Armani sa lugar na ito? This is like a dump site!” dinig kong sabi ni Erika. Napasinghal naman si Carol. “Well, girl, haven’t you heard na pinalayas na siya sa kanila? She’s definitely a loser now!” “Aba, ang kakapal ng mukha nitong mga—” “Huwag mo na lang silang pansinin, Pearl. Hayaan mo na kung ano ang gusto nilang sabihin,” pagpigil ko pa kay Pearl. Totoo naman kasi. I’m a loser now at wala na akong magagawa roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD