5: Accepted and Reunited

1568 Words
5: Accepted and Reunited "Ginabi ka na yata ngayon, ineng." Napatingala naman ako kay Ate Marj na nag-aayos ng tindahan niya. “May appointment lang kanina, Ate,” nakangiting tugon ko. Tinulungan ko na muna si Ate Marj sa ginagawa niya hanggang sa makaakyat na rin kami. Nang makarating ako sa taas ay mayroong mga nagkukumpulang babae sa gitna ng mesa. Mukhang ngayon pa lang sila kakain. “Savanah, kain tayo!” Napatingin ako sa short-haird girl na babae na tumawag sa akin. “Thank you po, tapos na kasi ako. Ipagpatuloy n’yo na lang ang pagkain,” nakangiting tugon ko sa kaniya. “Gano’n ba—” “Hoy, Pearl, kumusta naman ang trabaho mo sa wine shop? Hindi ba’t gwapo raw ang anak ng boss n’yo?” “Oo, girl. Dadating nga sa susunod na araw at mukhang may magaganap na wine bazaar sa Chateau La Vielle na main building.” Napatigil naman ako sa paglalakad nang marinig ko ang kompanyang iyon. Lumingon kaagad ako kay Pearl at lumapit sa kaniya. “Nagtatrabaho ka sa Chateau La Vielle?” “Ay oo, isa ako sa staff ng main branch ng Chateau La Vielle.” “Uh, pwede ba tayong mag-uusap mamaya pagkatapos mong kumain?” tanong ko pa. Pakiramdam ko ay nabuhayan na naman ako ng pag-asa ngayon. Magpapatulong na lang ako kay Pearl na makapasok sa trabaho dahil mayroon naman akong degree in winemaking. Napangiti naman siya sa akin sabay tango. “Sure, Sav.” Pumasok na lang muna ako sa kwarto ko para makaligo at makapag-shower. Dalawang araw na akong gumagamit ng kabo at balde lang ang ginagamit sa pagliligo at hindi naman na ako nanibago dahil noong buhay pa ang mga magulang ni mama ay ganoon kami maligo sa kanilang lugar. Tumigil kaming dalawa ni Pearl sa labas ng bahay para tumambay muna at makapag-usap. Mabuti na lang talaga dahil hindi naman siya mahirap pakiusapan at pumayag naman siya sa sinabi ko. “Bago ka nga lang pala rito, Sav, ano? I’m Pearl Florencio.” “Nice to meet you,” nakangiting kong tugon sa kaniya at inilahad na rin ang kaliwang kamay ko para makipagkamay. “I’m Savanah Armani.” Nanlaki naman ang mga mata nito. “Savanah Armani? Kaano-ano mo si Alejandro Armani? The late CEO of Sauvignon Loire.” “He’s…my father.” Mukhang alam na nga ng ibang tao ang tungkol sa nangyari kay papa. Hindi ko lang alam kung may alam ba sila tungkol sa kompanya namin. “Kaya nga ako nakipag-usap sa’yo tungkol diyan.” “Oh my! You’re the daughter of a CEO? Pero teka lang, bakit ka nandito sa lumang apartment na ito?” “Well…things happened.” Humarap na ako kay Pearl. “Uh, gusto ko sana magpatulong sa’yo kung paano ako makakapasok sa pinagtatrabahuhan mo sa wine shop.” Kapag kasi nakapagtrabaho na ako sa kanila, unti-unti na ako mapapalapit sa goal ko. Ayoko mang maging winemaker pero kahit tagabenta na lang muna ng wine ng ibang tao gagawin ko. Ayos na muna iyon sa akin hanggang sa kunin na ako ni Lord. Joke lang! Hanggang siguro sa mayroong isang taong pareho kay papa ang mag-udyok ulit sa akin. “Tamang-tama, Sav!” ani Pearl sabay tayo at humarap sa akin. “Mayroong na-promote sa main branch kaya mayroong isang slot na puwede mong pasukan. Hmm…sa estado mo sigurado naman akong may degree ka—” “I have two degrees. Viticulture and oenology,” nakangiting pahayag ko pa. “Wow! Puwede ka na pa lang pumasok bilang manager sa kompanya niyan, Sav. Bakit ka naman magtitiis sa kagaya ng posisyon ko?” Napangiti naman na ako kay Pearl. “May kailangan lang akong ayusin kaya ko kailangan ang posisyon. So, can you help me with that?” “Oo naman! Sino ba naman ang hindi tutulong sa anak ng isang CEO?” natatawang pahayag pa niya sa akin. “Char! Hindi ganoon ‘yon, Sav. Bale ihanda mo na lang ang resume mo at bionote pati na rin ang ibang portfolio para handa na tayo bukas.” “Talaga? Thank you, ah! Bukas na bukas ay magpapa-print ako ng mga kailangan ko,” nakangiting sambit ko kay Pearl. Hindi ako makapaniwala na wala nang second thoughts ang pagtulong niya sa akin. “Sige, sumama ka na lang bukas at same day interview lang naman.” Tumayo na rin kaming dalawa at kaagad nang bumalik sa mga kwarto namin. Kahit papaano, nagkaroon na ako ng hope para sa kompanya ng papa ko. Sana hindi masarap ang ulam nila Tita Carmela sa ginawa nila sa property ng pamilya ko. Kinaumagahan, maaga pa akong nagising dahil kailangan ko pang ayusin ang mga papeles ko. Mabuti na lang talaga at may hawak pa lahat ako ng mga portfolio ko kaya naman hindi na ako mahihirapan sa pag-compile. Nakakahiya nga dahil nagpasama pa ako kay Pearl kahit na may trabaho siya pero nagpapasalamat pa rin ako sa kaniya. “Malapit na tayo, Sav. Mabuti na lang dahil maaga tayong umalis ngayon.” Napangiti naman ako kay Pearl habang tinitingnan ang credentials ko. “Salamat talaga sa’yo, Pearl. Sana naman ay matanggap kaagad ako.” Kailangan ko na rin kasi ng pera para sa sarili ko dahil halos wala na nga akong pangbili ng pagkain. “Oo naman, ikaw pa ba? Tara na, nandito na tayo.” Tumigil na ulit kaming dalawa ni Pearl sa kompanya ng Chateau La Vielle kung saan ako pinahiya ni Bryan noong isang araw. Sana naman ay hindi ko na makita ang lalaking iyon at nang-iinit ang dugo ko sa kaniya. “Saang floor ba ako magpapasa ng requirements ko, Pearl?” “Nasa first floor lang, Sav. Nandiyan lang ang human resource department nila, e.” Napahinga na lang ako nang malalim sa sinabi niya at hindi ko na kailangang gumamit ng elevator. “Mabuti naman. Nako, salamat sa pagsama, Pearl. Inabala pa kita at alam ko namang may trabaho ka pa.” “Wala iyon, Sav. Anong oras naman bumubukas ang shop kaya ayos lang. Basta good luck sa’yo, ha? Text mo na lang ako mamaya kung ano ang resulta.” “Sige, sige!” Pumasok na ako sa loob at hinanap ang HR department. Mabuti na lang dahil may tumanggap kaagad sa akin doon para matingnan ang credentials ko pati na rin ang pag-interview. “Why is the daughter of Mr. Alejandro Armani is here?” “Well…I just need some work, Ma’am,” deritsong tugon ko. Patuloy pa rin niyang tinitingnan ang aking portfolio at maya-maya pa ay napatingin na rin siya sa akin. “I didn’t know why you have chosen the lowest job position in the company. You can actually become a supervisor with these credentials.” “Uh…I’m fine with the position that I applied, Ma’am. That’s all.” Ang totoong rason kasi ay ayoko lang na makasama ang ilang mga lalaking nasa mataas na posisyon dahil paniguradong kawawa lang ako sa diskriminasyon nila. I’m used to seeing sexiest men sa industriya ng winemaking at ayoko na silang idagdag pa sa sakit ng ulo…maliban na lang siguro sa isang lalaki. Maliban kay papa ay isa rin siya sa taong naniwala sa akin. Too bad umalis ang pamilya niya papuntang amerika noong nasa middle school na kami. “Congratulations, Miss Armani! You are now part of the Chateau La Vielle main branch staff.” Abot langit naman ang ngiti ko nang sinabi iyon ni Miss Santa Ana, the HR manager. Hindi ko alam na ganito lang ka-bilis ako makakatanggap ng trabaho ngayon. “Talaga, Ma’am? Thank you so much! I will do my best for my job.” “You are welcome, Miss Armani! You can now go to the branch and then someone will give you the uniform as well as the things you need to start from working.” “Maraming salamat po talaga!” Nakangiti ako nang lumabas na sa office ng human resources. I didn’t really expect na magiging madali lang ang pag-apply ko ng trabaho. Kinuha ko na ang cellphone para mag-text kay Pearl dahil excited na akong malaman niyang may trabaho na ako. “Nako, thank you, Lord! May work na po ako kaya hindi na itlog at kanin ang kakainin ko—” “Ah! Kuya is so mean! I don’t like him!” Nagulat na lang ako nang mayroong bata na naman ang napayakap sa binti ko. Kaagad kong inayos ang suot kong skirt dahil medyo maikli pa naman ang suot ko ngayon. “Hello, baby! Who’s with you? Why are you—Oreo?!” Ang batang napayakap din sa akin noong araw ay siya pa rin pala ngayon kaya napangiti ako at napaluhod na ulit. “Why are you crying,” “Kuya is so bad! He doesn’t want me to play and I don’t like him!” anito. “Well, maybe you’re Kuya might be busy with his work. Who is your Kuya ba?” tanong ko pa sa bata. “Kuya is—that’s Kuya!” sigaw niya sabay turo sa likuran ko. Napangiti naman na ako sa kaniya at dahan-dahan na lumingon. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o ano. Ang lalaking naglalakad kasi sa harapan ko ngayon ay ang taong hinding-hindi ko makakalimutan. He was my first love at maliban kay papa, sa kaniya lang ako nagtiwala bilang lalaki. “Caleb?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD