4: Unsaid Feelings
Matamlay akong umuwi sa tinutuluyan kong apartment pasado alas-kwatro ng hapon. Panay ang tawag sa akin ni Trev at ng girlfriend niyang si Lesley pero hindi ko na muna sila pinansin. Wala akong ganang makipag-usap ngayon sa kahit na kanino.
“Savanah, ineng, nandito ka na pala!”
Ngayon lang ako napatingala nang marinig ko ang boses ni Ate Marj. “Hello po, Ate. Nakakapagod ang araw na ito.”
“Oo nga naman at ang init pa. Ano ba ang ginawa mo?” tanong pa niya.
“May pinuntahan lang po. Sige, pasok na po ako, Ate,” usal ko pa sa kaniya.
Tumungo na ako sa kwarto ko at wala sa sariling ibinagsak ang aking katawan sa kama. Nakakapagod ang mga nangyari kanina, idagdag mo pa ‘yung Bryan na iyon na pinagtripan lang pala ako. Sa sobrang paghahangad ko na may maka-usap doon sa kompanya ay parang ipinahamak ko na lang din ang sarili ko.
“Balik na lang kaya ako kay Tita Carmela at humingi ng tawad…” bulong ko sa sarili ko at kalaunan ay napa-iling na lang ako. “Hindi puwede! Ayoko!” Napahinga na lang ako nang malalim sa mga iniisip ko at napapikit.
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na dumadampi sa pisngi ko. Hindi ko na naman namalayan na nakatulog pala ako kagabi at hindi manlang ako nakakain ng hapunan kaya humihilab na ang tiyan ko ngayon.
Inikot ko ang ulo ko habang nakahawak sa aking batok. “Ang hirap naman ng buhay ko na ‘to,” usal ko sabay tingin sa taas. “Pa, ma, kunin n’yo na lang kaya ako para happy family tayo riyan sa heaven? Hays! Joke lang po, hindi pa po ako pwedeng mamatay hangga’t hindi ko nababawi ang kompanya ni papa…at hanggang hindi pa ako nagiging isang ganap na winemaker.”
Inayos ko na muna ang higaan ko bago maligo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayong araw pero kailangan ko lang talagang kumain.
“Lalala…hmm…”
Napatigil ako sa pagkuha ng mga damit ko sa cabinet at napasulyap sa cellphone ko dahil tumunog na naman ito. Tumatawag na naman sa akin si Trevor. “Ano na naman kaya ang kailangan nitong lalaking ‘to sa akin?”
“Oh, hello?”
“Where the hell are you, Savanah?”
“Eh, nasa bahay nga ako. Kahapon ka pa where are you nang where are you sa akin,” usal ko pa sa kaniya. “Ikaw ba, nasaan ka?”
“Nasa bahay n’yo ako and Tita Carmela told me na lumayas ka after mong awayin si Ate Lisana.”
Napataas naman ang kilay ko nang marinig ko ang sinabi ni Trev. “Oh, talaga? Sorry ah, ipinanganak kasi talaga akong maldita.”
“Just…just tell me where are you right now. I’ll pick you up.”
“Huwag na! Okay naman na ako rito at baka may lakad pa kayong dalawa ni Lesley.”
Simula kasi noong naging silang dalawa ng isa pa naming kaibigan ay lumayo na ako kay Trev. I admit, Trev is the most amazing person I’ve met during college days at doon ako nagkagusto sa kaniya. Hindi ko inaasahang mangyayari iyon pero I fell in love with him nang hindi ko namamalayan. Pagkatapos ngayon, gusto kong lumayo dahil nasasaktan ako kapag nakikita siyang kasama si Lesley although masaya naman ako para sa kanilang dalawa.
“Lesley is out of town, Sav. You know that my girlfriend is always busy and I totally understand that. Dali na, I’ll treat you for a meal.”
Umigting naman ang tainga ko sa sinabi niya. Sa mga pagkakataon ngayon, hindi ko talaga tatanggihan ang grasya at sobrang gutom na gutom na ako. “Fine, sige. Magkita na lang tayo sa restaurant mo at gutom na ako.”
“Sige, wait kita.”
Ibinaba ko na ang tawag at kaagad na ring nag-ayos para makaalis. Limang minuto lang ang byahe mula rito sa tinutuluyan ko papunta sa restaurant ni Trev kaya hindi ako ganoon nahirapan. Sumakay na lang ako sa jeep dahil nagtitipid ako. Nang makarating ako ro’n, nakita ko na siyang kumaway sa akin kaya lumapit na ako.
“Hi!” casual kong bati sa kaniya. Nagulat ako nang bigla niyang ginulo ang buhok ko kaya kaagad ko namang itong inalis. “Parang sira naman ‘to, oh!”
“Na-miss lang kita. Ang tagal mo rin kayang hindi nagpakita sa amin ni Les, she misses you too,” nakangiting pahayag pa niya.
“Alam mo namang busy ako, ‘di ba..”
“So, shall we eat? Sabi mo gutom ka na.”
Kaagad na akong napatango sabay hawak sa tiyan ko. “Oo nga, tara na. Wala pa akong almusal.”
Pakiramdam ko ay isang taon akong hindi nakakain dahil sa sobrang gutom. Ang daming inilatag na pagkain ni Trev sa table namin pero pakiramdam ko ay mauubos ko pa ‘to lahat. He loves cooking simula pa noong bata siya kaya after graduating from college, nagtayo kaagad siya ng kaniyang sariling restaurant.
“Dahan-dahan lang, no one’s gonna eat that except you.”
Bahagya muna akong napatigil sa pagkain at tumingala sa kaniya. “Sorry, Trev. Gutom na gutom lang talaga ako.”
“Ano ba kasi ang nangyari? Why all of the sudden umalis ka na lang sa inyo?”
“Naniniwala ka talaga na ginawa ko iyon?” tanong ko pa sa kaniya.
Bahagya siyang napasinghal at maya-maya pa ay umiling na rin ito. “Of course not. I believe that you didn’t do anything wrong dahil alam kong takot ka sa step-mother mo,” natatawang pahayag pa niya.
“Grabe! Ang sama mo naman sa’kin!”
“I’m just kidding,” pagbawi pa nito. “So, what’s your plan right now? Are you really sure of moving out?”
Kung alam lang nito na hindi naman talaga ako naglayas. Pinalayas lang ako kaya wala akong ibang choice kung hindi ang maghanap ng sarili kong matutulugan. “Uh, ayon…babawiin ko ang ibinenta nilang kompanya ni papa. Ang kakapal nga ng mga mukha nila, e!”
“Sige nga, sabihin mo nga ‘yan sa harapan ng step-mom mo.”
“Nang-aasar ka talaga, ‘no?”
Natawa na lang si Trev sa asal ko. Halos kalahating oras bago ko makatapos sa pagkain. Busog na ako kaya may energy na ulit akong makipag-usap sa kaniya. Tumigil na rin ako rito habang may ginagawa siya kaya inabot na rin ako ng ilang oras, pati lunch ko dito na rin ako kumain. “Trev,” tawag ko.”
“Hmm?”
“Pwede ba akong mag-apply rito sa restaurant mo? Kahit waitress lang o kaya naman dishwasher okay na sa akin,” nakangiting saad ko.
Nagtaka naman ako kung bakit siya umiling. “Akala ko ba babawiin mo ang kompanya ng papa mo?”
“Oo nga, pero syempre bago iyon kailangan ko muna ng pera para sa pang-araw-araw—”
“Then find a work related to winemaking, or magtrabaho ka sa mismong kompanya na bumili ng property ninyo. That’s easy,” pagputol pa niya sa akin.
Napayuko naman na ako sabay iling. “Ayoko…hindi ko alam kung kaya ko pang magtrabaho pagkatapos ng mga sinasabi nila sa akin.”
“But your father didn’t give up on telling you na kaya mo.”
“Ayon nga, wala na si papa kaya wala na rin akong dahilan para ipagpatuloy pa ang winemaking. Gusto ko lang talagang mabawi ang kompanya ni papa.”
Napatigil naman siya sa paghiwa ng onion leaves sabay harap sa akin. “Alam mo minsan, hindi ko alam kung paano ka nagkaroon ng latin honors sa Oxford. How are you gonna get the company back without working there?”
“Well…”
Feeling ko sa sobrang dami ng iniisip ko naghalo-halo na lahat ng mga impormasyon sa utak ko. Akala ko kasi negotiation lang ang kailangan sinxe tunay naman akong anak. Pero ang problema kasi pumirma na ako mismo at ang tanga ko sa part na iyon.
“Fine, sige! Babalik ako ro’n—”
“Sir Trev, nandito na po si Ma’am Lesley!”
Napalingon kaming dalawa ni Trev nang magsalita ang isa sa mga chef niya. Kaagad na niyang inalis ang kaniyang apron habang nakangiti. Hindi ko namalayan na inabot na pala ako ng hapon dito sa restaurant niya, pakiramdam ko napakabilis ng oras.
“Let’s go! For sure matutuwa si Les kapag nalaman niyang nandito ka,” anito.
Napangiti na lang ako bilang tugon at lumabas na kaming dalawa. Napangiti ako nang niyakap na ni Trev si Les habang nasa harapan ko. I can’t deny the fact na perfect match talaga silang dalawa.
“Savanah, you are finally here!” aniya sabay beso na rin sa akin. “Kahapon pang hindi mapakali si Trev dahil sa’yo.”
“Uh, okay lang ako, Les. Uhm, sige aalis na ako, may kailangan pa akong puntahan, e. Mag-enjoy lang kayo, ha?”
“Aalis ka na kaagad?”
Napatango naman na ako sa kanila. “Oo, e. Maghahanap pa ako ng paraan para sa problema ko. Sige, babush!”
I can’t spend another minute with them at baka mas lumala lang ang lungkot na nararamdaman ko. This isn’t about them anymore, sa sarili ko na lang ‘to although gustong-gusto ko sila para sa isa’t-isa.