3: Harsh Reality in Winemaking
“Para po, Manong!”
Bumaba na ako ng jeep at naglakad papasok sa lugar kung nasaan ang vineyard nitong Chateau La Vielle. Medyo may kalayuan lang sa mismong highway pero tolerable naman ang init ngayon kahit na tanghaling tapat.
“Nakakagutom naman ‘to…” Panay ang hawak ko sa tiyan ko habang naglalakad. Ayoko munang kumain dahil nagtitipid ako ng pera ko at balak ko sana na two meals a day lang.
Tumigil na ako nang makarating sa tapat ng isang mataas na gate habang may dalawang guwardiya sa magkabilang haligi. Nilapitan ko na ang isa sa kanila sabay ngiti. “Hello po, Kuya!”
“Yes po, Ma’am? Ano ho ang kailangan ninyo?”
“Uh, may pwede po ba akong makausap sa loob? May itatanong lang po sana ako, e.” Nag-eexpect talaga akong makapasok ako rito kahit na mukhang impossible.
Napatingin naman na si Kuya sa kasama niya habang nakakamot sa ulo nito. “Hindi ko po kasi kayo pwedeng papasukin, Ma’am, e. Para lang kasi ito sa mga nagtatrabaho at taga kompanya kaya wala po akong—”
“What is that, guard?”
Napalingon na ako nang may nagsalita sa bandang likuran namin. Tumambad sa akin ang lalaking matangkad at singkit ang mga mata. “Uh, hello po!” Lumapit na ako sa kaniya pagkatapos kong makita ang logo ng Chateau La Vielle sa kaniyang identification card.
“Yes, Miss? How may I help you?”
“Uh…” Paano ko ba ‘to sasabihin sa kaniya nang maayos? “Kasi po, just yesterday, our company was sold in Chateau La Vielle and I’d like to talk to the owner if maybe I could negotiate,” paliwanag ko pa sa kaniya.
Sounds crazy, yes…pero malay natin makapag-negotiate nga ako.
Marahang nangunot ang noo niya. “Wait…you said that you sold your company yesterday yet you’re taking it back today? Did I hear it right? Anyway, my name is Tristan.”
“I’m Savanah po,” tugon ko pa sa kaniya sabay ngiting. “Yes po, pero hindi po kasi ako nag nagbenta. Someone did it,” dagdag ko, trying to elaborate the situation.
“Yo! Yo! Yo!”
Mayroong isang lalaki ang tumambad pa sa harapan namin ngayon. He’s a bit shorter and skinnier than Tristan at mukhang western ang mukhang nito unlike Tristan who looks like japanese.
“Bryan, nandito ka na rin pala,” ani Tristan sabay high-five sa kaniya.
“Yo, Tris! Who’s this girl with you?”
Napangiti na lang ako sa kaniya. He seemed happy while Tristan is giving a neutral vibe.
“This is Savanah, she was just asking about the company,” tugon pa niya sabay harap na rin sa akin. “So, what are you planning right now, Miss?”
“Uh, if I could talk to someone sana and make some amendments. Hindi ko rin kasi alam na ibinenta na ang kompanya ng father ko and I’d like to negotiate with the person correlated to the agreement,” paliwanag ko pa sa kaniya.
“Come with me, Miss!” usal pa ni Bryan kaya napatingin na ako sa kaniya. “I’m going to the company right now, don’t worry, this is a free ride and you’re safe with me.”
Nagpapalit-palit na ang tingin ko sa dalawa pero maya-maya pa ay lumapit na rin ako kay Bryan habang nakangiti sa kaniya. “Can you help me out?”
“Sure, hop in!” nakangiting tugon niya sa akin sabay fist bump na kay Tristan. “See you thing evening, bro. I can’t wait to see Orion.”
“Just don’t makea mess, Bryan. I’m telling you,” paalala pa sa kaniya ni Tristan kaya kumaway na rin ako.
I was somehow surprised about the guy na sinabi ni Bryan dahil may kilala rin akong Orion. Hindi ko na lang ito pinansin dahil sobrang tagal na ng mga panahon na iyon na nagkasama kaming dalawa at hindi na rin ako umaasa pang magkikita kami.
“So, do you like winemaking, ah?”
Napasulyap ako kay Bryan habang nasa byahe kaming dalawa. I nodded at him. “Uh, yeah. I really love winemaking since I was a kid dahil na rin siguro sa influence ng papa ko sa akin.”
“Oh…”
Nagulat ako nang bigla siyang tumawa. “Is there anything wrong?”
“Nothing. Nothing. I just find it funny.”
“I see…” Hindi na lang ako nagsalita pa dahil as importante pa rin ang pakay ko rito ngayon keysa sa kaniyang reaksyon sa ngayon.
Makalipas pa ang halos sampung minuto ay tumigil na kami sa harap ng isang napakataas na modern building. Bumaba na kaming dalawa ni Bryan and his car was then transferred to a chauffeur. Mukhang mataas din ang posisyon niya rito sa kompanya dahil doon.
“This way, Miss.”
Siya na ang naging guide ko nang makapasok kami sa loob. He was greeted by everyone bago kami makapasok sa elevator. “Thank you talaga, Bryan, ah? Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan sa tulong na ginagawa mo para sa akin ngayon.”
“It’s nothing, Miss Savanah. Don’t worry about it!” nakangiti niyang tugon.
Kahit na ang creepy ng mga ngiti niya sa akin ay hindi ko na pinansin. We’re inside the company at alam ko na safe ako. Nang makalabas kaming dalawa sa elevator ay umabot na kami sa 48th floor. Dito siguro ang office ng sino mang responsible about buying our companya kaya sumunod na ako sa kaniya.
“Just enter that door,” aniya sabay turo sa akin ng double door na nara unahan lang namin.
“Uh…okay lang ba? Kailangan ko lang kumatok?”
Itinaas niya ang kaniyang magkabilang kamay sabay iling. “No, don’t. The owner doesn’t like knocking, just go ahead and open it. He prefers that.”
Medyo naguluhan ako kay Bryan pero dahil mas marami siyang alam ay sinunod ko na lang. Dahan-dahan na akong naglakad palapit sa pinto at marahang pinihit ang door knob. Nang mabuksan ko na ang pinto ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ang ilang mga respetadong tao na nagkaupo sa leather couch. Napatigil sila nang makita ako kaya nanigas na lang ako sa kinauupuan ko.
“Who the hell is that?” asik ng isang lalaki.
“S-sorry for the trouble, Sir. I’ll just make her leave,” pahayag pa ng isang sekretarya at tumayo na.
“Make sure she doesn’t get back here, Natalia!” sigaw pa ng isa.
“Y-yes, Sir…”
Nanginginig ang kamay ko at binitawan na ang door knob. Humakbang na ako palabas at nang mapasulyap ako sa kaninang pwesto ni Bryan pero wala na siya roon. Humarap na lang ako sa babae sabay yuko. “Pasensiya na talaga, Miss. Hindi ko sinasadya at sinabihan lang—hindi ko po alam kung bakit hindi ako kumatok.”
There is no point kapag sinabi kong inutusan lang ako na huwag nang kumatok at pumasok na lang.
Inirapan naman na ako ng babae. “Hindi ko alam kung ano ang pakay mo rito pero umalis ka na lang bago pa ako magpatawag ng guard.”
“Pero—”
“Guard! Guard!”
“M-miss, m-miss, aalis na po ako,” kaagad kong sabi sa kaniya. “Pasensiya na po talaga…”
Tumalikod na lang ako at walang-ganang naglakad pabalik sa elevator. Doon na bumuhos ang mga luha ko na sa sobrang paghangad kong maibalik ang kompanya nami nay nagpa-uto ako sa ibang tao. I even didn’t see that coming.
Nang makarating na ulit ako sa ground floor ay nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakatayo roon si Bryan habang nakangisi sa akin. Kaagad ko nang pinunasan ang mga mata ko at huwag na sana siyang pansinin dahil ayoko na ng gulo.
“Did you really think that you could get your father’s company back, Miss Savanah?”
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi nito sa akin. “Bakit? Isa ka rin ba sa magsasabing hindi ako—”
“You are never capable and will never be capable of becoming a winemaker, woman. Just accept the fact at maghanap ka na lang ng ibang trabaho,” anito at walang-pasabing naglakad na palayo.
Ayokong magpa-apekto sa kanino mang kapag sinasabi nila iyon sa akin dahil buong buhay ko ay lahat sila iyon ang mga sinasabi maliban kay papa. Nagkataon lang talaga sigurong wala na rin ang nag-iisang taong naniniwala sa kakayahan ko kaya tuloy-tuloy ang mga luhang lumalabas sa mga mata ko.
“Ah! Mommy! Mommy!”
Napasulyap ako sa batang tumatakbo papunta sa direksyon ko. Akma na sana akong iiwas pero nagulat na lang ako nang bigla itong napayakap sa binti ko. “Mommy!”
“Oreo! Oreo! She’s not your mommy. Come back here and and we’ll play.” Pilit siyang binubuklas ng kaniyang yaya sa binti ko kaya nakisali na rin ako.
“Uh…Madam, I think he’s throwing tantrums, sandali lang po.” Pinatigil ko na siya at dahan-dahan na lumuhod para maka-usap ko ang batang lalaki.
Nagulat na lang ako nang niyakap niya ako nang mahigpit habang panay ang hagulhol kaya naman hinaplos ko na ang likuran nito. Wala pang isang minuto ay tumahan na siya at kumawala na rin sa pagkakayakap.
“You are really beautiful…”
Nagulat ako nang sinabi niya iyon. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa batang ito. “Thank you! You are really handsome, too.”
“Oreo, let’s go na. Your mommy will get mad at me,” sambit pa ng yaya niya.
Ngumiti na ang bata sa akin at hindi ko naman inaasahan na hahalikan niya ako sa pisngi. “I will marry you when I grow up! I won’t share you with my brother!” sigaw nito habang naglalakad na palayo.
Kumaway na lang ako sa kaniya at napa-iling. Sa tingin ko ay may kamukha siyang lalaki nang titigan ko siya nang mariin kanina. He looks exactly as Caleb when he was young.