2: Instant Switch of Life

1397 Words
2: Instant Switch of Life Pinagmamasdan ko ang mga batang naglalaro sa gitna ng daan habang nakadungaw rito sa bintana kung saan ako naroroon. Pasado alas-otso na ng gabi pero tila hindi napapagod ang mga batang ito sa paglalaro na ngayon ko lang nakita. “Pa…miss ko na po kayo, kayong dalawa ni mama. Hindi ko naman akalain na ang aga ninyong mawala pareho, kunin n’yo na rin kaya ako?” Natatawa na lang ako habang umiiyak sa mga sinasabi ko. “Hindi, joke lang po iyon, pa. Kahit na sukong-suko na ako sa buhay, tapos idagdag mo pa iyong asawa mo at anak niya, parang gusto ko na lang magpabaon sa lupa. Joke ulit!” Dinadaan ko na lang sa biro ang lahat para maibsan naman itong sakit na nararamdaman ko. Hindi ko man alam kung paano at ano ang gagawin ko para makuha muli ang kompanya na pinaghirapan ng mga magulang ko, pero hahanapan ko na lang ng paraan kung paano. Bumalik na ako sa kama para makapagpahinga. Ang una kong iniisip na gawin ngayon ay hanapin iyong abogada na nag-settle ng sale deed kaninang umaga. Kailangan ko munang malaman ang kompanya na bumili ng lahat ng vineyard at ari-arian namin. Napabuntong-hininga na lang ako. “Kung kailan na excited pa naman akong pumasok sa kompanya ni papa para magtrabaho, doon pa minalas…” Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at pinilit na makatulog kahit sobrang bigat ng nararamdaman ko. “Magandang umaga, mga kaigan! Nandito na naman po ang inyong kaibigan na si Drew para iulat ang mga kahindik-hindik na kaganapan ngayong umaga. Una, sa pandaigdigang detalye…” Nagising ako nang wala sa oras dahil sa lakas ng tunog ng telebisyon na naririnig ko. Iminulat ko ang mga mata ko at kinabahan ng mga 0.0001 seconds dahil akala ko ay nasa ibang bahay na ako. “Bagong buhay ka na nga pala, Savanah!” singhal ko sa sarili ko sabay inat. “Okay…so, paano na ako kakain nito?” Tila mawawalan yata ako ng malay at halos mahulog na sa maliit kong kama nang makita ko ang laman ng wallet ko na 200 pesos na lang. Mabuti na lang kamo dahil may laman pa. Hindi ko naman kasi akalain na pati mga bank account ko ay magiging void at kukunin pa nila sa akin. Wala na akong nagawa dahil legal na asawa ni papa si Tita Carmela at siya ang may karapatan sa self-acquired and ancestral property ni papa. “Ineng? Sabana?” Nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Ate Marjorie ay natawa na lang ako. Tumayo na ako at binuksan ang pinto. “Hi, Ate! Good morning po!” “Ano iyong kumalampag kanina riyan na narinig ko sa kwarto ko?” “Ah!” Iyon siguro ang tunog nang mapatingin ako sa pitaka ko na walang laman. “Wala po, nagising ako kanina tapos na-out of balance.” Tinapik na niya ako sa balikat. “Ika’y magdahan-dahan diyan. Siya nga pala, kung gusto mong bumili ng umagahan, mayroon akong mga tindang pagkain sa baba, pumili ka lang.” “Talaga po? Sige po at gutom na rin ako, e.” “Oh, sige!” Naligo na lang muna ako at nagbihis nang maayos na damit dahil marami akong kasama sa bahay na ito at nakakahiya naman kung mukha akong dugyot. Nang makalabas na ako sa kwarto ko ay bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ang mga babaeng nasa mesa sa akin habang may kaniya-kaniyang ginagawa. “S-sorry…” Dinampot ko na ang phone ko at nagulat nang makita ang pangalan ni Trev. He is calling. “Hello, Trev? Bakit ka napatawag?” “Where are you right now? “Uh, I’m in my room—dito sa bahay. Bakit?” Wala pa nga rin akong nasasabi kay Trevor na lumayas—este pinalayas ako sa bahay namin. “Somebody told me that they have seen you holding a big suitcase. Are you goong somewhere?” “Ano ka ba, bestie. Nagpapaniwala ka na naman sa mga rumors. Tumigil ka nga riyan at tinatawag na naman ako ng Ate Lisana ko. Sige na, bye!” “Fine. If you ever need someone to talk, I’m just here ready to—” “Unahin mo muna iyang girlfriend mo at marami rin iyong problema. Bye na at okay na lang ako!” Ibinaba ko na ang tawag at tuluyan nang bumaba sa first floor dahil ayokong malaman ni Trevor ang nangyari sa akin. For sure ay bibilhan na naman niya ako ng apartment o condo at hindi ko gustong mangyari ‘yon. “Ineng, pumili ka na rito ng makakain.” Napangiti naman ako nang makita ko si Ate Marj na nagbabantay ng kaniyang mga nilutong pagkain. Nakahilera ito sa tapat ng kaniyang apartment at maraming mga tao ang bumili. “Magkano ang rice po, Ate? Tapos isang egg na lang din po.” “Limang piso ang isang plastic ng kanina pagkatapos ay pitong piso naman ang itlog,” anito. “Oh, ang mura. Sige po, iyan lang.” Kumuha na ako ng twelve pesos sa wallet ko at ibinayad. Kung ito lang ang kakainin ko araw-araw bago makapaghanap ng trabaho ay kasya rin naman sa akin. Pagkatapos kong kumain ay nagbihis na rin ako ng damit pang-alis para hanapin na ang abogadang iyon. Kahapon kasi ay napansin ko ang address na nasa dokumento kaya iyon ang pupuntahan ko. It might be her office. Pasado-alas onse na ng tanghali nang mahanap ko ang office ni Attorney Salcedo. Isa lang naman daw ang notary office rito sa lugar kaya siguradong sa kaniya iyon. Nang makarating ako sa tapat ay kumatok na ako. Nakabukas ang pinto kaya tumungo na lang ako sa loob at nadatnan ko ang dalawang babaeng nag-uusap. Isa sa kanila si Attorney Salcedo, ang babaeng naka-usap ko kahapon. “Miss Savanah, what brings you here?” tanong sa akin sabay ngiti pa sa kasama niya. “We will halt for a while, Mrs. Rivera. I’ll get back to you tomorrow.” “Thank you, Attorney.” Lumabas na rin ang babaeng kausap niya kaya umupo na ako sa harapan nito. “Hello po, Attorney.” “Hi! So, what brings you here?” “Uh…” Napahinga naman muna ako nang malalim bago magsalita. “Gusto ko lang po sanang malaman kung saan ibinenta ni Tita Carmela ang kompanya ng papa ko.” Bahagya naman siyang napahawak sa kaniyang sentido at minasahe ito nang marahan. “The thing is…we cannot disclose any information regarding the agreement—” “But I’m part of it, Attorney. Hindi nga lang ako umabot kahapon dahil galing ako sa likod ng bahay,” pagputol ko pa sa kaniya. I can’t leave this office without any starting information. “Okay…since it was already sold, I think I could give you the information,” anito at may kinuha na sa kaniyang desk na mga papers. “This company has launched their official vineyard and company in this country one year ago. Chateau La Vielle is the company who bought your father’s property.” Chateau…La Vielle? Bago siya sa akin. I’ve never heard something like that before dahil kabisado ko pa naman lahat ng mga sikat na winemaking company sa halos buong mundo. “Is that a new company, Attorney?” “I think, it’s not. They just changed their label kaya siguro bago sa’yo,” aniya sabay ngiti. “Actually, they have a new vineyard in Quezon. Nitong nakaraang buwan lang nag-operate.” “Oh, talaga po?” Nagulat ako kasi ilang taon na kaming naghahanap ni papa ng lugar dito sa bandang siyudad pero wala kaming mahanap. But this so-called-company who bought our property, nagkaroon na kaagad ng pwesto rito sa Quezon. Napatango na sa akin si Attorney Salcedo. “Yes, it was a shock to the winemaking industry nga dito sa Pilipinas. I think, they’re cultivating new crops kaya it’s a good start.” “Gano’n po ba…” Marahan na akong tumayo sabay ngiti kay Attorney. “Can I have the address of the vineyard po if it’s okay? I’ll just have to check something.” “Sure, wait a second,” tugon pa niya. Iyon ang una kong pupuntahan ngayon at sana ay makahanap ako ng lead at paraan na maibalik ang kompanya ng papa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD