11: Knight and Shining Armour
Parang nagkaroon ako ng hope dahil sa bagong competition nitong kompanya. Ang goal ko talaga ngayon ay manalo pagkatapos maging assistant ako ni Caleb. In that way, I could retrieve our company na hindi na mahihirapan.
"Uh, Sir, may qualifications po ba para makapasok diyan sa competition?” tanong ko pa kay Sir Tristan.
Napa-iling naman siya sa akin. “Anyone can participate as long as you have the degree and you’re a staff of Chateau La Vielle.”
“Sumali ka na, Sav! Malay mo.”
Napasulyap naman na ako kay Pearl sabay ngiti. Wala namang masama kapag sumali ako dahil pabor din naman ito sa akin. Ang kailangan ko pang gawin ay magpa-register para maging qualified.
Itinago ko na muna ang invitation nang mayroong pumasok na customer kaya nilapitan ko na ito. Nang makarating na ako sa tapat nila ay nagulat ako nang makita ko sina Ate Edith at Kuya Storm. Mga kaklase ito at kaibigan ni Ate Lisana na palaging nasa bahay namin.
“Is that you, Savanah!?” hindi makapaniwalang tanong ni Ate Edith habang tinuturo-turo pa ako. Medyo napalakas din ang boses niya kaya halos lahat ng mga customers pati sila Pearl ay napatingin na rin sa amin.
Yumuko na lang ako dahil nakakaamoy na naman ako ng masamang hangin na sana naman ay hindi totoo. “Uh, yes po, Ate. Hmm…what wine would you like to get po?” tanong ko pa sa kanila, trying to avoid the situation in my presence.
Nagulat na lang ako nang nilapitan nila ako at kaagad na tinapik sa balikat. “I don’t know what happened to you and Lisana and her mom, but I just want you to know that you don’t deserve na palayasin sa bahay ninyo, Sav,” pahayag pa sa akin ni Ate Edith.
“I’m sorry for your loss, Savvy,” dagdag pa ni Kuya Storm.
Wala talaga sa isip ko na ganito ang pakikitungo nila sa akin ngayon lalo na at alam ko rin naman kung gaano sila ka-close kay Ate Lisana. I’m grateful para sa kanila kaya naman napangiti na lang ako. “Thank you po, Ate…Kuya…”
“Anyway, I’ll have some Pinot Noir and white wine, Sav. Two bottles,” ani Ate Edith.
Lumapit naman na ako sa mga wines at pinapili sila ng variety ng white wine doon habang kinuha ko na rin ang gusto niyang Pinot Noir. Kapag nakikita ko ang label ng mga wine ay palagi akong napapatanong kung sino ba ang gumawa nito. Sa Chateau La Vielle ay siguradong ang daddy ni Caleb ang gumagawa ng mga wine pati ang lolo nito. Nakakainggit nga dahil buhay pa ang kaniyang lolo at tinuturuan siyang gumawa ng wine habang ako dati, si papa lang talaga ang nagtiwala sa kakayanan ko.
“Ano, pupunta ka na ba sa kompanya, Sav?”
Napalingon naman ako kay Pearl habang nag-aayos kami para magsara ang shop. Napatango naman na ako sa kaniya sabay ngiti. “Oo, kailangan ko kasing ipasa ‘to at urgent daw ang competition sa susunod na araw.”
“Ay, good luck, Sav!” Tinapik na niya ako sa kanang balikat ko. “Siya nga pala, may damit ka na ba para bukas? Kasi kung wala pa, magpapasama sana ako sa’yo sa divisoria. Maraming mumurahin na mga damit doon.”
“No need for that, Pearl. May mga dress ako ro’n na hindi ko pa nasusuot at sigurado akong kasya iyon sa’yo,” nakangiting tugon ko pa sa kaniya.
Hindi ko akalain na magagamit ko pa pala ang mga dress kong dala kahit papaano. Pagkatapos kong makapag-ayos ng mga requirements ko ay kaagad akong umalis para maabutan ko pa ang pagpapasahan ko nito sa kompanya.
Nang makarating ako ro’n ay balak ko sanang mag-text kay Caleb pero baka busy iyong tao at mayroon pa naman akong konting hiya kaya hindi ko na ginawa. Kailangan kahit na maging close pa ako sa kaniya ay may delikadesa pa rin akong babae.
“Hello po, Ma’am. I am Savanah Armani and I would like to participate on the competition to be held on December 3,” nakangiting pahayag ko habang inilalahad kay Ma’am Sandoval ang requirements ko.
Bahagya naman itong napatigil sa kaniyang pag-aayos ng mga gamit dahil mukhang magsasara na ang office nila. Napatingin ito sa akin mula ulo hanggang paa. “Why are you late?” anito at mabilis na dinampot ang folder ko.
“I’m sorry, Ma’am. I made sure na tapusin muna ang work sa shop before I—”
“Alright. Just go to the venue on the said date,” pagputol niya sa akin at kaagad na ring lumabas ng kaniyang opisina.
Medyo nanghina lang ako dahil sa naging pagtrato niya sa akin kaya matamlay akong lumabas ng opisina niya.
Habang naglalakad ako sa hallway papuntang elevator, nakayuko lang ako dahil parang kahit saan ako pumunta o ano ang gawin ko, hindi ko na matatakasan ang mga taong may mga ugali at gusto ka lang pababain.
"Okay lang 'yan, Sav, ang importan—"
Hindi ko na natapos ang hinaing ko sa sarili ko nang may makabangga akong kapre. Kaagad naman akong napahawak sa noo ko at dahan-dahang tumingala.
Si Caleb. Masama ang tingin niya sa akin.
"Uhm...hehe—"
"Look where you are going," iritang pahayag nito sabay lakad nang mabilis.
Sinundan ko naman siya at kaagad na nilapitan habang nakangiti. "Uy, Caleb. May tanong ako."
"Hmm?"
"Kapag ba nanalo ako sa competition sa susunod na araw, tatanggapin mo ako bilang assistant?" tanong ko pa sa kaniya.
Ito na lang kasi ang best resort ko para mapalapit ako at mabawi ko ang kompanya namin. Kailangan kong pagbutihan at galingan sa competition kahit na hindi ako sigurado kong mananalo ba ako.
Napa-iling naman siya sa akin at kaagad nang pumasok sa elevator. "Nope. Besides, do you really think that you could win?"
"Oo naman, no!" Sumunod na ako sa kaniya papasok ng elevator pero nagulat naman ako nang bigla niya akong pinigilan. "Bakit ayaw mo akong papasukin?"
"Can you please just stay away from my sight, Savanah?!"
Nagulat ako nang biglang tumaas ang boses sa akin ni Caleb. Ngayon ko lang nakitang naging ganito siya at halos wala nang preno sa mga sinasabi. Sobrang laki nga ang pinagbago niya.
Umatras na lang ako at ngumiti sa kaniya. "Hmm...baka masama lang ang araw mo ngayon, Caleb. Pwede pa naman ako ro'n sa kabilang elevator kaya doon na lang ako. Bye bye!"
Dali-dali na akong umalis at pumunta na lang sa kabilang elevator. Napasinghal na lang ako dahil wala naman akong natatandaang may ginawa ako kay Caleb para ganoon na lang ang maging galit niya sa akin. Noong umalis naman siya papuntang amerika ay nagpaalam din naman kami nang maayos sa isa't-sa. Ang sabi pa nga niya ay magpapakasal kaming dalawa kapag nagkita na ulit kami.
Nang makabalik na ako sa shop namin ay hinintay ako ni Pearl para maka-uwi. Magkasabay kaming umuwi at hindi na pumunta ng divisoria dahil bibigyan ko na lang siya ng isa sa mga dress ko.
"Wow! Ang ganda pala nito, Sav. Grabe, ibibigay mo lang talaga 'to sa akin?"
Napangiti na lang ako sa naging reaction ni Pearl nang maibigay ko na ang blue dress sa kaniya. "Mabuti naman at nagustuhan mo. Tamang-tama at may dalawang dress akong dala."
"Sobrang thank you talaga, Sav. Napakabait mo talaga at paniguradong sobrang mahal ng dress na ito."
"Wala iyon, ano ka ba."
Mas mabuti pa na makatulong ako keysa naman iwan ko ito kay Tita Carmela at kay Ate Lisana na paniguradong ibebenta lang din ang mga gamit ko pati na rin kay papa.
Pagkatapos maisukat ni Pearl ang dress na tamang-tama naman sa kaniya, bumalik na rin siya sa kaniyang kwarto para makapagpahinga. Kailangan kasi bukas ay maaga pa kami sa trabaho lalo na’t pagsapit ng hapon ay closed na ang shop dahil sa gaganaping party at mayroon daw na guest na dadating.
Nang makarating kaming dalawa ni Pearl sa shop ay kaagad na kaming nag-open. We have the right to open earlier than the schedule dahil nga sa party mamayang hapon at marami nang tao ang pumunta.
“Ano, keri n’yo pa ba riyan?” tanong ni Carol sa amin.
Napalingon naman kaming dalawa ni Shiela habang naglalagay ng mga wines sa rack dahil konti na lang ang natira. “Kaya pa naman, Car,” nakangiting tugon ko.
“Hey, I’ll have some wine!”
Napatingin kami sa bandang pinto nang may nagsalita at nagulat ako nang makita ko si Bryan na nakatayo roon. Mukha siyang lasing.
“Savanah, you’re here!” nakangising sambit pa nito sabay senyas sa akin. “I want you to pick me some wine.”
Wala na akong nagawa kung hindi ang lumapit doon. Wala pa naman dito ngayon si Sir Tristan dahil nasa kompanya pa kaya no choice ako kung hindi sundin ang gusto nitong lalaking ‘to.
“Wait, stop!”
Napatigil ako nang bigla niya akong pinigilan. “Bakit po, Sir?”
“Bakit nga pala ikaw ang tinawag ko. You’re not even knowledgeable about wines at baka mali pa ang maibigay mo sa akin. Pathetic!”
Ang lala naman ng lalaking ito.
Napahinga ako nang malalim at napangiti na lang sa kaniya. “Don’t worry, Sir, kahit papaano alam ko naman ang mga wines dito—”
“Shut up! Hindi ko nga alam na nakapasok ka na pala sa kompanya namin—”
Hindi na niya natapos ang kaniyang pagsasalita nang biglang may sumuntok sa kaniya galing sa likuran. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita si Trev na galit na galit ang mukha.
“Shame on you for picking up a fight with Savanah, Bryan! Isa pang pang-iinsulto mo sa kaniya at hindi lang ganiyan ang mararanasan mo,” giit na pahayag ni Trevor.
Niligtas na niya naman ako ulit…