Nang tumahimik na sa pag-iyak si Hope ay natahimik silang dalawa ni Davis habang nakaupo sa loob ng kotse nito. Nakatingin si Hope sa mapayapang dagat habang nakatingin naman sa harap si Davis. Parang bigla ay naging tahimik silang dalawa. “Bakit gusto mong umalis sa kompanya?” panimula at mahinahong tanong ni Davis sa kanya. Mukhang kumalma na ito nang makita nitong umiyak siya kanina. Hindi niya lang talaga naiwasan na maiyak kanina dahil sa takot niya sa binata. Iyon kasi ang unang beses na sinigawan siya nito at nagalit ito sa kanya na para bang gusto na siya nitong itapon sa dagat. Mabait, malambing, at maalaga kasi ito sa kanya noong magkasama pa sila kaya hindi niya alam na gano’n pala magalit ang binata. “Hope.” Napapikit siya sa malambing nitong boses, parang nagsusuma

