bc

The Billionaire's Amnesia

book_age18+
10.2K
FOLLOW
71.7K
READ
billionaire
second chance
pregnant
goodgirl
tragedy
twisted
bxg
icy
cruel
shy
like
intro-logo
Blurb

Davis Montefalco is a jolly person. Nagmana ito sa ina niyang si Anastasia Salvador Montefalco. Masayahin ito at malambing sa mga magulang at isang mabait sa lahat ng tao. Matulungin ito sa mga nangangailangan.

Lahat ng ugali na meron si Davis ay lubos na ipinagmamalaki nina Anastasia at David. Dahil sa ugali ng binata ay maraming babae ang nagkakagusto dito pero hanggang ngayon ay wala pa ring nakakapagpatibok ng puso nito.

Until one day. Habang papunta sa isang probinsya si Davis para magbigay ng tulong sa mga tao na nasalanta ng bagyo ay na-stranded siya doon at doon nakilala ang babaeng bibihag sa puso niya.

Dahil sa bagyo ay nagtagal siya doon at mas nakilala pa niya ng lubos ang dalaga na si Hope Lopez. Pangalan pa lang nito at sa pinapakita nito na kahit anong problema ang darating sa buhay nito ay palaging may pag-asa na darating. Kahit kailan ay hindi ito nawawalan ng pag-asa sa buhay, like her name, Hope.

Naging malapit ang dalawa dahil halos magkatulad na sila ng ugali. Sa kaunting panahon na nagkakilala sila ay naramdaman nilang mahal nila ang isa’t-isa.

Pero paano kapag nagkita silang muli at hindi na siya naaalala ng binata and the worst is, hindi na ito katulad ng nakilala niya noon.

Ang lalaking kaharap niya ngayon ay isa ng masungit, cold at mailap na sa mga tao. Wala na ang Davis na minahal niya noon.

What will she do if she will find out that the man of her life have an amnesia and worst may fiancée na pala ito. Ipaglalaban ba niya ito o magpaparaya na lang at hindi na gugulohin ang buhay nito?

chap-preview
Free preview
PROLOUGE
“Ano ba talaga ito Davis? Bakit ba kailangan mo pang takpan ang mga mata ko?” Natatawa si Hope habang nakahawak siya sa kamay ng binata.   “Dahil may surprise ako sa ‘yo,” bulong nito sa tenga niya.   Biglang nag-init ang kanyang magkabilang pisngi sa ginawa nito. Bumibilis ang t***k ng puso niya. Kinakabahan, na hindi niya alam, at may kung anong may kakaiba sa kanyang tiyan. Ito ba ang tinatawag nilang paruparo sa tiyan?   “Bakit kailangan pang takpan ang mga mata ko? Makikita ko din naman ‘yan mamaya.” Bahagya nitong pinisil ang ilong niya na ikinanguso niya.   “Silly. Kapag nakita mo na agad, hindi ka na masusurprisa.”   Napakagat-labi na lang siya para pigilan ang pagngiti. Kapag kasama talaga niya ang binata ay palagi siyang napapangiti nito. Masaya siya sa tuwing kasama ito, kaya naman talagang malulungkot siya kapag umalis na ito, at bukas na nga ito babalik sa Maynila. Ito na ang huling gabi na magkakasama sila ng binata.   Hindi man niya gustong umalis ito ay hindi naman niya ito pwedeng pigilan. Kahit na nobyo na niya ito ay pakiramdam niya wala pa rin siyang karapatan na pagbawalan ito sa gusto nito. Bigla siyang nalungkot, pero agad din niyang winala. Ayaw niyang maging malungkot sila sa huling oras na magkasama sila ng binata. Ayaw niyang sirain kung ano mang surprisa ang inihanda nito para sa kanya. Susulitin na lang niya ang gabing ito.   “Tatanggalin ko na ha?” Nasa likod niya ito at naramdaman niyang tinatanggal na nito ang panyo na nakapiring sa mga mata niya.   Pikit-mata ang ginawa niya dahil bahagyang nanlalabo pa ang mga mata niya. Nang maging malinaw ang paningin niya ay nakita niya ang kubo na tinatambayan niya noon na maliwag. May mga ilaw na iba’t-iba ang kulay. Para itong mga kulisap sa madilim na gabi.   “Papaanong---” Napatingin siya kay Davis na nakangiti ng malaki. “Paanong nagkaroon ng ilaw dito?” Lumapit siya saka napatingin sa mga ilaw.   Malayo ito sa bayan nila kaya naman hindi aabot dito ang kuryente kaya nagtataka siya kung papaanong gumana ang mga ilaw.   “Solar ang mga ‘yan kaya hindi mo kailangan ng kuryente para umandar ‘yan.”   “Solar?”   Tumango ito saka niyakap siya mula sa likod. “Ang mga ilaw na gaya nito ay hindi na kailangan ng kuryente. Ang tanging gagawin mo lang ay itatapat sa sikat ng araw ang solar para mag-charge.”   “Ang galing naman.” Natuwa siya. Hindi niya alam na may gano’n pala.   Iba talaga kapag nasa lungsod, kakaiba ang mga gamit. Masyado kasing malayo sa lungsod ang bayan nila kaya naman wala talaga silang kaalam-alam tungkol sa mga bagong teknolohiya.   “Halika.” Hinila siya nito papasok sa kubo. May kinuha ito saka binigay sa kanya. “For you.”   Napatulala siya sa Tulip na hawak nito. Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa bulaklak saka sa binata. Hindi niya agad tinanggap ang bulaklak dahil alam niya kung anong ibig sabihin nito para sa binata.   “Para sa akin ‘yan?” hindi makapaniwala niyang tanong habang nakaturo sa sarili.   “Oo naman.”   “Pero---”   Kinuha nito ang kanyang kamay saka inilagay ang Tulip sa palad niya. “Alam ko. Wala akong dalang singsing para ipangako sa ‘yo na papakasalan kita. Pero ibinibigay ko sa ‘yo ang Tulip na ito, bilang isang pangako. Aalis ako bukas, pero babalik din ako. Sa pagbabalik ko, kasama ko na ang mga magulang ko para hilingin sa lola mo ang iyong kamay.”   Hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito. Bigla ay tumulo ang kanyang luha dahil sa tuwa.   “Babalik ako, Hope. Kukunin kita at papakasalan. Tatandaan mo na mahal na mahal kita. Wala akong ibang minahal kung hindi ikaw lang at pangako, maliban sa magiging mga anak natin ay wala akong ibang mamahalin kung hindi ikaw lang.”   Napapikit siya ng halikan siya nito sa noo. Niyakap niya ito at bumuhos na ang kanyang mga luha. Naghahalo-halo sa loob niya ang saya at lungkot.   “Ayokong umalis ka, Davis. Ayokong malayo sa ‘yo.”   Niyakap din siya nito ng mahigpit. “Ayoko ding malayo sa ‘yo, Hope. Pero kailangan kong umuwi para sabihin kina mommy at daddy ang tungkol sa ‘yo.” Kumalas ito mula sa pagkakayakap saka sinapo ang mukha niya. “Huwag kang mag-alala. Kapag nakabalik ako dito, pangako ko sa ‘yo, hinding-hindi na tayo magkakahiwalay.”   “Talaga?”   Ngumiti ito saka tumango. “Oo naman.”   Ito ang unang beses na nagmahal si Hope ng lalaki. Maraming nanliligaw sa kanya sa kanilang probinsya pero ni isa ay wala siyang sinagot. Wala siyang nagustohan. Napatitig siya sa magandang mukha ng binata. Hinaplos niya ang pisngi nito.   Ito na ata anag pinakagwapong lalaki na nakita niya sa buong buhay niya. May makapal itong mga kilay, ang kulay hazel brown nitong mga mata, ang matangos nitong ilong, ang manipis at natural na mapula nitong labi. Bigla siyang napalunok ng wala sa oras ng makaramdam siya na para bang gusto niyang halikan ang mga labi na ‘yun ni Davis.   Gumalaw ang mga labi nito dahilan para mapatingin siya sa mga mata ng binata. Nakatingin din pala ito sa labi niya. Nakita niya ang bahagyang paglunok nito. Napatingin siya ulit sa labi nito. Napapikit na lang siya ng dahan-dahan na inilapit ni Davis ang labi nito sa labi niya.   Hindi nga nagtagal ay naramdaman niya ang malambot nitong labi. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari ngayon. Ito ang unang halik niya at galing pa sa lalaking mahal niya. Sabihin na nating hindi sila matagal na magkakilala ng binata. Hindi gaya ng iba na ilang taon muna nanligaw ang lalaki bago sinagot ng babae.   Pero kahit na hindi gano’n katagal ang pagkakilala nila ay alam niya sa puso niya na mahal na niya ang binata. Hindi naman kasi basihan ang tagal ng panahon para masabi mo na mahal mo ang isang tao. Nasa puso iyon ng tao. Kapag naramdaman agad ng puso na mahal nito ang isang tao ay mahal na talaga niya ito. At iyon ang nararamdaman ni Hope para kay Davis.   Alam niya sa puso niya na mahal na niya ito at hinding-hindi siya magsisisi na minahal niya ito. Mas lumalim pa ang halik kaya naman napahawak siya sa batok nito para kumuha ng lakas. Para kasing hinihigop ng halik na ‘to ang lakas niya.   Nagtaka siya ng biglang pinutol ng binata ang halik.   “Bakit?” nagtataka niyang tanong.   Bumuga siya ng hinga sa kamay niya saka ito inamoy. Baka kasi mabaho ang hininga niya kaya ito tumigil sa paghalik. Hindi naman mabaho ang hininga niya. Sa katunayan ay amoy toothpaste pa nga ito dahil bago pa dumating ang binata kanina ay nag-toothbrush siya. Bago kasi siya matulog ay nagto-toothbrush muna siya.   Biglang natawa ang binata sa ginawa niya na ikinanoot ng noo niya. “Hindi naman mabaho ang hininga ko ah.”   Mas natawa ito. “May sinabi ba ako na mabaho?”   Napanguso na lang siya. “Wala.”   Niyakap siya nito kaya naman inihilig niya ang kanyang ulo sa matipuno nitong dibdib.   “Hindi naman kasi mabaho ang hininga mo. Actually, mabango nga at lasang toothpaste.” Bahagya niya itong pinalo sa dibdib kaya naman natawa na naman ito. “And it makes me feel hot.”   Napahiwalay siya sa pagkakayakap dito. Hindi niya kasi naiintindihan ang sinabi nito dahil Ingles. “Anong sabi mo?”   “Wala.” Hinila na naman siya nito saka niyakap.   Mahinang gumalaw si Davis kaya naman napapasabay din siya. Para silang nagsasayaw kahit wala namang musika. Para bang nasa isip nila ang tugtog at malamya silang sumasayaw. Napapikit si Hope at dinama ang bawat oras na kasama ang binata. Alam niya, kinabukasan ay aalis na ito at hindi niya alam kung kailan niya ulit ito makikita.   “Mahal kita, Davis.” Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa kanya.   “Mahal din kita, Hope.” Humiwalay ito saka hinawakan ang magkabila niyang balikat. “Basta hintayin mo ako.” Inilagay nito ang takas niyang buhok sa likod ng tenga niya. “Huwag na huwag mo akong ipagpapalit sa iba dahil talagang masasaktan ako.”   Siya naman ang natawa sa sinabi nito. Kahit ilang taon nga siya niligawan ng ibang lalaki ay wala nga siyang natipohan, pero si Davis na kamakailan niya lang nakilala ay mahal na niya. Paano kaya niya ito ipagpapalit?   Hindi siya sumagot, pero pinadama niya sa binata na hinding-hindi niya ito ipagpapalit sa pamamagitan ng isang halik sa labi nito. Hindi niya inaasahan na magiging ganito siya sa binata. Para bang nababaliw na siya dito. Hindi niya alam kung bakit, dahil ba ito ang unang beses na nagmahal siya o dahil sa mahal lang talaga niya ang binata ng sobra.   Napasinghap siya ng hinawakan siya ni Davis sa bewang saka mas inilapit pa dito. Bahagya din nitong napipisil ang bewang niya. Para bang nanggigigil ito. Mas naging mapusok ang halik at mas lumalalim pa. May kakaiba na siyang init na nararamdaman sa katawan niya na hindi niya alam kung saan nanggaling. Galing ba ito sa halik ni Davis?   Nagulat na naman siya ng kumawala ito sa halik. Habol-habol nila ang mga hininga nila. Pinagdikit ni Davis ang mga noo nila.   “Stop this, Hope.”   “Ha?” Nagtataka siya sa sinasabi nito at kung bakit ito tumigil sa halik nila.   “Itigil na natin ito.” Bigla ay nakaramdam siya ng sakit sa dibdib at bigla na lang kumawala ang mga luha niya na ikinagulat ng binata. “Hey, bakit ka umiiyak?”   “Hindi mo na ba ako mahal?”   “Bakit mo naman nasabi ‘yan.”   Pinunasan niya ang mga luha na parang bata na nagpupunas ng luha gamit ang kamay niya. “Kasi sabi mo itigil na natin ito. Naisip ko na baka hindi mo na ako mahal kasi gusto mo ng itigil ito.”   Natawa naman ito saka siya niyakap. “Silly. Mahal kita, Hope. Mahal na mahal.”   “Eh, bakit sinabi mo na itigil na natin ito?”   “Hindi naman ang relasyon natin ang ibig kong sabihin na itigil natin. Ang ibig kong sabihin na itigil na natin ay ang paghalik.”   Kumalas siya saka tiningnan ang binata. “Bakit? Ayaw mo ba akong mahalikan?”   “Hindi naman sa gano’n, Hope.” Tumitig ito sa labi niya saka ito hinaplos. “Gusto ko. Gustong-gusto ko na mahalikan ang malambot mong labi.”   “Bakit hindi mo gawin?”   Napangiti ito saka tumingin sa mga mata niya. “Baka kasi hindi ako makapagpigil.” Natawa na naman ito ng makita nito ang inosente nitong mukha. “Ayaw kong umabot tayo sa pagsisiping.” Nanlaki ang mga mata nito saka namula ang mukha.     Niyakap ni Davis si Hope ng mahigpit. Napaka-inosente ng babaeng mahal niya. Kanina pa siya nakakaramdam ng init ng maglapat ang mga labi nila pero pinipigilan niya lang. Ayaw niyang may mangyari sa kanila ng dalaga, lalo na’t hindi pa sila kasal.   “Mahal mo ba ako, Davis?” Nagulat siya sa biglang pagtanong nito.   Ilang beses na niyang sinabi sa dalaga na mahal niya ito, hindi lang niya sinasabi, ipinapakita pa niya.   “Oo naman,” nakangiti niyang sagot.   “Babalikan mo naman ako, hindi ba?”   Nakaramdam siya ng lungkot ng makita ang lungkot sa mga mata nito. Ayaw man niyang umalis ay hindi pwede. Ilang buwan na din siyang namamalagi sa probinsya nito para lang makasama ang dalaga. Hindi naman pwede na ganito lang sila habang buhay.   Gusto niyang umuwi para ibalita sa mga magulang niya na nakita na nga niya ang babaeng papakasalan niya. Babalikan niya ang dalaga para hingin ang kamay nito sa lola nito. Kapag pumayag ito sa gusto niya ay dadalhin niya ito sa Maynila para doon na sila tumira at bumuo ng pamilya.   Sinapo niya ang mukha nito saka tumitig sa mga mata nito para makita nitong seryoso siya. “Oo naman. Babalikan kita kaya dapat hintayin mo ako.”   Nagulat siya ng halikan siya nito. Agad siyang humiwalay ng makaramdam na naman siya ng init sa katawan.   “Stop it, Hope. Baka hindi ako makapagpigil.”   “Eh, di huwag mong pigilan.” Nagulat siya sa sinabi nito. “Handa kong ibigay ang sarili ko sa ‘yo, Davis.” Hindi siya nakapagsalita. “Mahal na mahal kita, Davis.”   Hinalikan siya nito ulit dahilan para mas tumindi pa ang init na nararamdaman niya. “Sigurado ka ba?” tanong niya sa gitna ng halik. Tumango ito.   Tinitigan muna niya ito ng mabuti. Nakikita niya sa mga mata nito na desidido na nga ito. Muli niya itong hinalikan saka dahan-dahan na inihiga. Bumaba sa leeg nito ang halik niya.   “Ohhh…”   Mas uminit ang kanyang katawan ng marinig niya ang ungol nito. Bumalik sa labi nito ang kanyang labi.   “I’ll be gentle,” sabi niya saka muli itong hinalikan sa labi.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

His Obsession

read
73.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook