CHAPTER 1

1404 Words
“Totoo ba talaga ang sinasabi mo, mommy, na kahit makalimot ang isip, hindi naman nakakalimot ang puso?” tanong ng batang si Davis sa kanyang ina.   Pinisil ni Anastasia ang tungki ng ilong niya. “Oo naman, baby. Lagi mong tatandaan, na kapag tunay mong mahal ang isang tao, kahit magka-amnesia ka man, mawala man siya sa isip mo, hindi naman sa puso mo.” Tinuro nito ang puso niya.     Iyon ang mga katagang sinabi ng ina ni Davis noon na kahit kailan ay hinding-hindi niya makakalimutan. Alam niya na totoo ang sinasabi nito dahil dito mismo nangyari ang mga bagay na ‘yun. Humahanga siya sa naging istorya ng buhay ng mga magulang niya. Kahit ilang taon na naghintay ang mga ito o ilang mga pagsubok ang mga nangyari sa mga ito, hanggang ngayon ay matatag pa rin ang samahan ng mga ito.   Habang nakatingin sa mga magulang niyang naglalambingan ay bigla siyang napangiti at napaisip kung kailan din siya magkakaroon ng katulad ng kanyang ina, na mabait, maalaga at mapagmahal sa kanila ng ama niya. Napakaswerte niya dahil ito ang mga naging magulang niya.   Napailing na lang siya saka umalis ng bahay. Pumunta siya sa isang flower shop. Tumunog ang bell na nasa ibabaw ng pinto ng buksan niya ito.   “Good morning, Sir. Ano pong bulaklak ang gusto niyo?” nakangiting tanong ng babae sa kanya.   “Good morning, too,” nakangiti din niyang bati dito dahilan para pamulahan ito ng mukha. “Gusto ko ng isang basket ng Gerbera Daisy, please.”   Napakagat-labi ang babae saka tumango. “Okay, sir. Just a minute.”  Nagpapa-cute ito sa binata bago umalis.   Napailing na lang siya saka napatingin-tingin ng mga bulaklak na naka-display sa flower shop. Napatingin siya sa isang vase na may lamang Tulip saka ito hinawakan. Napangiti siya ng maalala ang meaning nito. Tulip mean, true love, hope and loyalty. Masyadong malalim ang ibig sabihin. Kaya naman ipinangako niya na ang babaeng mamahalin at papakasalan niya lang ang bibigyan nito.   He is already twenty-five, pero hanggang ngayon ay wala pa siyang naging girlfriend. Hindi naman siya naghahanap o nagmamadali na makita ang babaeng mamahalin niya. Marami namang mga babae na nagkakagusto sa kanya o marami namang magaganda, pero wala pa ring babae na nakapagpatibok ng puso niya.   Napatingin siya sa pinto ng tumunog ang bell at nakakita ng dalawang magandang babae na pumasok. Agad itong napatingin sa kanya kaya naman ngumiti siya dito. Hindi naman siya nangho-hook ng babae. Sadyang friendly lang siya. Hindi niya ito kilala, pero nginitian pa rin niya. Ngiting pagbati lang kung baga.   Agad na nagpa-cute ang mga ito sa kanya, pero balewala lang ito sa kanya. Maganda naman ang dalawang babae at sexy, pero ewan ba niya. Kahit na gaano kaganda o ka-sexy ang isang babae ay hindi niya pa rin ito nagugustohan dahil hindi naman tumitibok ng mabilis ang puso niya para dito.   “Ito na po, Sir.” Napatingin siya sa babae.   Inilahad nito sa kanya ang isang basket ng Gerbera Daisy. Ibinigay niya ang bayad dito. Binigyan niya ng ngiting pagbati ang dalawang babae saka umalis sa flower shop.   “Gosh! Ang gwapo niya,” sabi ng isang babae.   “Oo nga. Kaso mukhang may girlfriend na,” sabi naman ng isa.   “Paano mo naman nasabi ‘yun?” tanong nito habang nakatingin kay Davis na natatanaw nila mula sa loob ng flower shop.   “Hindi mo ba nakita? Bumili siya ng bulaklak. Syempre ibibigay niya ‘yun sa girlfriend niya.”   “Malay mo naman nanliligaw pa lang siya.”   “Ewan. Basta ang gwapo niya.” Sabay na kinilig ang dalawa na ang laman ng usapan ay si Davis.     SUMAKAY na sa kotse si Davis saka pinaandar ang makina nito. Nag-drive siya papunta sa lugar kung nasaan, maliban sa mommy niya, ang babaeng mahal na mahal niya din. Inihinto niya ang sasakyan ng makarating siya.   Kinuha niya ang mga bulaklak saka naglakad papasok. Nang makarating ay inilagay niya ang dala niya sa gilid ng puntod ng mahal niyang kapatid. Hindi na niya ito nakita pa dahil nasa sinapupunan pa lang ito ng ina niya ay namatay na ito. Alam niya, isa iyon sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay ng mga magulang niya.   “Hi, bunso. Pasensiya na kung ngayon lang ulit nakadalaw si Kuya ha? Medyo naging busy lang. Alam mo na.” Nilinis niya ang puntod nito sa pamamagitan ng pagpunas ng isang panyo. “Alam mo naman na, mahal na mahal ka namin kahit hindi ka namin nakasama.” May kinuha siyang chocolate mula sa bulsa niya saka inilagay sa tabi ng basket. “Don’t worry, hindi ko nakalimutan na dalhan ka ng chocolate.”   Halos kalahating oras din siyang nanatili sa harap ng puntod ng kapatid niya bago siya nakapagdesisyon na umuwi. Nang makarating sa bahay ay agad siyang dumiretso sa kwarto niya para mag-impake.   “Pasok,” sabi niya ng marinig ang katok sa pinto ng kwarto niya. Nakita niyang pumasok ang mommy niya. “Mom? May kailangan ka?” Kumuha siya ng ilang mga damit sa kabinet niya saka inayos na inilagay sa bag niya.   “Aalis ka na naman?” tanong ng mommy niya ng makita ang ginagawa niya. “Kakauwi mo lang noong isang araw, aalis ka na ulit?”   “Yes, Mom. Pupunta kami sa isang probinsya na nasalanta ng bagyo. Magdadala kami ng mga kailangan nila.”   “Pero kakauwi mo lang. Hindi ba pwedeng sa susunod na byahe ka na naman sumama? I and your dad, miss you.”   Napatigil siya sa ginagawa saka napatingin sa mommy niya. Lumapit siya dito saka niyakap ito ng mahigpit. Nang kumalas siya ay hinalikan niya ito sa pisngi.   “Nami-miss ko din naman kayo palagi ni Dad. Pero alam mo naman ang trabaho ko, Mom.”   Napabuntong-hininga na lang ito. “I know.” Napangiti siya ng makitang umupo ito sa kama at tinulungan siya na ayusin ang mga gamit niya.   Alam niyang nagtatampo ito dahil minsan na nga lang siya umuuwi ay aalis din siya kaagad. Pero kahit na nagtatampo ito sa kanya ay nakasuporta pa rin ito sa ginagawa niya. President kasi siya ng isang charity na kung saan tumutulong sila sa iba’t-ibang lugar—lalo na ang mga probinsiya—sa mga taong nangangailangan ng mga tulong. Lalo na kapag may sakunang nagaganap sa lugar.   “Kahit minsan lang tayo nagkakasama, I’m still proud of you, son. Napakabait mong bata. Masyado kang matulungin.”   Naupo siya sa harap nito. “Syempre nagmana ako sa mabait kong mommy.”   Hinaplos nito ang kanyang pisngi saka pinisil dahilan para mapaaray siya. “Sana naman kahit saan ka magpunta ay may maiuwi ka din namang babae na mapapangasawa mo.”   Natawa siya. “Mapapangasawa kaagad, Mom? Hindi ba pwedeng girlfriend muna?”   Napailing ito. “Twenty-five ka na, Davis, at magtu-twenty-six na ilang buwan na lang, pero hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagkaka-girlfriend.”   “Hindi ko pa kasi nahahanap ang babaeng magpapatibok ng puso ko, Mom. Hindi naman ako nagmamadaali na hanapin siya. Hihintayin ko na lang na kusa siyang dumating.”   “Kailan naman kaya ‘yun? Kapag maputi na ang mga buhok namin ng daddy mo?”   Natawa siya sa sinabi nito kaya naman niyakap niya ito ng mahigpit. “Kahit na pumuti ang mga buhok mo, Mom. Maganda ka pa rin, promise.”   Pinagpapalo-palo siya nito dahilan para matawa siya. “Huwag mo ngang iniiba ang usapan.”   “Okay, Mom. Stop it.” Hinawakan niya ang dalawa nitong kamay saka sumeryoso. “I promise you, Mom, kapag nakita ko na ang babaeng magpapatibok ng puso ko. Hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataon at sisiguraduhin ko na magiging akin siya. Hinding-hindi ko siya papakawalan. Like I said, gusto ko kapag nakahanap ako ng babae, gusto ko siya na panghabang buhay.”   Naging seryoso ang mukha ng mommy niya. “Pangako?”   Ngumiti siya ng matamis dito. “I promise.” Itinaas niya ang kanyang kanang kamay bilang pangako.   Sinapo nito ang magkabilang niya pisngi saka siya tinitigan sa mga mata. “I just want you to be happy. Gusto kong makakita ka ng babaeng mamahalin ka at mamahalin mo din. Isa lang ang tanging gusto kong makita. Ang magkaroon ka ng sarili mong pamilya.”   “Don’t worry, Mom. Hindi pa man iyan mangyayari ngayon, but soon.”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD