Sick

901 Words
HALOS kakatapos lamang ng importanteng meeting ni Rafe nang tumawag si Liv. Nakaramdam siya ng kaba sa dibdib. Sa totoo lang ay kanina pa naman talaga siya kinakabahan. Umalis siya ng bahay gayong alam niya na may sakit ang anak. Day-off niya ngayon pero dahil napaka-importante ng meeting ngayon dahil buwan ang inantay niya para makipagnegosasyon sa kliyente, isinatabi niya muna si Scarlett. Pagkatapos ng lahat, naroroon naman si Liv. Ina ito ng anak kaya dapat ay magtiwala siya rito. Hindi ito nakatulog nang ayos mabantayan lamang ang nilalagnat na si Scarlett. Pumayag si Liv na umalis siya. Sinabihan niya ito na kung may problema ay tumawag na lamang sa kanya. Ngayon ay tumatawag na ito kaya dapat ba niyang asahan na may problema nga? Huwag naman sana. Kahit na ba ayon sa mga katiwala ay simpleng lagnat lang ang nakuha ni Scarlett ay nag-aalala pa rin siya. "R-Rafe, nasaan ka na? Tapos na ba ang meeting? Puwede ka na bang umuwi?" Lumakas pa lalo ang kabog ng dibdib ni Rafe nang mahalata na umiiyak si Liv. "Yeah. Anong nangyari? May problema ba?" "Napakataas ng lagnat ni Scarlett. Nasa ospital kami at---" humahagulgol na si Liv. "Oh, Rafe! Pumunta ka na rito. Hindi ko na alam ang gagawin ko." "Saang ospital?" Mabilis na naglakad si Rafe patungo sa kotse. Sinabi ni Liv ang pangalan ng ospital. "Okay, papunta na ako. Now calm down. Nasa ospital na kayo. Walang mangyayaring masama kay Scarlett." "Natatakot ako, Rafe. I hate here. Please, pumunta ka na rito. Dalian mo." "I am already. Just please calm down, okay?" pinatay na niya ang tawag. Mas lalo siyang kinakabahan sa umiiyak na lagay ni Liv. Tatlong minuto ang nakalipas ay tumawag muli si Liv. "Nasaan ka na ba? Bakit ang tagal mo?" gumagaragal ang boses nito. "Liv, wala akong super powers para makarating kaagad diyan, okay? But my driver is doing his best. By fifteen minutes, nandiyan na ako. Ano bang sabi ng Doctor? Puwede ko ba siyang makausap?" Nawala sa linya si Liv. Ang sunod na narinig niya ay ang boses ng Doctor. "Mr. Navarro?" "Yes, Doc. Ano po ba ang lagay ng anak ko?" "Napakataas ng lagnat ng bata. Uso ngayon ang dengue kaya iniisip namin na iyon ang dahilan. Sinabi rin ng mga kasama niya na nahihilig siyang pumunta sa garden. Maaaring doon ay nakagat siya ng lamok. Pero dahil kakagabi lang naman na nilagnat ang bata, maagapan pa natin iyon. I don't think there's nothing to worry about." "Thank you, Doc." "Sana nga lamang ay ganoon ang isipin ng Yaya niya. Kanina pa siya iyak nang iyak siguraduhin man namin na ligtas ang bata." "I also feel so. She's panicking." "Hindi namin maintindihan kung bakit. Kanina pa naman namin sinigurado na magiging maayos rin si Scarlett." "Masyado lang ang emotional attachment siguro niya sa bata." Nasabi na lamang ni Rafe. Pinabalik niya sa Doctor ang cell phone kay Liv. "Just keep calm, Liv. Umayos ka. Isipin mo rin si Scarlett. Magugustuhan ba niya na makita na nagkakaganyan ka? Magiging maayos rin si Scarlett. Iyon rin ang sinabi sa akin ng Doctor niya. 'Wag ka na muna na tumawag. Malapit na kami. And please, I want you to be really calm when I got there, okay?" Binaba na ni Rafe ang cell phone. Tinakbo niya ang papunta ng emergency room. Hindi niya nakita roon si Liv pero naroroon si Scarlett. Tulog ito pero mataas pa rin ang lagnat. Inaayos lang raw ang hospital suite kung saan ito iko-confine. Dahil nakausap na niya ang Doctor kanina, hindi na rin niya inalala ang lagay ni Scarlett. Hinalikan niya ang noo nito saka hinanap si Liv. Nasa may waiting lounge ito. Nakita niyang pilit ito na kinakalma ni Manang Lucia at mayroon rin na isang Doctor na nagpapainom ng tubig rito. Nang lapitan ni Rafe si Liv ay kaagad na niyakap siya nito. Nanginginig ang babae. Hinagod niya ang likod nito. "Scarlett is all right. Tumahan ka na." Humahagulgol pa rin si Liv. Natutunaw ang puso ni Rafe sa bawat pag-iyak nito. He felt a pang on his chest. Na-guilty siya sa pag-una sa negosyo kaysa sa pamilya. Paano kung may nangyaring masama talaga kay Scarlett? At ngayon si Liv. Pinagdaanan nito ng mag-isa ang lahat. Nasaktan si Rafe sa isipin na nasasaktan si Liv. Apektado pa talaga siya rito. Niyakap rin niya nang mahigpit ang asawa. "Please get me out of here, Rafe. Hindi ko kaya..." request nito na ikinagulat niya. Bahagyang kumalas siya sa yakap. "Anong sinasabi mo? You are supposed to take care of Scarlett. Mas kailangan ka niya sa ngayon." Umiling ito. "H-hindi ko kaya..." Tinitigan ni Rafe si Liv. Anong hindi nito kaya? Hindi ba nito gustong alagaan ang anak? Inisip pa naman kagabi ni Rafe na baka ito na ang tamang pagkakataon para ipakilala niya si Liv kay Scarlett. Kagabi ay nakita niya kung paano nito alagaan ang anak. Naramdaman niya ang pagpapahalaga nito sa anak sa kabila ng ginawa nitong pag-iwan sa kanila noon. Pero ano itong naririnig niya mula kay Liv ngayon? Nalaman lamang nito na masama ang lagay ng anak kaysa sa simpleng lagnat na inakala nilang lahat ay iiwan na lamang nito ang anak? Hindi nito kaya? Hindi nito gustong alagaan si Scarlett. Gustong murahin ni Rafe ang sarili. Ang tanga niya para maisip na bigyan talaga ng panibagong pagkakataon si Liv sa anak, lalong-lalo na sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD